You are on page 1of 6

REVIEWER IN AP

1. Itinuturing na kaluluwa ng kultura na nagbibigay ng pagkakakilanlan sa pangkat ng tao.

a. Pamahalaan b. Hanapbuhay c. Wika d. Pananamit

2. Ang mga sumusunod ay nag-uugnay sa pagkakakilanlan ng mga pangkat ng tao maliban sa:

a. kultura b. pinagmulan c. relihiyon d. pamahalaan

3. Ang relihiyon na may pinakamalaking bahagdan ng mananampalataya.

a. Kristiyanismo b.Hinduismo c. Budismo d. Islam

4. Ang mga sumusunod ay mabuting naidudulot ng relihiyon sa tao maliban sa:

a. nagkakaroon ng pamantayan ng kabutihang asal

b. nagbibigay-daan sa pagkakawatak-watak ng tao

c. nagbibigay ng direksyon sa tao na gumawa ng tama

d. nagkakaroon ng gabay ang tao sa kanilang pamumuhay

5. Ang salitang etniko ay nangangahulugang ethnos na mula sa wikang:

a. Latin b. Greek c. Ingles d. Pranses

6. Ang mga sumusunod ay saklaw sa pag-aaral ng Heograpiyang Pantao maliban sa :

a. pagkakaroon ng wika ng tao

b. kahalagahan ng mga pangkat-etniko

c. katangiang pisikal ng daigdig

d. katangian ng mga relihiyon sa daigdig

7. Bansa na hindi gumagamit ng wikang Niger-Congo.

a. Botswana b. Rwanda c. Angola d. Romania

8. Ang salitang “religare ay mula sa wikang:

a. Latin b. Greek c. Pranses d. Ingles

9. Ang Vietnam, Cambodia at Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na gumagamit ng wikang:

a. Indo-European b. Afro-Asiatic c. Austronesian d. Niger-Congo

10. Ang pangkat etniko ay mahalaga sa isang bansa dahil sa

a. nagbibigay sila ng pagkakakilanlan sa isang bansa

b. nagsisilbi silang pang-akit ng turismo sa bansa

c. maituturing silang minority ng mga pangkat ng tao

d. nagbibigay-daan sa pagkakabuklod-buklod ng tao

Panuto : Basahin ang mga pahayag.Suriin kung anong panahon nabibilang ang

mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang PP kung ito ay Panahong Paleolitiko , PN kung ito ay
Panahong Neolitiko , at PM kung ito ay Panahong Metal.

_____1. Karaniwang pangangaso at pangangalap ng pagkain ang uri ng pamumuhay.

_____2. Sa panahong ito gumawa ang mga sinaunang tao ng makinis na kagamitang bato.

_____3. Itinuturing na pinakamahalagang tuklas sa panahong ito ay ang paggamit ng apoy.

_____4. Sa patuloy na pagtuklas ng mga sinaunang tao na mapahusay ang kanilang mga

kasangkapan, sinubukan nilang paghaluin ang tanso at tin.

_____5. Mula sa pagiging lagalag ay naging sedentaryo o may permanenteng tirahan ang mga

sinaunang tao.

_____6. Natuklasan ng mga Hittite ang bakal dakong 1500 BCE.

_____7. Sa panahong ito ay lagalag o walang permanenteng tirahan ang mga unang tao.

_____8. Tinatawag ang panahong na Lumang Bato.

_____9. Lubusang umasa ang mga sinaunang tao sa kapaligiran kung saan nakuha nila ang

lahat ng kanilang pangangailangan.

_____10. Ang panahong ito ay tinatawag na Bagong Bato.

1.Tumutukoy ito sa panahon ng pag-unlad kung saan nagsimula ang paggamit ng

kasangkapang bato ng mga sinaunang tao.

a. Panahong Neolitiko c. Panahong Paleolitiko

b. Panahong Mesolitiko d. Panahong Metal

2. Ang pagkatuto ng mga sinaunang tao sa sistematikong pagtatanim na nakatulong sa pagdami

ng kanilang produksyon ay tumutukoy sa:

a. Rebolusyong Neolitiko c. Rebolusyong Kultural

b. Rebolusyong Ekonomiko d. Rebolusyong Pulitikal

3. Nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na

marunong gumawa ng kagamitang bato.

a. Homo habilis c. Homo erectus

b. Homo sapiens d. Cro-Magnon

4.Ano ang iItinuturing na pinakamahalagang tuklas ng tao noong Panahong Paleotiko?

a. Paggamit ng ginto c. Pagsasaka

b. Pagtatanim d. Paggamit ng apoy

5.Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa

mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?

