You are on page 1of 6

Panuto : Unawaing mabuti ang tanong at isulat ang TITIK ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ang daigdig o earth ay pangatlo mula sa araw, ano ang kagandahan ng
lokasyon nito?
A. may katamtamang init na natatanggap mula sa araw
B. nakararanas ng matinding lamig dahil napakalayo sa araw
C. sobrang init dahil napakalapit sa araw
D. madalas ang pagputok ng bulkan dahil sa sobrang init
_____2. Binubuo ang daigdig ng crust, mantle at core. Alin sa tatlong estruktura ang
matigas at mabatong bahagi ng planeta?
A. core B. mantle C. crust D. atmosphere
_____3. Ang hangganan ng Asya, North America at South America ay matatagpuan sa
Pacific Ring of Fire na tinatayang madalas na nakararanas ng _____________.
A. pagbabaha C. pagputok ng bulkan at paglindol
B. malalakas na bagyo at buhawi D. sunog
_____4. Sa solar system makikita ang walong (8) planeta, alin ang hindi kabilang sa mga
planeta?
A. Asteroids B. Saturn C. Mercury D. Jupiter
_____5. Ang lokasyon o kinaroroonan ng bansa ay hindi pwedeng mabago, at isa ito sa
nagtatakda ng klima ng bansa. Kapag ang mga bansa ay may klimang Tropikal kagaya
ng Pilipinas, ano ang nararanasan dito?
A. mainit C. may summer, winter, autumn at spring
B. umuulan ng yelo D. walang ulan sa buong taon
_____6. Sa Continental Drift Theory, isang kontinente lamang mayroon noon, ang
Pangaea na tinawag na super continent. Alin ang patunay na may paggalaw sa
continental plate?
A. dumami ang bilang ng mga halaman at hayop
B. sa kasalukuan ay mayroong pitong kontinente sa daigdig
C. naging maunlad ang mga bansa
D. nagsimulang uminit ang daigdig
_____7. Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ang Europe ngunit isa sa
pinakamaunlad mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ano ang tamang paliwanag ang
maibibigay dito?
A. ang kaunlaran ay batay sa sukat ng bansa
B. sadyang magagaling ang mga Europeo
C. lubos na umasa ang mga Europeo sa pamahalaan
D. napanatiling malakas ang kalakalan at mataas na bilang ng may trabaho
_____8. Ang mga planeta ay umiikot sa sariling aksis (rotation) habang umiiikot din sa
araw (revolution), ano ang katotohanan sa mga pahayag sa ibaba na may kinalaman
sa pag-ikot ng mga planeta ?
A. nakararanas ng pagkahilo ang mga tao sa daigdig
B. nagkakaroon ng umaga at gabi, at pagpapalit ng taon
C. nawawalan ng balanse ang mga tao at bumabagsak
D. nagiging magulo ang ayos ng mga gamit

_____9. May mga bansa na nakararanas ng kaunting ulan at napakainit na klima kayat
matatagpuan ang mga disyerto, paano nakiangkop ang tao at naging bahagi ng
solusyon sa ganitong uri ng kapaligiran?
A. lumipat ng ibang bansa ang mga tao para doon manirahan
B. nagtanim sa bahagi ng oasis at inipon ang tubig ulan
C. palagiang pagpaligo at pagpapalit ng damit
D. manalangin ng madalas na pag-ulan
_____10. Bilang isang tao mahalaga ang pagkakaroon ng wika dahil ito ang nagbibigay
ng _____________________ sa bawat isa.
A. saya o tuwa sa bawat isa C. pangalan sa atin
B. pagkakakilanlan o identidad D. hanapbuhay sa indibidwal
_____11. May iba’t-ibang katangiang pisikal ang tao sa daigdig, kapag ang pinag-
usapan ay kulay ng balat ito ay tumutukoy sa _____.
A. race o lahi B. pangkat-etniko C. relihiyon D. wika
_____12. Malaking bahagi ng buhay ng mga tao ang relihiyon, alin ang nagpapakita ng
impluwensya nito sa larangan ng politika?
A. kinikilala ang ilang lider bilang dios C. pagsasagawa ng senakulo
B. pagdaraos ng piesta para sa santo D. pag-aayuno
____13. Batay sa talakayan may 136 pamilya ng wika sa mundo, anong pamilya ng wika
ang may pinakamaraming gumagamit?
A. Sino-Tibetan B. Niger-Congo C. Indo-European D. Afro-Asiatic

_____14. Sa panahong Prehistoriko ang mga tao ay patuloy na umasa lamang sa


kanilang kapaligiran, ano ang isang patunay nito?
A. May kaalaman na sa pagtatanim
B. Nangangalap lamang sila
C. Nag-aalaga ng hayop
D. Nagpapabrika

____15. Sinasabing ang unang tao ay dumaan sa mahabang proseso ng pisikal na


pagbabago, mula sa anyong bakulaw hanggang sa kasalukuyang anyo nito. Ano ang
tawag sa prosesong pinagdaan ng tao?
A. Rebelyon
B. Rotation
C. Ebolusyon
D. Creation Theory

_____16. Kasabay ng pagbabagong bayolohikal ng tao ay ang kakayahan nyang mag-


isip, paano nagawang mag-isip ng tao?
A. Humaba ang kanyang bisig
B. Pagkakaroon ng malaking ngipin
C. Pagtayo ng tuwid
D. Paglaki ng sukat ng utak

_____17. Malaking bahagi ng pamumuhay ng sinaunang tao ang paggamit ng bato


bilang kasangkapan. Alin ang nagpapakita ng pinakapayak o simpleng gamit ng mga
tao noon?
A. Paggamit ng metal
B. Paggamit ng mga may hugis na bato
C. Pinakinis ang bato bilang kasangkapan
D. Gawa sa magaspang na bato ang sinaunang kasangkapan

_____18. Ang kakayahang magtanim o ang Rebolusyong Agrikultural ay nagdulot ng


malaking pagbabago sa buhay ng tao, ito ay __________.
A. Natugunan ang pangangailangan sa pagkain
B. Kaalaman sa paglilibing
C. Kakayahang magmina
D. Natutong mangisda

_____19. Hindi na lubusang umasa ang mga tao sa kanilang kapaligiran, natuto sila ng
gawaing nagtustos sa kanilang pangangailangan at nagpabago sa pamumuhay sa
panahong Neolitiko. Alin ang hindi kabilang sa mga ito?
A. Paggawa ng palayok at paghahabi
B. Pagtatanim
C. Pagkakaroon ng permanenteng tirahan
D. Gamit na yari sa bakal
_____20. Sa Paleolithic Period o Lumang Bato, ang mga gamit ay gawa sa
magagaspang na bato, sa panahong Neolithic o Bagong Bato, ano ang katangian ng
kanilang gamit na nagpapakita na din ng pag-unlad?
A. Yari na sa metal ang kanilang mga kasangkapan
B. Walang nabago, magagaspang na bato pa din
C. Gawa pa din sa bato ang mga gamit ngunit ito ay makinis at may hugis na
D. Gumamit na sila ng mga batong hiyas o gems sa kanilang kasangkapan

_____21. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal

_____22. Mula sa paggamit ng mga kasangkapang yari sa magsapang na bato


hanggang sa mga may hugis at pinakinis na bato tungo sa pagtuklas at paggamit ng
metal, ano ang mabubuo mong konklusyon sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?
A. Walang pagbabagong naganap sa buhay ng mga tao
B. Nanatili ang mga tao umasa na lamang sa kanyang kapaligiran
C. Sa pagtalino ng tao napaunlad nya ang kanyang pamumuhay
D. Nabuhay ang mga tao noon bilang magsasaka lamang

_____23. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko


maliban sa isa:
A. Naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay
B. Gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad
C. Natuto ang mga tao sa pag aalaga ng mga hayop
D. Marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig lugar

_____24. Ang Egypt ay kilala sa katawagang “The Gift of Nile” ano ang tamang
paliwanag dito?

A. Kung wala ang ilog Nile ang kabuuan ng Egypt ay isang malaking disyerto
B. Ang Nile River ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay
C. Ang taunang pag-apaw ng Nile River ay nagbigay daan upang makapagtanim
ang mga magsasaka sa lambak-ilog
D. lahat ng nabanggit

