You are on page 1of 20

Kahulugan at Pag-aaral ng

Ekonomiks
Handa Ka na Ba?
Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng
sabay-sabay ang mga sumusunod.

• Biglang umulan at nakasampay


sa likod-bahay ang mga damit
na iyong nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang
sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang
iyong celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang
sanggol na kapatid.
Araw-araw, ang tao ay laging
nahaharap sa sitwasyong
kailangan niyang pumili.
Sitwasyon desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot


ng labis na kapakinabangan.
Kahulugan ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao
sa pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman.
• Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia. (Brown, 2010).
- oikos - bahay
- nomos - pamamahala
• Pamamahala ng bahay(household mngt.)
• Sinisikap nitong mapalawak
ang kakayahan ng tao sa
pagbuo ng matalinong
desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang
pagtugon sa suliranin ng
kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong
pagpapasya upang matugunan ng tao ang
kanyang pangangailangan at kagustuhan gamit
ang kanyang limitadong pinagkukunang-
yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Efficiency
• Masinop na pamamaraan ng paggamit
sa limitadong pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
• Pangunahing tuon ng pag-aaral ng
ekonomiks ang paglago ng ekonomiya
(economic growth) ng bawat bansa.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Equality
• Pantay-pantay ang mga karapatan ng
tao at ang distribusyon ng
pinagkukunang yaman at ang yaman
na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng
kanyang pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Sustainability
• Ang paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang
pangangailangan at kagustuhan
nang hindi nanganganib ang
kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.
Ekonomiks bilang Isang
Agham Panlipunan
• Ang agham panlipunan ay isang sangay
ng kaalaman kung saan pinag-aaralan
ang mga pag-uugali ng tao habang siya
ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa
at kapaligiran.
• Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon
bilang pagtugon sa suliranin ng
kakapusan.
Kaisipan tungkol sa kakapusan
• TRADE-OFF – Ang pag-pili ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay.
• INCENTIVE – Pakinabang sa pagkonsumo
sa produkto o serbisyo.
• OPPORTUNITY COST – Ang halaga ng
bagay na handang isuko o bitawan upang
makamit ang isang bagay.
• MARGINAL THINKING – Sinusuri ng
indibidwal ang karagdagang halaga maging
gastos o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
Dibisyon ng Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang
dibisyon: maykroekonomiks at
makroekonomiks.
Maykroekonomiks
• Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw
at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
• Ang makroekonomiks naman ay tumitingin
sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Sinusuri nito ang pambansang produksyon
pati na ang pangkahalatang antas ng presyo
at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa
kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang
Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon Presyo ng Distribusyon


ekonimiks ng bawat bawat kalakal ng kita ng
industriya bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansang


ekonomiks Produksyon lebel ng kita
presyo
TANONG
1. Mas pinili ni tatay Raffy ang bumili sa online kaysa sa
pumunta sa mall dahil mahal ang pamasahe.
2. Mag-aaral na lamang si Karl kaysa maglaro ng
kanyang paboritong online game
3. Binili ni nanay Jona ang isang sako ng bigas na may
kasamang groceries.
4. Tinaasan ang sahod ni tatay Mark ng limang daan dahil
wala itong liban sa trabaho.
5. Binilhan ng bagong laptop si Rose dahil mataas ang
marka na nakuha niya sa lahat ng asignatura.
Bilang Pagtatapos…..
• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang
tao.
SAGOT
1, Opportunity cost
2. Trade-off
3. Marginal thinking
4. Incentive
5. Incentive
PAGPAPAHALAGA

• Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang


pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like