I. agrikultura III. kalakalan


II. labis na pagkain IV. pangangaso

a. IV, I, III, II b. IV, I, II, III c. II, I, IV, III d. I, II, III, IV

6. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?

a. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa

kasalukuyang panahon.

b. Hindi binibigyang-pansin ng kasalukuyang henerasyon ang mga pamana ng sinaunang tao.

c. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.

d. Ang mas higit na pagtangkilik sa gawa ng dayuhan.

7. Ang mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng sektor ng agrikultura

sa kasalukuyan na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko maliban:

a. Ang sektor ng agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.

b.Karamihan sa mga Pilipino ay umaasa sa sektor ng agrikultura

c. walang pakinabang ang mga mga bansang industriyalisado sa sektor ng agrikultura

d. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa

kasalukuyan.

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan tungkol sa pag-unlad

ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ?

a. Mas napapakinis na ang mga batong gamit noong panahong Neolitiko.

b. Mahalaga ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga sinaunang tao dahil ito ang naging

batayan ng pag-unlad sa kasalukuyan.

c. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong prehistoriko na nagbigay-daan sa

pagdami ng pagkain.

d. Ang paglago ng kakayahan ng mga sinaunang tao ang nagbunsod sa pagkakaroon ng

kalakalan.

9. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa

kasalukuyan?

a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.

b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.

c. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

d. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

10. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa


pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos

ng Panahong Pleistocene?

a. Mesolitiko b. Neolitiko c. Metal d. Paleolitiko

1. Pinag-usbungan ng kabihasnan sa Egypt.

2. Templong gusali ng mga Sumerian.

3. Kambal na lungsod sa Kabihasnang Indus maliban sa Mohenjo-daro.

4. Unang imperyo na naitatag sa India.

5. Magandang gusali na ipinatayo sa panahon ng Imperyong Chaldean.

6. Sistema ng pagsusulat ng Kabihasnang Egypt.

7. Sistema ng pagpapangkat ng mga mamamayan sa kabihasnang India.

8. Dinastiya ng Tsina kung saan nakilala ang pilosopong si Confucius.

9. Magandang gusali na nagsisilbing libingan na ipinatayo sa Imperyong Mogul.

10.Ang emperador na nagpatayo ng Great Wall of China.

1. Alin sa sumusunod ang templong gusali ng mga Sumerian?

A. Ziggurat B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Taj Mahal

2. Ano ang unang imperyong sa Indus pagkatapos sakupin ito ni Alexander the Great?

A. Mogul B. Gupta C. Maurya D. Mongol

3. Hieroglyphics ang sistema ng panulat ng Egypt. Ano ang kahalagahan nito sa pamumuhay ng

mga sinaunang tao?

A. Ginagamit ito sa kanilang pag-aaral sa paaralan.

B. Ginagamit ito sa mga kalakalan at pautang.

C. Ginagamit ito sa pagtatala ng mga pangyayari.

D. Ginagamit ito sa pagkuha ng mga pagsusulit.

4. Naging mahalaga ang papel na ginampanan ng mga pilosopiya nina Confucius, Lao Tzu at

Mencius sa lipunan at pamumuhay ng mga Tsino. Sa anong dinastiya sila nakilala?

A. Sui B. Han C. Chin D. Chou

5. Si Shi Huang Ti sa dinastiyang Chin ang nagpatayo ng Great Wall of China, Bakit ito

ipinatayo?

A. Para maging pasyalan

B. Para lalong makikilala ang dinastiya.

C. Para maging pananggalang sa mga kalaban.


D. Para sa pandaigdigang karangalan

6. Ang Hammurabi Code ay nakilala dahil sa mahigpit na mga batas nito tulad ng mata sa mata,

ngipin sa ngipin, anu ang ipinapahiwatig nito?

