Professional Documents
Culture Documents
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Pampaaralang Pansangay ng Pangasinan I
MATAAS NA PAARALAN NG LOKEB NORTE
MALASIQUI, PANGASINAN
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot
5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin
ang mga
bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon?
A. United Arab Emirates, Qatar at Iran C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan
B. North Korea, Nepal at Singapore D. China, Indonesia, at Uzbekistan
6. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 4
7. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. Africa B. Asya C. Europa D. Australia
11. Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8, 850 metro.
A. Mt Everest B. Mt. Fuji C. Mt. Pinatubo D. Mt. Kanchengjung
12. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit kumulang 13, 000 na pulo?
A. Indonesia B. Pilipinas C. Japan D. Brunei
14. Bakit sinasabing ang Pilipinas kasama ang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na sona
kung tawagin ay Pacific Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito
15. Ito ay uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at karaniwang makikita sa bansang Myanmar at
na nasa Timog- Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie B. Savanna C. Taiga D. Rainforest
16. Sa pagkakaroon ng lambak-ilog at mababang burol ng mga bundok na mainam na pagtaniman sa Hilagang Asya. Ano ang
mahihinuha mong maaaring maging hanapbuhay ng mga naninirahan dito?
A. Pangingisda B. Pagmimina C. Pagsasaka D. Pagpipinta
17. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa produksiyon at pinakamalaking
deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang ang ginto?
A. Yamang Lupa B. Yamang Tubig C. Yamang Gubat D. Yamang Mineral
18. Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
19. Ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran. Ano ang tawag sa
pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Siltation B. Deforestation C. Salinization D. Desertification
B. Deforestation
C. Salinization
D. Desertification
20. Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at nakapagpapalaki ng
produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan
ng pansin dito?
A. Agrikultura B. Ekonomiya C. Panahananan D. Turismo
22. Ito ay ang pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng mundo dahil sa gawa ng mga tao. Anong konsepto ang
tinutukoy dito?
A. Climate Change B. Climate Change C. Red Tide D. Acid Rain
23. Ano ang epekto ng Land Conversion?
A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao C. Pagkawasak ng tirahan ng ibat-ibang species ng hayop
B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan D. Pagdami ng produksiyon ng pagkaing butil
24. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mama-
mayan, alin sa iyong palagay ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating
daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok
B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran
25. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
26. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop
27. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punongkahoy
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan.
28. Kapag nangyari ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa inyong lugar ano ang maaari mong gawin?
A. Iwasan ang di tamang pagtatapon ng basura C. Malalaking puno lamang ang puputulin
B. Linisan ang mga kanal o mga daluyan ng tubig D. Magtanim ng maraming punong-kahoy
29. Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangitangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa
natural na kalikasan. Anong konsepto ito?
A. Ecological Balance B. Biodiversity C. Kapaligiran D. Likas na Yaman
30. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap
ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa mga programa na isinasagawa
ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog
31. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa
pagkasira ng kagutaban, ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ganito gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita
32. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
Prepared by:
JOHNNIE D. SORIANO
Teacher III
LIZA V. SORIANO
Master Teacher I
Apprroved: