You are on page 1of 6

COPYRIGHT NOTICE

OpenRev Reviewers 3.1 ©2021 by OpenRev Team is licensed under CC


BY-NC-SA 4.0. To view a copy of this license, visit
https://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/4.0/legalcode

The OpenRev Team and its community, hereby disclaims all copyright
claims of the books that were used to create its reviewers. The OpenRev
Team and its community declares that they do not own any of the books that
were used to create its reviewers. All books that were used to create our
reviewers are solely copyrighted by their authors. Only this template is
copyrighted by the OpenRev Team and its community.

Reviewer Details

School: St. Jude College of Bulacan


Subject: Economics
Grade Level: 9
School Year: 2021-2022
Examination Type (e.g. First Monthly, First
Periodical, etc.): Second Monthly
Reviewers

1. Limitado ang pinagkukunang-yaman ngunit ang mga pangangailangan at


kagustuhan ay walang katapusan. Ito ay isang katotohanan na nagdudulot
ng suliranin sa kakapusan at kakulangan na hinahanapan ng kalutasan sa
pamamagitan ng tamang alokasyon.
2. Ang bawat tao ay may mga pangangailangan na kailangang matugunan
upang mabuhay. May mga bagay na hinahangad siya na magbibigay sa
kaniya bilang indibidwal ng kasiyahan at satispaksiyon. Ito ay tumutukoy sa
kaniyang mga pangangailangan
3. Pangangailangan – ito ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa
ikabubuhay ng tao tulad ng pagkain, damit, tirahan at gamot.
4. Kagustuhan – ito ay tumutukoy sa mga bagay na nais makamit upang
mabigyan ng kasiyahan o satispaksiyon ang sarili. Kahit wala ito, maarin pa
ring magpatuloy ang buhay.
5. May pagkakataon na ang iyong pangangailangan ay nagiging kagustuhan
at ang kagustuhan at nagiging pangangailangan sa iba.
6. Materyal na pangangailangan – ito ay tumutukoy sa mga bagay na
materyal na katangiang makamit upang mabuhay, tulad ng pagkain, damit,
bahay at gamot.
7. Di-materyal na pangangailangan – ito ay tumutukoy sa mga bagay na
nakatuon sa damdamin o emosyon na nais makamit upang mabuhay, tulad
ng pagmamahal, pagtitiwala, paggalang sa kapuwa, at iba pa.
8. Mga salik na nakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan:
a) Mataas na kita
b) Edukasyon
i. Nakaapekto sa pagkakaiba ng pangangailangan ang antas ng
edukasyong natamo ng isang indibidwal. Hinuhubog nito ang panlasa
ng tao sa pagkain, babasahin, pananamit, panoorin, lugar na titirhan,
at iba pa.
c) Presyo
i. Malaki ang kinalaman ng (blank) sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Kapag mababa ang presyo ng serbisyo at produkto, tulad ng
damit, sapatos, pagkain, at iba pa, madaling maeenganyong bumili ng
mga ito kahit minsan hindi naman talaga kailangan.
d) Edad
i. Patuloy na nababago ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
mula sa kaniyang pagiging sanggol hanggang sa pagtanda.
e) Okasyon
f) Panlasa
g) Trabaho o hanapbuhay
i. Nakapagpapabago sa kagustuhan at pangangailangan ang kalagayan
o posisyon ng tao sa lipunan. May pagkakataon na maaring itinuturing
na luho ng iba ang ibang bagay subalit sa iba ay pangangailangan ito.
h) Panahon
i) Pag-aanunsiyo
j) Makabagong inobasyon at imbensiyon
k) Mga katangian sa sariling pagpapahalaga
9. Abraham H. Maslow – ay isang kilalang Amerikanong sikologo na
nagpapaliwanag ukol sa baytang ng pangangailangan.
a) Ayon sa kaniya, bawat tao ay may kani-kaniyang pangangailangan,
ngunit ang bawat pagtugon ng tao sa kanyang pangunahing
pangangailangan ay nagbibigay sa kaniya ng motibasyong magkamit
muli ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) hanggang sa
marating nito ang katuparan ng lahat ng kaniyang hangarin.
b) Ito ay ipinaliwanag niya sa kaniyang Teorya ng Herarkiya ng
Pangangailangan.
10. Teorya ng Herarkiya ng Pangangailangan – ito ay binubuo ng mga
sumusunod:
a) Pangangailangang pisyolohikal (Physiological) – ito ang unang baytang
ng pangangailangan ng tao.
i. Bago ang lahat, mahalaga na ang tao ay kumain at uminom upang
mabuhay. Tutugunan muna niya ang pangangailangan ng kaniyang
tiyan bago maghangad ng kung ano man sapagkat hindi siya
mabubuhay ng malakas at malusog kung wala ang mga ito.
b) Pangangailangan ng kaligtasan (Safety) – matapos niyang matugunan
ang kaniyang unang pangangailangan, muling may uusbong na
pangangailangan sa isang tao at ito ay ang para sa kaniyang seguridad o
kaligtasan.
c) Pangangailangang lipunan (Love/Belonging) – bawat tao ay nagnanais
ng pagtanggap sa sa lipunang kaniyang ginagalawan. Nais niyang siya ay
matanggap ng mga tao sa paligid niya kaya siya nakikisalamuha sa mga
ito. Naghahangad siya na matanggap ng mga tao sa kaniyang paligid at
mapasama sa iba’t ibang grupo sa lipunan. Ang kawalan nito ay maaring