A. Anuman ang kasalanang nagawa ay may karampatang parusa.

B. Matindi ang parusa sa lahat ng mga nagkasala.

C. Dukutin ang mata at bunutan ng ngipin ang sinumang nagkasala.

D. Pahirapan ng husto ang sinumang nagkasala.

7. Ito ay pinagawa upang pag-ugnayin ang Ilog Yangtze at ang ilog Huang Ho, anu ito?

A. Grand Canal B. Forbidden City C. Great WallD. Yellow Bridge

8. Ang Ilog Nile ay mahalaga sa pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Ang mga sumusunod

na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan nito maliban sa:

A. Nagsilbing pataniman ang mga pangpang nito.

B. Nagsilbing daanan ng mga sasakyang pandagat.

C. Nagsilbing irigasyon sa mga pananim

D. Nagsilbing turismo ang lugar.

9. Ang kambal na lungsod ng Mohenjo-daro at Harappa ay kakitaan ng maunlad na pamayanan

lalo na sa larangan ng Inhinyera. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng katotohanan tungkol

dito?

A. May malawak na kalsada at may maayos na sistema ng kanal.

B. May sistema ng panulat na pictograph

C. May magagaling na mga astrolohiya

D. May sistemang caste ng paghahati-hati sa mga mamamayan.

10. Ito ay isa sa Seven Wonders of Ancient Civilization ng Mesopotamia.

A. Taj Mahal B. Great Wall C. Pyramid of Giza D. Hanging Gardens

1. Ang mummification ay isang proseso na ang isang yumao ay sumasailalim sa isang

preserbasyon bago ito ilibing. Ito ay isinagawa sa bansang ______.

A. Tsina B. Iraq C. Ehipto D. Mehiko

2. Ang mga ambag o pamana ng sinaunang kabihasnan ay tunay na naging makabuluhan

sapagkat _________.

A. ito ay makikita pa rin sa mga museo

B. napakikinabangan natin hanggang sa kasalukuyan

C. makikita pa rin ang mga pamanang ito hanggang sa ngayon


D. ito ay nakatutulong sa agrikultura ng bansa

3. Ang mga Olmec ay kilala sa paglilok ng mga anyong ulo. Sinasabing ang mga lilok na ito ay

hango sa anyo ng kanilang ___________.

A. diyos B. pinuno C. hayop na sinasamba D. ninuno

4. Ang Hammurabi Code na naging ambag ng Imperyong Babylonia sa Mesopotamia. Alin sa mga

sumusunod na larangan higit na nakatulong ang Hammurabi Code?

A. Ekonomiya B. Pagbabatas C. Panitikan D. Matematika

5.Ang Great Wall of China na ipinatayo ni Shing Di sa panahon ng dinastiyang Chin ay

naglalayong __________.

A. maging tanda ng hangganan ng nasasakupan ng Tsina

B. pananggalang laban sa mga dayuhang mananakop

C. daan tungo sa pagkamit ng kaunlaran

D. maging daan upang makarating sa mga karatig na lugar

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging ambag ng kabihasnang Indus?

A. Sewage system B. Taj Mahal C. Decimal system D. Geometry

7. Ang mga sumusunod ay ambag sa kabihasnan sa larangan ng imprastraktura maliban sa

_________.

A. Great Wall of China B. Cuneiform C. Pyramid of Egypt D. Ziggurat

8. Ang pagkakatuklas sa sistema ng pagsulat ay nakatulong sa pamumuhay ng mga tao noon sa

larangan ng kalakalan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sistema ng pagsusulat?

A. Cuneiform B. Ayurveda C. Hieroglyphics D. Calligraphy

9. Ang gulong at araro ay isa sa mga dakilang pamana ng Sumerian sa daigdig hanggang sa

kasalukuyang panahon. Ito ay nagdulot ng _______.

A. pagkatuto ng tao sa pagbibilang.

B. pagpapabilis ng pag-imprenta ng aklat.

C. pagpapaunlad ng pagsasaka at transportasyon.

D. pagkatuto ng pag-opera ng tao.

10. Ang Taj Mahal na isa sa mga ambag ng kabihasnang Indus ay makikita pa rin hanggang sa

kasalukuyang panahon, ito ay dinarayo ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang

estrukturang ito ay ipinatayo ng mga ________.

A. Tsino B. Ehipsyano C. Indones D. Muslim

You might also like