You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
Ragay District
Quezon Camarines High School Inc.
Poblacion Ilaod, Ragay, Camarines Sur

UNANG KABUUANG PAGSUSULIT – ARALING PANLIPUNAN 9

“Don’t wish it were easier; wish you were better.”- Ma’am Jack

Name: ________________________________ Score: __________________


Grade & Section: _______________________ Date: ___________________

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat bilang.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay tumutukoy sa pag aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao sa kabila ng suliranin dulot ng kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham na pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal
pagdedesisyon.
c. Ito ay ang masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na
kaniyang kinakaharap.
d. Ito ay ang pag aaral ng tao at lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
_____ 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa
kaniyang ________ na pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kaniyang _________
pangangailangan.
a. sapat; walang hanggan
b. sapat; may hangganan
c. limitado; walang hanggan
d. limitado; may hangganan
_____ 3. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa
lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang yaman
d. Lahat ng nabanggit
_____ 4. Ang ________ at ________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks.
a. tao; lipunan
b. likas na yaman; pangangailangan
c. agham; matematika
d. suplay; demand
_____ 5. Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang oikonomia na nagmula sa salitang
_______.
a. Romano b. Espanyol c. Griyego d. Filipino
_____ 6. Ito ang elemento ng ekonomiks na tumutukoy sa lahat ng ginagamit upang makagawa
ng isang produkto.
a. Pangangailangan at Kagustuhan
b. Paggamit at Pamamahagi
c. Yaman
d. Patugon sa pangangailangan at kagustuhan
_____ 7. Ang pangangailangan ay ang mga bagay na dapat maging prioridad para sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan, ang
sumusunod ay maaring maganap maliban sa _________.
a. Magiging maayos ang pagbabadyet
b. Maging pantay ang distribusyon sa pamilya
c. Maiiwasan ang suliranin sa kakapusan
d. Matutunan ng maisakatuparan ang lahat ng pangarap
_____ 8May mga produktong tumataas ang antas ng pangangailangan kapag tag-init gaya ng
halo-halo at ice cream. Gayundin ang pagtaas ng pangangailangan ng lugaw at pares kapag
taglamig. Aling salik ang nakakaapekto dito?
a. Kita b. Edad c. Panahon d. Presyo
_____ 9. Namili sa pamilihang bayan si Mang Kanor ng isang kilong karneng baka. Subalit nang
timbangin niya ito sa timbangang bayan ay kulang ito sa timbang. Ano ang maipapayo mo kay
Mang Kanor?
a. Isusumbong ang pamunuan ng eskuwelahan
b. Isauli ang binili at bumili na lamang sa iba.
c. Bumalik sa pinagbilhan at sabihin na kulang ang timbang nito.
d. Hindi na muli pang bibili rito
_____ 10. Bumili ang kaibigan mong si May sa grocery store ng mga pagkain subalit nang
babayaran na niya ito, napagtanto niyang sumobra sa bilang ang nakalaang salapi para sa kanyang
mga pinamili. Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, paano mo maiiwasan ang ganitong suliranin?
a. Kumuha lamang ng iyong gustong bilhin
b. Magpasama sa kaibigan na mamili
c. Pigilan ang sarili na mamili ng mga kailangan
d. Ugaliing mag badyet at gumawa ng listahan
_____ 11. Tumaas na naman ang singil sa kuryente ngayong Bagong Taon ayon sa Meralco. Ito
ay bunsod ng dagdag na presyo sa petrolyo na ginagamit at iba pang mga salik na ginagamit sa
pagpoprodyus nito. Alin sa sumusunod ang wastong pagpapakita ng lubusang paggamit ng
limitadong yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao?
a. Pagtitipid ng kuryente tuwing ginagamit
b. Linangin ang iba pang mga likas na yaman
c. Magbalangkas ng mga solusyon sa kakapusan
d. Makibahagi sa mga adbokasiya para sa alternatibong enerhiya
_____ 12. Bilang isang mamimili, ikaw ay may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,
masisilungan, pangangailangan, pangkulusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. Alin sa
mga sumusunod ang tawag dito?
a. Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan
b. Karapatan sa Edukasyon para sa mga mamimili
c. Karapatan na pumili
d. Karapatan na katawanin
_____ 13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig na may kakapusan ang isang
bansa?
a. Mga Pilipinong nangibang bansa upang magtrabaho
b. Malaking kita mula sa pag-eksport ng mga produkto
c. Disyertong lupain na pagkukunan ng yamang-tubig
d. Pagkakaroon ng pangangailangang paglilingkod
_____ 14. Naaprubahan ang papeles ni Zoe sa kanyang pinagtatrabahuhan kung kaya’t
nadagdagan ng halagang limang libo ang kanyang sahod. Naisipan niyang bumili ng mga branded
na damit para sa kanyang sarili. Alin sa mga sumusunod ang mga salik na nakakaapekto sa
kanyang pagkonsumo?

Kita
B. Mga Inaasahan
C. Panahon
D. Presyo
a. Kita b. Mga Inaasahan c. Panahon d. Presyo

_____ 15. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan


na gaganapin sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunman, kailangan mo na ring umuwi
nang maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase. Sa kabila nito, nais mo pa ring
paunlakan ang paanyaya ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong
gawin?
a. Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
b. Hayaang anuman ang kahihinatnan ng piniling pagpapasya.
c. Bigyang-halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
d. Bigyang-halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo.

II. PUNAN ANG MGA PATLANG


Panuto: Isulat sa patlang ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko kong/ng.
16. ____________ pumunta sa party.
17. ___________ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan.
18. ____________ magbukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking
kinabukasan.
19. ___________ lumipat sa magandang bahay na may aircon.
20. ____________ uminom ng tubig pagkatapos kumain.

III. PAGTUKOY
Panuto: Piliin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot
nito sa linya bago ang bilang.

A. Kakapusan G. Makroekonomiks
B. Ekonomiks H. Kakulangan
C. Abraham Harold Maslow I. Kagustuhan (wants)
D. Pangangailangan (needs) J. Yamang tubig
E. Pangangailangang Pisyolohikal K. El-niño
F. Pangangailangang Maitupad ang Kaganapang Pagkatao

_____ 21. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.
_____ 22. Ipinanukala niya ang teorya ng pangangailangan.
_____ 23. Ay mga likas na yaman na ating pinagkukunan tulad ng isda, perlas, alimango, at
marami pang iba.
_____ 24. Ay ang pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng
tao sa pinakamahusay na paraan.
_____ 25. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, pagtulog, kasuotan, at
tirahan.
_____ 26. Ito ang pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan sa sariling
potensyal at sa kabuuang potensyal ng tao.
_____ 27. Ito ay ang abnormal o hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-
init ng Karagatang Pasipiko lalo na sa may bandang ekwador.
_____ 28. Paghahangad ng tao ng mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan.
_____ 29. Umiiral dahil limitado ang pinag-kukunang yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan g tao.
_____ 30. Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang
mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan.

Prepared by:

JACKELYN A. NUDO
Teacher

You might also like