_____25. Isinilang ang mga Kabihasnan sa Mesopotamia sa tabi ng ilog Tigris at Euphrates,
sa India sa ilog Indus, China sa Huang-Ho river at ang Egypt ay sa ilog Nile. Ano ang
pagkakatulad ng mga bansang pinagsilangan ng Unang Kabihasnan?
A. Isinilang ang kabihasnan sa tabing ilog kaya ito tinawag na Riverine Civilization
B. Isinilang sa lugar na pinagkukunan ng pagkain ang unang kabihasnan
C. Sa maliliit na lupain isnilang ang mga sinaunang kabihasnan
D. Ang mga magagaling na lider ay nagmula sa lugar na pinagsilangan ng
kabihasnan

_____26. Ang mga Sinaunang Kabihasnang naitatag ng tao ay sumibol malapit sa mga
lambak-ilog. Taglay nito ang matabang lupain at mapagkukunan ng tubig. Ano ang
biyaya ng ilog para sa mga sinaunang kabihasnan?
I. Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin para sa mga tao
at alagang hayop.
II. Mataba ang mga lupa na malapit sa ilog dahil sa taunang pagbaha na
nag-iiwan ng mineral na nakakatulong sa mga pananim.
III. Ang matatarik na bato ay nagsisilbing daanan ng mga mananakop
IV. Ginagamit ito sa paglalakbay na nakatulong upang lumago ang
kalakalan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lupain.
V. Ginagamit ang daloy ng ilog upang gumawa ng irigasyon at patubig
para sa mga taniman.

A. I,II,III, IV B. II, III, IV, V C. I, III, IV, V D. I, II, IV, V


_____27. Ang mga sumusunod ay katangian ng kambal na lungsod ng Harappa at
Mohenjo-Daro sa kabihasnang Indus maliban sa isa.
A. Planado at malalapad ang kalsada nito
B. Ginamit ito upang libingan ng mga pinunong mandirigma
C. Hugis parisukat ang gusali at ang mga kabahayan ay may malalawak na
espasyo
D. Ang pagkakaroon ng palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing kauna-
unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system

_____28. Karaniwang matatagpuan ang mga unang pamayanan ng tao ay sa mga lambak o
baybay ilog. Alin sa sumusunod ang dahilan nito?
A. Ang ilog ay nagsilbing daan sa mabilis na transportasyon.
B. Dito nakukuha ang mga pangangailangan nila sa araw-araw.
C. Dito naninirahan ang maraming hayop na kanilang hinuhuli.
D. Ito ay isang ligtas na lugar na panahanan ng mga sinaunang tao
____29. Ayon sa mga nakalap na ebidensya, ang mga sinaunang kabihasnan ay naitatag sa mga
lambak-ilog. Ano ang pangunahing dahilan nito? Ang mga lambak-ilog ay ___________.
A. pinagkukunan ng kabuhayan
B. magagamit sa transportasyon
C. nagsisilbing depensa sa kaaway
D. magandang tanawin sa kanila

____30. Alin sa sumusunod ang makasaysayang kalupaan sa mundo na kung saan naitatag ang
mga unang kabihasnan ng Asya at Africa?
A. Fertile Crescent C. Mesopotamia
B. Indus D. Nile

____31. Ang “Mesopotamia” ay naging lundayan ng sinaunang kabihasnan. Ito ay mula sa


salitang Griyego na nangangahulugang “lupain sa pagitan ng mga ilog”. Ano ang mga ilog na ito
sa Mesopotamia?
A. Mohenjo-Daro at Harappa C. Tigris at Euphrates
B. Nile at Indus D. Yangtze at Huang Ho

____32. Bakit madalas tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India ang Timog Asya?
A. Dahil naliligid ito ng karagatan.
B. Dahil malawak ang lupaing nasasakop nito.
C. Dahil dito matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.
D. Dahil naihihiwalay ito ng mga kabundukan sa ibang bahagi ng Asya

_____33. Nahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng Ehipto na kung saan ang bawat
panahon ay pinamunuan ng mga Pharaoh , ang Paraon para sa kanila ay hindi lamang
pinuno ito ay itinuturing ding isang Diyos. Ano ang tungkulin ng Paraon?
A. Bilang isang Diyos ganap ang kanyang kapangyarihan
B. Bilang pinuno ng hukbo tungkulin ng paraon na pangalagaan nag kaharian
mula sa mga mananakop
C. Responsibilidad din ng Paraon ang pagsasaayos ng transportasyon,
komunikasyon at pakikipagkalakalan sa ibang lupain
D. Lahat ng nabanggit

