You are on page 1of 8

Unang Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan
Grade – 8 Kasaysayan ng Daigdig
SY.

Pangalan : ________________________________ Marka:____________

Guro:___________________ Petsa:____________

Test I. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa patlang na
nasa unahan ng bilang.

__________1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang nakasulat na bukal

pangkasaysayan? Piliin ang magkapares na titik para sa iyong kasagutan.

A. Pahayagan, talambuhay
B. Alamat, kagamitan
C. Liham, opisyal na dokumento
D. Awit, pinta

I. A, B
II. B, C
III. A, C
IV. B, D

_________2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa Panahong Paleolitiko?

A. Namumuhay ang mga tao sa pangangalap ng mga pagkain sa pamamagitan ng

pangangaso ng hayop at ibon, pangingisda, at pangangahoy o pag-ani ng mga
bunga.
B. Gumawa ng Bangka o canoe upang maitawid ang mga malalayong pook.
C. Gumagamit ang mga tao ng kasangkapang gawa sa makinis na bato.
D. Natuto silang magmina at magtunaw ng mga metal gaya ng tanso.

_________3. Alin sa sumusuno ang naglalarawan sa pamumuhay sa Panahon ng

Neolitiko?

A. Naninirahan sila sa mga agricultural na komunidad.

B. Natutong gumawa ng apoy at simpleng kasangkapan.
C. Gumawa sila ng mga palayok o tapayan.
D. Nagtatag ng permanenteng tirahan .
_________4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tunay na katangian ng
isang kabihasnan o sibilisasyon? Piliin ang magkapares na titik para sa iyong
kasagutan.

A. Permanenteng komunidad, sentralisadong pamahalaan.

B. Espesyalisasyon, pagkakaroon ng mga lungsod.
C. Mataas na uri ng teknolohiya, pag-unlad.
D. Pagbabago, sandata sa labanan

I. B, D
II. A, D
III. B, C
IV. A, B

_________5.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang makapaglalarawan sa tunay na

kahulugan ng kasaysayan?

A. Hindi nakapasa sa unang pagsusulit sa Kasaysayan si Bella. Pagkatapos siyang

makausap ng kanyang ama, naipasa na niya ang mga sumusunod na pagsusulit.
B. Dahil sa nais makasunod sa yapak ng kanyang ina, kumuha ng BS Nursing si
Donna. Nang siya ay nakatapos, nangibang bansa rin siya upang doon
magtrabaho bilang nurse.
C. Nasentensiyahan ng pagkabilanggo si Ginoong X sa kasong estafa. Matapos
ang ilang taong pamamalagi sa kulungan, nangako siya sa kanyang sarili na
tuluyan na siyang magbago.
D. Ang pagiging anak-dalita ay hindi naging hadlang kay Juan upang makamit ang
kanyang mga pangarap. Siya ay nag-aral habang masikap na nagtatrabaho
hanggang sa makatapos siya sa kanyang kurso sa kolehiyo. Di naglaon, siya ay
naging opisyal ng pamahalaan at naging pangulo ng Pilipinas, baon ang
pangarap na maibsan ang kahirapan sa bansa.

_______6. Kung ikaw si Emmanuel Swedenborg, Alin sa mga teorya hinggil sa

pinagmulan mundo ang pinaniwalaan at pinaninindigan?

A. Pinangalanan ang modelo bilang solar Nebular Disk Model na sinasabing

tinanggap ng maraming astronomer at physicists na pinakamalapit na paliwanag
ukol sa solar system.
B. Biglaan at marahas na pagsabog at banggaan ng mga gaseous elements na
nagresulta sa pagbuo ng solar system.
C. Pagbuo ng cosmic egg o atomic nucleus na sumabog dahil sa tindi ng init ng
temperature hudyat ng pagsilang ng kalawakan.
D. Naniniwalang bumangga ang araw sa iba pang kometa at ibang mainit na bagay
na naging planeta at buwan.
_________7.Kung ikaw ay isang Hominid, paano mo mailalarawan ang iyong
katangiang kondisyon?

