You are on page 1of 1

Individual choice - Ang pagpasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kaniyang

pangangailangan dahil sa limitadong pagkukunan ng yaman.


Social choice - Ay ang pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at
pamahalaan ukol sa hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan.
Economic choice – ay may kinalaman sa iba’t-ibang desisyon ukol sa iba’t-ibang gamit na limitadong
pinagkukunan ng yaman
Economic decision – Ito ang pagpili ng pagkain na kakainin, mga damit na isusuot, bahay na titirhan,
at iba pang mga bagay na kailangan ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan sa buhay.
Rational choice - ay isang prinsipyong pang-ekonomiya na nagsasaad na ang mga indibidwal ay laging
gumagawa ng masinop at lohikal na mga desisyon. Ang mga pagpapasyang ito ay nagbibigay sa mga
tao ng pinakamalaking pakinabang o kaluguran.

Economic choice at Economic decision- ay halos magkatulad sapagkat ito ay isinasagawa ng tao at
pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan sa buhay at ekonomiya. Sa bawat pagpili at
pagdedesisyon ay mayroong isinaaalang-alang tulad ng halaga at benipisyo.

You might also like