You are on page 1of 34

Welcome to Cloud 9

Museum
INTRODUKSYON SA
EKONOMIKS
LPO1: Mindful, Self-directed LEARNERS and
ROLE MODELS
I am a mindful, self-directed learner and role
model, consciously expressing my Faith.
EPO12: Explain the factors that generally
affect their decisions and actions, and assess
the consequences they produce.
 Mula sa video na napanood, papaano mo bibigyang pagpapakahulugan ang
asignaturang Ekonomiks?
 Bakit itinuturing na isang agham panlipunan ang Ekonomiks?
 Bakit nagiging limitado ang mga pinagkukunang yaman? Ano ang resulta
ng limitadong likas na yaman?
 Papaano matutugunan ang kakapusan? Ano ang kinakailangan upang
matugunan ito?
 Sino-sinong ekonomista ang mga nagbigay ng mahahalagang ambag sa
ekonomiks?
 Bakit mahalaga ang ekonomiks sa pamumuhay ng tao?
 Paano magagamit ang ekonomiks sa iyong tahanan? Sa iyong pag-aaral?
Sa iyong pamumuhay?

Ekonomiks
Nanggaling sa salitang “economie” na nangangahulugang
“pamamahala sa sambahayan”. Hango sa salitang Griyegong ito sa
oikonomia na nanggaling sa dalawang salita na oikos na
nanganghulugang TAHANAN at nomos na ibig sabihin ay
PAMAMAHALA.
 Pag-aaral sa WALANG LIMITADONG PANGANGAILANGAN
NG MGA TAO AT PAGPILI KUNG PAANO PAGKAKASYAHIN
ANG LIMITADONG PINAGKUKUNANG-YAMAN.
AGHAM PANLIPUNAN
 Ang ekonomiks ay gumagamit ng siyemtipikong
pamamaraan sa pagsagot sa mga pangyayari sa
paligid, ngunit di tulad ng ibang agham, tanging ang
EKONOMIKS lamang ang tumutugon sa kilos at
galawng mga tao sa lipunang kanyang
kinabibilangan samantalang ang agham ay nakatuon
sa natural na phenomena o pangyayari sa paligid
LIMITADONG PINAGKUKUNAN-YAMAN
 Ang kahalagahan ng pag-aaral ng
ekonomiks ay upang tugunan ang
walang humpay na pangangailangan ng
mga tao at masolusyonan ang suliranin
sa kakapusan ng ating pinagkukunang-
yaman.
WALANG KATAPUSANG PANGANGAILANGAN
 BAWAT TAO AY MAY KANI-KANIYANG
GUSTO AT PANGANGAILANGAN NA NAIS
MAKAMIT UPANG MABIGYAN NG
KASIYAHAN AT SATISPAKSYON ANG
SARILI.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
 Ito ang pamamaraan kung paano pinipili ng
mga indibidwal, pangkat, kalakal o pamahalaan
ang sistemang lulutas sa mga suliranin hinggil
sa limitadong pinagkukunan ngunit walang
hanggang pangangailangan ng tao.
PRODUKSYON
 Prosesong paggamit ng
likas na yaman sa kapaki-
pakinabang na paraan
DISTRIBUSYON
 Nagsasabi kung ilan ang populasyon sa
isang lugar sa iba’t ibang panig ng
bansa. Ipinakikita nito kung papaano
ang mga bagay-bagay ang nakakabit sa
bawat isa.
PALITAN
Maykinalaman sa
import at export
PAGKONSUMO
 May
kinalaman sa
KAKAPUSAN at
ALOKASYON
MGA EKONOMISTANG NAGBIGAY NG IBA’T-
IBANG KAISIPAN SA EKONOMIKS
 David Hume
 Francois Quenay at ang Physiocrats
 Adam Smith
 David Ricardo
 Thomas Robert Malthus
 Karl Heinrich Marx
 John Maynard Keynes
David Hume
- Nagpahayag ng gold-flow
mechanism na naglalarawan
kung paano ang gold-inflow ng
mga merkatilista ay magwawakas
sa pagtataas ng presyo sa halip na
output.
Francois Quesnay at ang Physiocrats
- Physiocrats ay mga reactionary group na
nagbibigay opinion nila hinggil sa mga
merkatilista sa Pransya. “Ang agrikultura ang
tanging pinagmumulan ng pang-ekonomikong
kalubusan (economic surplus) at nagtangkang
alisin ang restriksyon sa kalakalan ng mais atbp
produkto.
- Siya ang nagbigay ng markadong
paglalarawan patungkol sa pagdaloy ng
ekonomiya (blood vessel)
- Tableau Economique
Adam Smith
- Isinulat ang “An Inquiry into the nature and Causes of
the Wealth of Nations”, na nagkaroon ng malaking
impluwensiya sa malayang kalakalan (free trade).
- Binigyang kahulugan ang gampanin ng pansariling
interes, dibisyon ng leybor, mga tungkulin ng
pamilihan at ang pandaigdigang implikasyon ng
laissez-faire.
- “ANG EKONOMIKS AY ISANG NAGSASARILING
ASIGNATURA AT IPINAKILALA ANG DOKTRINA
NG MALAYANG KALAKALAN”.
- “Ama ng Modernong Ekonomiya”
David Ricardo
- “Comparative Advantage” o Kalamangang Panghambing,
ang kahalagahan ng kalakalan ng bawat bansa kung saan
ang isang bansa ay gagawa ng produkto na “specialty” nila
at may mababang halaga ng gastos na siya nitong iluluwas
at ang produkto na may mataas na gastos ay aangkatin na
lamang ng ibang bansa.
- Isinulat niya ang “Principle of Economy and Taxation” na
nagbigay paliwanag sa teorya ng halaga ng paggawa o
Labor theory of Value, naniniwala siya na may mas
malaking pakinabang sa matabang lupa kaysa sa tigang na
lupa na nangangailanagn ng maraming manggagawa upang
bungkalin ang lupa
Thomas Robert Malthus
- “ An Essay on the principle of Population”
- Maaaring sanhi ng kagutuman, sakit at kamatayan
ang paglobo ng populasyon.
- Hinalintulad niya ang paglobo ng populasyon sa
geometrical, samantalang ang pinagkukunang yaman
naman ay arithmetical.
- Nagbigay ng Dalawang suhestiyon:
a. Positive Check- tumutukoy sa pagdami ng
namamatay batay sa gutom, sakit at digmaan
b. Preventive Check- tumutukoy sa pagliit ng mga
ipinapanganak sa pamamagitan ng di pag-aasawa,
aborsyon at pagkontrol sa pagsami ng anak, at
cellibacy
Karl Heinrich Marx
- Ama ng Komunismo (Das Capital)
- “Ang lipunan ay pwersa ng mga
nagtutunggaling panig ng iba’t-ibang uri ng
tao sa lipunan.”
- “Ang mga kapitalista ang nagpapahirap sa
mga uri ng manggagawa”
- “Workers of the world, UNITE!”
- Hindi siya naniniwala sa pribadong
pagmamay-ari, bagkus dapat itong
ipamahagi sa lahat ng uri ng tao.
John Maynard Keynes
- “Ama ng modernong
Makroekonomiks”, siya ang
nagpaliwanag ng paikot na daloy ng
ekonomiya at taggapagtaguyod ng
Patakarang Pananalapi at patakaranag
Piskal upang mabisa ang mekanismo ng
pamilihan at ng pribadong interes sa
tulong ng pamahalaan.
- “Kailangan may partisipasyon ang
pamahalaan sa pagpapatakbo ng
ekonomiya”
DALAWANG SAKLAW NG PAG-AARAL NG
SAKLAW
EKONOMIKS
KAHULUGAN HALIMBAWA
MAYKROEKONOMIKS Tumutukoy sa pag-aaral ng maliliit na • Gawi o kilos ng mga konsyumer at
(Microeconomics) yunit sa ekonomiya. Nagpapaliwanag sa prodyuser
galaw at desisyon ng bawat bahay- • Demand
kalakal at sambahayan. • Suplay
• Pamilihan
• Presyo
• Organisasyon ng negosyo