A. Ako ay isang bakulaw, maliit na utak at nakakalakad sa dalawang kamay at paa.

B. Ako ay makuha at makagawa ng iba’t-ibang bagay mula sa bato gamit ang aking
mga kamay.
C. Ako ay makakatayo ng matuwid at paglakad nang diretso.
D. Ako ay makalikha ng damit at magkaroon ng paniniwala sa kabilang buhay.

________8. Alin sa mga sitwasyon ang naglalarawan sa pamumuhay at katangian ng

Pithecanthropus Javanensis o taong Java?

A. Ayon kay Dr. Eugene Dubois tinatayang nabuhay sa Panahong paleolitic age sa
500,000 – 8000 B.C.E. may taas 1.7 metro, may maliit na utak at naglalakad
gamit ang mga binti at paa subalit bahagyang nakayuko.
B. Ayon kaay W.C. Fei higit na Malaki ang utak, nakatatayo nang tuwid, at hindi
yuko kapag naglalakad.
C. Sila ay tinaguriang “Upright man” at paglakd nang diretso. Nadiskubre nila ang
pagkiskis sa dalawang bato upang makagawa ng apoy.
D. Sila ay may matipunong pangangatawan na nakaangkop sa malamig na klima,
may taas na higit limang talampakan.

_______9. Bakit umusbong malapit sa mga ilog ang mga kauna-unahang lundayan ng
kabihasnan?

A. Nagsimula ang kalakalan sa mga lambak malapit sa ilog.

B. Ito ang pinakatahimik at ligtas na lugar sa puwendeng tirahan ng mga tao.
C. Nagwakas ang nomadikong pamumuhay simula nang maitatag ang mga tirahan
malapit sa ilog.
D. Ang matabang lupa sa pampang na naipon mula sa mga depositing mula sa ilog
ang naging daan upang magtatag ang mga tao ng permanenteng tirahan at lugar
pangkalakalan
______10.Alin sa pangungusap ang nagsusuri sa pamahalaan at Relihiyon ng
Sumerian? Piliin ang magkapares na titik para sa iyong kasagutan.

A. Naniniwalang kinokontrol ng mga diyos ang kalagayan ng kanilang kalusugan,

masaganang ani, kapayapaan, at maayos na pamumuhay sa tulong ng kanilang
paring-hari.
B. Ang kanilang pamamahala ay pinamumunuan ng kilalang paring-hari na
nangangasiwa sa pagdarasal sa Diyos at Diyosa.
C. Napapaligiran ng imahe ni Haring Sagon I ang kanyang kaharian at mga
baybayin sa Dagat Mediteraneo.
D. Nasaayos ng Assyrian ang agham, astrolohiya, matematika at ang pamamahala
ni Haring Sardon II.

I. A, B
II. A, D
III. C, D
IV. B, C

________11. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng

sinaunang kabihasnan sa daigdig?

A. Paniniwala at pagsamba sa maraming diyos.

B. Pagtangkilik sa mga sibilisasyon na meron sila.
C. Paggalang sa mga paniniwala, tradisyon, at kulkura nila.
D. Pagpapamahagi ng kontribusyon sa komunidad at lipunan nila.

______12. Bakit itinuturing na isang mahalagang tagumpay sa larangan ng siyensya

ang simula ng mga unang tao sa daigdig?

A. Dahil ito’y isang malaking kontribusyon sa siyensa at kasaysayan naniniwala na

ang lahat ng bagay ay may pinagmulan maging sa sinukuban at nilalang ng
Diyos.
B. May iba na hindi kapanipaniwala ang lahat ngunit may mga eksperto na
nagpapatunay gamit ang siyensa at mitolohiya.
C. Ang paniniwala ng ibang tao hanggo sa aklat at hindi sa siyensa.

D. Dahil ang siyensa lamang ang makapagpapaliwanag ng pinagmulan ng bagay-

bagay.
________13. .Alin ang nagpapatunay ng kaalaman tungkol sa unang lipunan ng mga
tao?

