You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN - 9

2nd Summative: Unang Markahan – Modyul 2


Kahalagahan ng Ekonomiks

Name:_________________________________ Section :___________________ Iskor:____________

I - Panuto: Ilagay ang letra ng tamang sagot.


1. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na
kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan maituturing na
batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
B. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
C. Makabibili ka ng maraming bagay sa pamamagitan nito.
D. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
2. Bakit maituturing pa ring bahagi ng kagustuhan ang paghahangad ng tao sa isang bagay?
A. sapagkat higit itong mahusay kung ihahambing sa dati niyang ginagamit
B. upang magbigay ng ginhawa at kasiyahan sa buhay
C. sapagkat hangad niya na mabuhay nang marangal
D. dahil patuloy na lumalawak ang kagustuhan
3. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap
maliban sa ____________.
A. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
B. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
C. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
D. magiging maayos ang pagbabadyet
4. Ano ang dahilan kung bakit naghahangad pa rin ang isang tao ng mas mataas pa sa kaniyang
mga batayang pangangailangan?
A. hangad niyang maging sikat sa lahat
B. dahil likas na sa tao ang pagiging materyalistiko
C. nais niyang mapabilang sa lipunang kanyang ginagalawan
D. gusto niyang mabuhay nang marangal at maayos sa lipunan
5.Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tama tungkol sa kagustuhan?
A. Ang kagustuhan ng ibang tao ay maaaring pangangailangan ng iba at ang pangangailangan mo ay
kagustuhan lamang para sa iba.
B. Ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong
produkto.
C. Ang kagustuhan ay ang paghahangad ng mga bagay na kahit wala ang mga ito ay maaari pa rin
tayong mabuhay.
D. Mahihirapang mabuhay ang isang tao kung hindi nito matutugunan ang lahat ng kanyang kagustuhan.
6. Bakit mahalagang isaalang-alang ang tamang desisyon pagdating sa pangangailangan at
kagustuhan ng tao?
A. Upang hindi masayang ang perang magagastos
B. Upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
C. Upang maiwasan ang labis na pag-angkat ng mga produkto
D. Upang maiwasan ang tuluyang pagkaubos ng likas na yaman
7. Ano ang tamang solusyon upang maiwasan ang kakapusan ng mga pinagkukunang yaman sa
kabila ng walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
A. Tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
B. Bumili ng mga gamit na second hand upang mas makatipid.
C. Matutong makontento sa mga bagay na meron ang isang tao.
D. Isaalang-alang ang pangunahing pangangailangan sa pagbili ng mga produkto.
8. Sa iyong palagay, tama ba na ipagsabay ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
a. Oo, dahil nakasanayan na ito sa buhay ng tao.
b. Oo, para maging maayos at maginhawa ang buhay ng isang tao.
c. Hindi, dahil maaaring maubos kaagad ang pinagkukunang yaman ng bansa.
d. Hindi, dahil mas dapat unahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan ng tao.
9. Paano makaaapekto sa isang tao ang pagkakaroon ng kakulangan sa mga pangangailangang
pisyolohikal?
A. maaari itong pagmulan ng labis na kalungkutan
B. maaaring makaranas ng depresyon ang isang tao
C. maaring makaranas siya ng banta sa kaniyang seguridad
D. maaaring maging sanhi ito ng karamdaman at panghihina ng katawan
10. Paano mailalarawan ang mga taong naabot na ang pinakamataas na hirarkiya ng
pangangailangan? A. Sila ay namumuhay kasama ang napakaraming kaibigan B. Sila ay namumuhay
nang may mataas na pagtingin sa sariling kakayahan C. Sila ay nagbibigay ng mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan D. Sila ay may kakayahang mapunan ang lahat ng kanilang
pangangailangan at kagustuhan.

Test II.
Enumerasyon

1-5- Ibigay ang Hirarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow

6-10 Buuin ang figura ibigay ang kahalagahan ng Ekonomiks:

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

SARILI

PAMILYA

BARANGAY

BANSA

DAIGDIG

Parent’s Signature: ________________________

You might also like