MAKROECONOMICS Tumutukoy sa malaking yunit o bahagi • Pambansang kita


(Macroeconomics) ng ekonomiya. Nakapokus ang • Gross National Product
pagtalakay sa kabuuang ekonomiya ng • Gross Domestic Product
bansa. • Aggregate supply at demand
• Utang panlabas
• Palitan ng piso sa dolyar at iba pang
currency
• Kawalan ng trabaho (Unemployment)
• Kalakalang panloob at panlabas
MGA DIBISYON NG EKONOMIKS
 Produksyon
 Pagkonsumo
 Pagpapalitan
 Pamamahagi
 Pagtustos o pampublikong pananalapi
PRODUKSYON
 Tumutukoy sa paglikha, paggawa ng
mga produkto at paglilingkod na
tutugon sa walang katapusang
pangangailangan ng tao.
PAGKONSUMO
 Tumutukoy sa pagbili, paggamit o
pag-ubos ng mga produkto at
paglilingkod upang matugunan ang
mga pangangailangan at
mabigyang kasiyahan ang sarili.
PAGPAPALITAN
 Tumutukoy sa paglipat ng isang
produkto o paglilingkod mula sa isang
tao patungo sa ibang tao.
 Prodyuser at konsyumer
PAMAMAHAGI
 Tumutukoy sa pagbibigay ng
bayad sa mga salik ng
produksyon na ginagamit din
para sa pagkonsumo
PAGTUSTOS O PAMPUBLIKONG
PANANALAPI
 Tumutukoy sa salaping nalikom ng
pamahalaan tulad ng buwis upang magbigay
ng pampublikong paglilingkod tulad ng
pagbibigay ng subsidiya, pampublikong
paaralan at ospital at marami pang iba.
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
 Mapanuring mamamayan ng mga kalakaran, patakaran at mga
programa kaugnay ng kabuhayan. Susunod ka kung makabubuti
iyon at pupunahin mo kung makakasama.
 Matalinong konsyumer na hindi nagpapadala sa paghihikayat ng
mga patalastas. Nakapipili ka ng mga produkto o paglilingkod
ayon sa iyong mga pangangailangan.
 Mahusay sa paghanap ng mga solusyon sa mga suliraning
pangkabuhayan.
 Isang entreprenyur dahl may ganap kang pang-unawa sa Sistema
ng umiiral na pamilihan.

You might also like