A. Ang pagpapatayo ng mga bahay sa gilid ng bundok at sa uri ng pamumuhay sa

kasalukuyan meron tayo.
B. Ang pagbubuklod ng mga tao sa oras ng kasiyahan at kalungkutan na naging
tradisyon ng unang pangkat ng tao.
C. Ang pagsisimula ng pamamahala ng mga sakim na opisyales sa ating bansa
bunsod ng kahirapan at kakulangan ng trabaho.
D. Ang mga ugaling crab mentality at ningas cogon ay nananalaytay sa dugo ng
mga Pilipino.

________14. Paano mo maihahalintulad ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa

daigdig at sa uri ng pamumuhay ngayon?

A. May mga kagamitang moderno sa kasalukyan na nagpapagaan sa pamumuhay

ng mga tao
B. Simple ang pamumuhay noon nabubuhay ayon sa pangangailangan ng tao,
samantala ngayon naging komplikado dulot ng makabagong teknolohiya.
C. Walang pirmanenting tirahan noong unang panahaon dulot ng paghahanap ng
pagkain, samantala ngayon mabagal ang pag-unlad ng pamumuhay dulot ng
walang pirmanenting pinagkukunan ng hanapbuhay.
D. Naging maunlad ang kultura dulot ng pagpapaunlad ng pinagmulan at kinagisnan
ng bawat tao sa lipunan at komunidad.

_______15. .Alin ang nagpapatunay sa wagas na pananampalataya ng sinaunang

kabihasnan sa daigdig?

A. Ang pagpapatayo ng ziggurat, citadel, at templo bilang pagpapahalaga sa patron

o diyos.
B. Motibong palawakin ang nasakop na teritoryo sa pamamagitan ng pananalakay
gamit ang relihiyon.
C. Pagkakaisa sa paggamit ng pagsusulat ng Cunieform at pagsulat sa batas ng
mga Diyos at Diyosa
D. Ang paggamit ng mga alpabetong Phoenician na hindi naglaon ay hiram ng mga
Griyego at Romano.
Test II. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

16 – 17. Naniniwala ka ba sa mga sinsabi o sinusulat ng mga historyador sa mga aklat

tungkol sa kasaysayan? Bakit?
______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

18 – 19. Paano nasusuri ng mga siyentipiko ang prosesong ng ebolusyon ng mga tao?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

20 - 21. Ano ang naging kontribusyon ng mga unang kabihasnan sa mundo?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

22 – 23. Paano nagkakaiba ang Kodigo ni Hammurabi at uri ng ating batas sa bansang
Pilipinas?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
24 - 25. Bilang mag-aaral sa Grade-8, paano mo napapahalagahan ang mga
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa daigdig? Pangatwiran.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

26 - 27. Kung ikaw ay tanungin ng isang bata kung paano nalikha ang mundo, paano
mo ito sasagutin? Sa pamamagitan ba ng alamat, at mito? Sa pamamagitan ban g
mitolohiya, Biblya, siyensya? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
28 - 29. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili habang pinag-aaralan ang Ebokusyon
ng tao?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
30. Alin sa pamumuhay ng unang tao ang iyong pinaniniwalaan ang Paleolitiko,
Mesolitiko, Neolitiko? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
Test III. Ipaliwanag ang iyong sagot.

31- 35. Ang Pilipinas ay isang mailiit na bansa subalit may mga pangayayaring naganap
sa bansa na nagmarka na sa kasaysayan ng mundo. Ano ang naging impluwensya ng
Pilipinas sa kasaysayan ng mundo? Sumulat ng isang kaganapan sa ating bansa na
napabilang na sa kasaysayan ng mundo. Ipaliwanag ang impluwensya nito sa mundo.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
Para sa bilang 36 – 40. Sa pag-aaralan mo sa sinaunang kabihasnan, natutunan mo
ang malaking pagkakaiba ng pamumuhay noon at ngayon. Kung bibigyan ka ng
pagakakataong maglakbay sa sinaunang kabihasnan anong pagbabago ang gusto
mong gawin at bakit? Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng comic strip at sumulat ng
dalawang pangungusap para sa pagpapaliwanag.

You might also like