magdulot sa tao ng pagkatakot sa mga tao sa paligid niya, pagkalungkot,
at depresyon.
d) Pangangailangang magkamit ng respeto sa sarili at sa ibang tao (Self-
esteem) – ito ay pumapatungkol sa pagtingin ng ibang tao sa iyong sarili.
e) Pangangailangan ng kaganapan sa sarili (self-actualization) – ito ang
pinakamataas na pangangailangan ng tao. Ang matupad ang kaniyang
mga hangarin sa buhay ang magbibigay sa kaniya ng kasiyahan at
satispaksiyon sa buhay. Dito niya mararamdaman ang kaganapan ng
kaniyang pagkatao bilang isang indibidwal.
11. Ayong kay Michael Todaro, isang Amerikanong ekonomista at
tagapagbunsod sa larangan ng Transportation Economics and Economics
Development, ang batayan ng kaunlarang panlipunan ay ang sumusunod:
a) Kasaganaan – ito ay tumutukoy sa mga materyal na bagay na ninanais
ng tao na makamit upang matugunan ang mga pangangailangan at
hilig-pantao.
b) Kalayaan – ito ay tumutukoy sa pagdedesisiyon ng ayon sa sariling
pagpapasiya na walang sinasaktan na ibang tao.
c) Mataas na dignidad – sa pamamagitan nito, nabibigyan ng halaga at
respeto ang isang tao.
12. David McClelland – ay isang sikologo na gumawa ng teorya na tinatawag na
Human Motivation Theory na kilala rin sa tawag na Need Theory o Three
Needs Theory.
a) Ito ay kaniyang inilarawan sa kaniyang aklat noong 1961 sa The Achieving
Society.
b) Ayon sa kaniya, kahit ano pa ang iyong kasarian, kultura, o edad, lahat
nang ito ay taglay ng isang tao ngunit nagkakaiba-iba lamang depende
sa kung ano ang mas nangingibabaw sa iyong pagkatao dahil sa
karanasang humubog sa iyong paniniwala.
13. Ito ang tatlong motibasyon na nagtutulak sa isang tao upang matamo ang
kaniyang mga naisin o layunin sa buhay.
a) Pangangailangan sa pagkamit (Achievement motivation)
b) Pangangailangan sa kapangyarihan (power motivation) – ang
motibasyong ito ay ang pagnanais ng isang tao na makaimpluwensiya,
makapagturo, o makahikayat sa iba.
c) Pangangailangan sa pagsapi o pag-anib (affliation motivation)
14. Pagkonsumo – ito ay ang pagbili, paggamit, o pag-ubos ng mga produkto
at serbisyo na siyang nakapagbibigay ng kasiyahan at pangangailangan sa
mga mamimili o gumagamit nito.
15. Umiiral ang pagkonsumo sa mga sistemang market o pamilihan.
16. Mga uri ng pagkonsumo:
a) Produktibong pagkonsumo – kapag ang isang ay ginagamit o
kinokonsumo upang makabuo ng iba pang kapaki-pakinabang na
produkto.
b) Tuwirang pagkonsumo – kapag ang taong gumagamit ay nasisiyahan
kaagad o natatamo kaagad ang kaniyang mga pangangailangan.
c) Maaksayang pagkonsumo – kapag ang pagkonsumo ay sobra mula sa
kaniyang pangangailangan o kagustuhan, ito ay nagiging maaksaya.
d) Mapanganib o nakapipinsalang pagkonsumo – kapag ito ay maaring
maging banta sa kalusugan ng tao.
e) Lantad na pagkonsumo – kung gumagamit lamang ng mga produktong
mamahalin kapag may ibang taong kaharap o bumibili ng mga gamit
kahit hindi kaya.
17. Mga salik ng nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo:
a) presyo
b) kita
c) okasyon
d) pag-aanunsiyo
e) pagpapahalaga ng tao
f) panahon
g) panggagaya
h) panlasa
18. Mga batas ng pagkonsumo:
a) Pagkakaiba-iba (variety) – higit na nakapagbibigay ng kasiyahan sa tao
ang pagbili o paggamit ng iba’t ibang produkto.
b) Pagkabagay-bagay (harmony) – higit na nasisiyahan ang tao kapag
magkokomplementaryo ang produktong ginagamit niya kaysa sa
pagkonsumo ng isang produkto lamang.
c) Imitasyon (imitation) – higit ang nadaramang kasiyahan ng isang tao
kapag gumagamit ng mga produkto o serbisyo na ginaya mula sa iba.
d) Kaayusang ekonomiko (economic order) – makakamit ng tao ang
kasiyahan o satispaksiyon kapag nakapagpasiya siyang bigya ng
prayoridad ang mga bagay na kailangan o mahalaga kaysa sa mga
kagustuhan o luho lamang.
e) Lumiliit na pakinabang (diminishing utility) – ang kabuuang kasisyahan
ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto ngunit kapag
ito’y nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan ay paliit na nang
paliit bunga ng pagkasawa sa paulit-ulit na paggamit ng iisang produkto
lamang.
19. Utility – ito ay tumutukoy sa sukat ng kasiyahan o satispaksiyon sa
pagkonsumo ng produkto o serbisyo.
20.Marginal utility – ito ang karagdagang kasiyahan ng indibidwal sa
pagkonsumo ng isang karagadagang yunit ng produkto o serbisyo.
21.Total utility – ito ang kabuuang kasiyahan na nakukuha sa pagbili o
paggamit ng mga produkto o serbisyo.
22.Impluwensiyang kultural sa pagkonsumo:
a) Kaisipang kolonyal – maraming Pilipino ang naniniwalang nakahihigit sa
tibay at ganda ang mga bagay na imported.
b) Pakikisama – bumibili ang mga Pilipino sa suki, kaibigan, o kakilala.
c) Rehiyonalismo
d) Hospitalidad
e) Utang na loob
f) Pagpapahalaga sa edukasyon
g) Kalinisan sa katawan
h) Pakikipagsapalaran
23.

You might also like