You are on page 1of 3

Pangalan:________________________________ Grado at Seksyon:________

ARALING PANLIPUNAN 4
WEEK 4
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang klimang nararanasan sa Pilipinas?


A. Tropical C. Mainit na mainit
B. Malamig na malamig D. Taglamig
2. Ano ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa
atmospera , temperatura, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito?
A. Kulktura C. Kaprikorn
B, Klima D. Kanser
3. Paano malaman ang klima ng isang lugar o bansa?
A. Matukoy ang lokasyon at topograpiya nito.
B. Matukoy ang topograpiya o paglalarawan ng katangian ng isang lugar.
C. Matukoy ang hangin at katubigan mayroon ang isang lugar.
D. Matukoy ang lahat na nabanggit sa A, B, at C.
4. Tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa tag-init at taglamig.
A. Polar Region C. Klima
B. Topograpiya D. Panahon
5. Bakit magkakaiba ang klima sa ibat ibang lugar ng ating bansa?
A. Dahil sa pag-ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong aksis.
B. Dahil sa ulan at ulap na mayroon ito.
C. Dahil sa tag-init at taglamig na klimang nararanasan.
D. Dahil sa bagyo at matinding ulan na dumating sa bansa.
6. Anong uri ng klima ang mararanasan sa mga naninirahan sa Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal?
A. Higit na ulan at sikat ng araw
B. Higit na init at sikat ng araw
C. Higit na lamig at sikat na araw
D. Higit na ulap at sikat na araw 7
7. Ano ang tawag sa bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at nasa
kabilugang Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn?
A. Hilagang Latitud C. Rehiyong Polar
B. Polong Hilaga D. Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate
8. Ano ang tawag sa bahaging napapaligiran ng makapal na yelo na hindi natutunaw dahil sa kaunting sikat
ng araw ang makararating dito?
A. Rehiyong Polar C. Rehiyong Timog
B. Rehiyong Temperate D. Polong Hilaga
9. Bakit tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas?
A. Dahil ito ay malayo sa ekwador at nasa mataas na latitud.
B. Dahil ito ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud.
C. Dahil ito ay may malamig na hangin.
D. Dahil ito ay may makapal na ulap.
10. Bakit nakararanas din ng malamig na hangin ang ating bansa?
A. Dahil sa hangin na nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang Pasipiko.
B. Dahil sa malakas at malamig na hangin na galing sa karagatan.
C. Dahil sa malakas na ulan at makapal na ulap.
D. Dahil sa temperatura at galaw ng hangin.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa____________________________.
A. Timog Asya C. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya D. Timog –Silangang Asya
2. Ang anyong-tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang __________________________.
A. Bashi Channel C. Karagatang Pasipiko
B. Dagat Celebes D. Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Ang direksiyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing _______________________________.
A. Hilaga C. Timog
B. Silangan D. Kanluran
4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang ____________________________.
A. China C. Vietnam
B. Japan D. Hongkong
5. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang_____________________.
A. Laos C. Myanmar
B. Thailand D. Cambodia
6. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng __________________________.
A. tao C. tubig
B. lupa D. hayop 2
7. Ang Estados Unidos ay masasabing _____________________________.
A. malapit sa Pilipinas C. napakalayo sa Pilipinas
B. malayo sa Pilipinas D. napakalapit sa Pilipinas
8. Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong lalakbayin papuntang South Korea ay masasabing ____.
A. malapit C. malayong malayo
B. medyo malayo D. malapit na malapit
9. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng teritoryo ng Pilipinas ay masasabing _____.
A. kasing-laki C. mas Malaki
B. mas Maliit D. malaking –Malaki
10. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing_____________________.
A. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig
B. matubig at watak-watak ang mga isla
C. maliit na isla ngunit matubig
D. layong layo ang mga isla

You might also like