You are on page 1of 22

BALIK-ARAL:

GAWAIN: HULA-RO
Hulaan ang bawat larawan. Matapos
mahulaan ang lahat, pagsamasamahin ang
mga unang letra ng bawat salita mula sa
una hanggang huling larawang ipinakita.
1 2 3

4 5 6

7 8 9
Ano ang nabuong salita?

EKONOMIKS
SEMANTIC
WEB
Maikling Kasaysayan ng Ekonomiks
OIKOS NOMOS

OIKONOMOS

OIKONOMIA

ECONOMIE

EKONOMIKS
Maikling Kasaysayan ng Ekonomiks
Aristotle – nagsimula ang kaisipang pangkabuhayan at
nagpatuloy sa mga aral ng mga medieval scholastics.
Ika 17 at 18 siglo - ang unang sistematikong kaisipan ay
nagmula sa mga merkantilista.
Ang pangkat na ito ay nagsaayos ng mga patakaran upang
alisin ang mga pangmilitar at pangkabuhayang
kapangyarihan na umuusbong sa mga nation state.
Bantog noon bilang Political Economy na siyang
pinakasentrong pag-aaral at pananaliksik ng mga pilosopo at
iskolar.
Ekonomista – ay ang nag-aaral batay sa pagpili at
pagpapasya ng mga tao sa lipunan, at mga epekto nito sa
buong ekonomiya.
Sa pagdaan ng panahon, nabuo ang Agham Panlipunan at ang
ibang sangay. May tiyak na saklaw ang ekonomiks sa lahat ng
agham panlipunan kaya itinuturing itong "Reyna ng Agham
Panlipunan."
Ang salitang ekonomiya, kung saan nanggaling ang
ekonomiks ay nanggaling sa matandang salitang Pranses na
economie na nangangahulugang pamamahala sa sambahayan.
Ang salitang Pranses na ito ay hinango sa salitang Griyego na
oikonomia. Ang oikonomia naman ay nanggaling sa salitang
oikonomos na galing sa dalawang salita:
Oikos - bahay, Nomos- pamamahala.
Ano ang Ekonomiks
FILL – IN: Punan ang patlang ng mga angkop na
salita upang mabuo ang kahulugan ng ekonomiks.
Ang ekonomiks ay tumutukoy sa pag-
aaral ng mga pamamaraan kung paano
nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa
ng kanilang limitadong pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan.
*Kahulugan ng Ekonomiks*
 isang pag-aaral kung paano gagamitin ng tao ang limitadong
pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang
iba’t-ibang produkto at serbisyo sa iba’t-ibang pangkat ng
lipunan para sa kasalukuyan at sa hinaharap.
 ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
Physiocrats

Pangkat ng
Merkantilists mga
Ekonomista
Classicists

Neoclassicists
David
Ricardo
Thomas
Adam Smith Malthus

Mga Tanyag na
Ekonomista

John
Karl Marx Maynard
Keynes
Adam Smith (1723-1790)
Ama ng Makabagong Ekonomiks
 Ipinanganak at lumaki sa Scotland, pilosopo at
propesor

 Doktrinang Laissez- faire o let alone policy –


hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa
pagpapatakbo ng ekonomiya ng mga pribadong
sektor, dapat pinagtutuunang pansin ang
pananatili ng kapayapaan at kaayusan ng bansa

 Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga


gawain sa produksyon ayon sa kapasidad at
kakayahan sa paggawa

 May akda ng aklat na “ An Inquiry into the


Nature and Causes of the Wealth of
Nations”(1776)
Thomas Robert Malthus (1766-1834)
 Ipinanganak sa England
 Isang pastor na English, binigyang pansin ang
mga epekto ng mabilis na paglaki ng
populasyon.

 Malthusian Theory – ang populasyon ay mas


mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain
na nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa
 Ang may akda ng aklat na “An essay on the
Principle of Population (1798-1826)
David Ricardo (1772-1823)
 Ipinanganak sa London
 Siya ay isang ekonomistang pulitikong Ingles
 Law of Diminishing Marginal Returns – ang
patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay
nagiging dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa
mga ito.
 Law of Comparative Advantage – prinsipyo na
nagsasaad na higit na kapakipakinabang sa isang
bansa na lumikha ng mga produkto na higit na
mura ang gastos sa paggawa ( production cost )
kaysa sa ibang bansa.
 Isinulat din niya ang “ Principle of Economy and
Taxation
Karl Heinrich Marx (1818-1883)
Ama ng Komunismo
 Isang pilosopo, manunulat at rebolusyonaryong
German na nakakilala sa kahalagahan ng
teknolohiya
 Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay
ng tao sa lipunan.
 Ayon sa kanya makatarungan ang pamahalaan
ang humawak at kumontrol ng mga industriya
at yaman ng bansa upang maging pantay-
pantay ang katayuang ng tao sa lipunan.
 Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat
ang magpapatalsik sa mga kapitalista
 May Akda ng Aklat “ Das Kapital” (1867) – aral
ng komunismo
John Maynard Keynes (1883-1946)
Ama ng Makabagong Macroekonomiks

 Ipinanganak sa taon ng kamatayan ni Marx, sa


England

 Ang pamahalaan ay mas malaking papel na


ginagampanan sa pananatili ng balanseng
ekonomiya sa pamamagitan ng paggastos ng
pamahalaan.

 May Akda ng Aklat “ General Theory of


Employment, Interest, and Money” (1936)
Paglalahat:
1. Paano nagsimula ang ekonomiks?
2. Ano ang kahulugan ng ekonomiks
3. Sino-sino ang mga tanyag na
ekonomista at ano ang kanilang mga
kontribusyon / kaisipang ipinakilala
sa larangan ng ekonomiks?
Takdang Aralin:
1. Gamit ang nabuo mong kahulugan ng
ekonomiks, sa isang bond paper ay gumawa ng
collage at gamitan ito ng mga simbolismo at
iba't ibang uri ng art work.
2. Isa-isahin ang mga sangay ng agham
panlipunan at ibigay ang kaugnayan nito sa
ekonomiks.

You might also like