You are on page 1of 3

Ano ang Ekonomiks?

Ang Ekonomiks ay isang aspeto kung saan pinag-aaralan ang tamang


pamamaraan kung paano maipamamahagi sa isang bansa at sa kanyang mga
mamamayan ang limitadong pinagkukunang-yaman. Kasabay nito ay ang
pagkakaroon rin ng tamang kaalaman sa kung paano ang tamang pag-gamit
o pag-gastos sa limitadong yaman na ito upang mapunan ng husto ang
pangangailangan ng isang bansa o mga tao sa kasalukuyang panahon at lalo
na sa hinaharap. Sa puntong ito, ang ekonomiks ay mas nagagamit sa kung
paano mareresolbahan ang mga problema na kinakaharap ng isang bansa
katulad na lamang ng problema sa History, Relihiyon at Politika.

Opportuniny Cost
Ang opportunity cost ay ang halaga isinakripisyong bagay o pagpipiliian. Ito
ay tumutukoy sa best alternative sa paggawa ng desisyon.

Trade-off
Ang trade-off naman ay ang papili, ng isang bagay upang makamit ang isa
pang. Napakahalaga nito dahil makatutulong ito sa paggawa ng mga
matatalinong desisyon .

Marginal Thinking
Ang marginal thinking ay ang pilosopiya sa ekonomiks na nagtatala ng
kahalagahan ng isang bagay ayon sa cost nito. Ito ay ang pang-aanalisa sa
desisyon at maghahatid ng pinakamalaking potensyal ng kita laban sa gastos.

Incentives
Ang mga incentives naman ay ang mga factors na maaring makapagpabago
sa isang desisyon. Ito ay karaniwang mga karagdagang halaga na maiisp
mong makapagpapataas ng value ng isang choice.

Ano-ano ang dibisyon ng ekonomiks?

1. Produksyon- Pagbabago ng anyo ng materyal na bagay upang lumikha ng


kagamitang kapakipakinabang.
2. Pagkonsumo- Paggamit ng mga bagay at paglilingkod upang matugunan
ang mga pangangailangan.
3. Distribusyon- pagbabahagi ng yaman o kita ng lipunan sa iba't-ibang salik
ng produksyon tulad ng lupa,paggawa, kapital at entrepreneur.
4. Pagpapalitan- paglilipat ng pagmamay-ari ng mga bagay o kalakal at
paglilingkod mula sa isang Tao patungo sa ibang Tao.
5. Pampublikong Pananalapi- tumutukoy sa mga nalikom na buwis at mga
gugulin ng pamahalaan.

2 sangay ng Ekonomiks

Maykroekonomiks (Microeconomics) – ito ay tumutukoy sa desisyon at


galaw ng bawat sambahayan at negosyo o bilang ng mga mamimili o taga-
tinda. Ito ay nakatuon sa bawat indibidwal na yunit katulad ng sambahayan,
bahay kalakal at industriya. Ang bawat indibidwal at ang kanilang mga
desisyon ay sadyang napakahalaga sa pag-intindi ng ekonomiya.

Makroekonomiks (Macroeconomics) – ito naman ay sumusuri sa


pangkabuuang ekonomiya ng isang bansa gayundin sa mga isyu na
nakakaapekto rito katulad ng kawalan ng hanap-buhay, inplasyon at
patakarang pisikal at pananalapi. Sinusuri nito ang mga pambansang
produksyon gayundin ang pangkalahatang antas ng presyo at pambansang
kita.

Adam Smith
Masasabi na nagsimula ang
sistematiko at siyentipikong pag-
aaral ng ekonomiks noong huling
bahagi ng ika-18 siglo. Isa sa
pinakakilalang aklat na nakilala
noong 1776 ang aklat na ‘An Inquiry
to the Causes and Nature of Wealth
of Nation’ ni Adam Smith.

Si Adam Smith (1723-1790) ay


isang pilosopo at propesor ng
Ekonomiks mula sa Scotland. Itinuturing si Smith na "Ama ng
Klasikong Ekonomiks" dahil sa kaniyang pangunguna na ipaliwanag
ang mga prinsipyo ng ekonomiya at ang daan tungkol sa pag-unlad ng
isang bansa.

Layunin ni Adam Smith na malaman ang sanhi ng pagyaman at


paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang isang
bansa kung; (1) makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; (2) tumataas ang
produktibidad ng paggawa.

Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng


espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng
produksiyon ng isang ekonomiya.

Iminungkahi ni Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa


pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na magpasiya kung ano ang tunay
na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free
enterprise.

Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa


pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at mamimili ay makakabuti sa
pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.
Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin
lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang
hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan.

Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy

You might also like