_____34. Ang salitang Veda ay nangangahulugan ng “kaalaman“, ito ay koleksyon ng


mga ritwal at himnong pangrelihiyon na hinati sa apat na koleksyon. Ano ang
binigyang tuon sa aklat ng Ayurveda ng sinaunang India?
A. Kayamanan B. Katalinuhan C. Kapangyarihan D. Kalusugan

_____35. Nahubog ng mga Tsino ang isang paniniwalang panrelihiyon na sinunod ng


karamihan. Pinasikat ng dinastiyang Zhou ang konsepto ng banal na pamamahala.
Ano ang paniniwalang ito?

A. Ang mga Tsino ay may likas na husay sa pamumumno.


B. Ang mga pinuno nila ay nabigyan ng karapatan ng langit na mamuno o
tinatawag na “Mandate of Heaven”
C. Ang mga pinunong Tsino ay sugo ng Diyos sa bansa
D. Kailangang mahusay ang pamumuno upang mapunta sila sa langit.

_____36. Ang mga bansang Mesopotamia, India, China at Egypt ay nakaranas ng


pagbangon at pagbagsak ng mga imperyo o kaharian, alin ang hindi kabilang sa
usaping politikal na naging dahilan ng pagpapalit ng kaharian?
A. Pagkakaroon ng mahinang lide
B. Wala ng basbas ng Diyos ang pinuno
C. Pananalakay mula sa mga kalabang Tribo o pangkat o kaharian
D. Pag-aagawan ng pamumumo mula sa dating kakampi

_____37. Sa panahon ng Dinastiyang Qin ipinatayo ang Great Wall of China at itinuring
din itong simbolo ng Kabihasnang Tsino. Paano ito nakatulong upang mapanatiling
matatag ang Dinastiyang Qin?
A. Napigilan nito ang pagsalakay ng mga tribong Hun mula sa Hilaga
B. Naging simbolo ito ng pagkakaisa
C. Naging pangunahing atraksyon sa turismo
D. Naging tanda ng Force Labor ng mga Sinaunang Tsino

____38.Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang pakinabang sa ilog Nile sa lupain ng


sinaunang kabihasnang Ehipto?
A. Nagsilbi itong tanggulan laban sa mga kaaway.
B. Nagsilbi itong magandang tanawin sa kabihasnang Ehipto.
C. Nagawa nitong hindi maging disyerto ang buong lupain ng Ehipto.
D. Nagsilbing gabay ito ng kabihasnan sa pagtatatag ng pamayanan.

____39.Ang sinaunang kabihasnang Tsino ay naniniwala na ang mga taong hindi nabiyayaan
ng kanilang kabihasnan ay tinatawag na barbaro. Ano ang dahilan nito? Dahil sa paniniwala na
_____________________.
A. silang pinakamakapangyarihang tao
B. ang kanilang lahi ay nakahihigit sa iba
C. ang pagiging Tsino ay isang karangalan
D. sila lamang ang sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo

____40. Ang mga sinaunang kabihasnan ay mayroong paniniwala sa mga diyos at diyosa.
Ipinagtatayo nila ang mga ito ng istruktura o templo bilang tahanan. Ano ang tawag ng mga
Sumerian sa istruktura na itinayo para sa kanilang diyos?
A. Hanging Garden C. Taj Mahal
B. Pyramid D. Ziggurat
____41. Napagtagumpayan ni Sargon I na sakupin ang lupain ng Sumer na dahil dito ay naitatag
niya ang kauna-unahang imperyo sa daigdig. Anong kabihasnan ang nakagawa nito?
A. Akkad C. Assyria
B. Babylon D. Chaldea
____42. Isa sa mga unang paraan ng pagsulat na naitala ay ang tinatawag na cuneiform na
karaniwang naisulat sa mga clay o luwad. Alin sa sumusunod na kabihasnan nagmula ang
nasabing paraan ng pagsulat?
A. Akkad C. Babylon
B. Assyria D. Sumer

_____43. Ang sinaunang kabihasnang Babylon ay mayroong sistema ng pagbabatas.


Katunayan, nakilala dito ang Kodigo ni Hammurabi na nagtataglay ng prinsipyong “mata sa mata,
ngipin sa ngipin”. Ano ang ibig ipinahihiwatig nito?
A. Ito ay may kaugnayan sa pagpapabuti sa kalusugan ng tao.
B. Ito ay nangangalaga sa kapakanan ng mayaman at mahirap.
C. Ito ay nagpaparusa ng mabigat mula sa pagmumulta hanggang kamatayan ng
nagkasala.
D. Ito ay nagpapakita na kung ano ang naging pagkakasala ay may katumbas na
kaparusahan.
____44. Epektibo ang naging pamamahala ng mga pinuno ng sinaunang Persia sa kanilang
imperyo sa pamamagitan ng paghahati-hati sa mga lalawigan na tinatawag na satrapy. Naglagay
din ang hari ng mga inspektor bilang “mata at tainga ng hari”. Ano ang dahilan ng paglalagay ng
mga inspektor?
A. Upang magkaroon ng kinatawan ang hari sa bawat probinsya
B. Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga batas
C. Upang magkaroon ng mamamahala sa paglikom ng buwis
D. Upang maging hukom sa mga nagkakasala sa isang satrapy
_____45. Ang Code of Hammurabi ay isang napakahalagang ambag ng Kabihasnang
Mesopotamia. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan nito?

A. Kinikilala ang Hari bilang dios batay sa Kodigo ni Hammurabi


B. Nagbigay daan ang Kodigo ni Hammurabi ng malawakang pananakop
C. Ang kodigo ni Hammurabi ay panig lamang sa mga biktima ng krimen
D. Dahil sa Kodigo ni Hammurabi nagkaroon ng unang nasusulat na batas na
nagtatakda ng parusa sa mga nagkasala, naging daan din ito ng pagkakaroon
ng hustisya, pagkakapantay-pantay at katahimikan

_____46. Maraming naging ambag ang kabihasnan ng Mesopotamia. Ano ang


mahihinuha mo sa pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?
A. May mataas na antas ng karunungan ang mga Sumerian
B. May epekto ito sa maunlad na patakarang pang-ekonomiya ng mga Sumerian
C. May mahalagang papel itong ginagampanan sa pamamahala ng estado
D. May kaugnayan ito sa mabuting pag-uugali ng mga Sumerian

______47. Kung ang Ziggurat sa Mesopotamia ay templo kung saan pinararangalan at


sinasamba ang kanilang Diyos, ano naman ang tawag sa paraan ng pagsulat na
nalinang sa Sumer?
A. Hieroglypics B. Baybayin C. Cuneiform D. Linear A
_____58. Taglay ng mga Egyptian ang kaalaman sa Geometry, pag-aayos ng mga
nabaling buto at mummification. Paano mo ilalarawan ang mga Egyptian?
A. Mataas ang kaalaman ng mga Ehipsyano sa larangan ng Matematika at
Medisina
B. Napaunlad nila ng husto ang larangan ng Matematika
C. Limitado ang kanilang kaalaman sa larangan ng Matematika
D. Wala sa nabanggit

_____49. Nakita mo ang iyong mga kamag-aral na hinahawakan ang mga exhibit na
ambag ng sinaunang kabihasnan . Ano ang iyong gagawin upang maipakita mo ang
pagpapahalaga mo sa mga ambag na ito?
A. Pababayaan lang sila sa kanilang ginagawa upang makaiwas ka sa gulo.
B. Uutusan ang ibang kamag-aral upang siyang sumaway sa mga ito.
C. Himdi mo na lang sila papansinin
D. Paalalahanan sila na mali ang kanilang ginagawa kahit pa sila ay magalit.

_____50. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na mapuntahan at makita ang mga


ambag ng sinaunang kabihasnan ano ang iyong gagawin bilang isang mabuting
mamamayan at mag-aaral?
A. Magsalita ng kasinungalingan ukol ditto at ikahiya ito
B. Alamin ang kasaysayan nito at ipagmalaki ng buong puso
C. Huwag pag-ukulan ng pansin ang nakikita basta patuloy lang sa
pagpapapicture.
D. Sabihin hindi ka nag enjoy sa pagtingin sa mga ambag ng sinaunang kabihasn

Goodluck 1st Periodical Test GODBLESS!!!!!

You might also like