You are on page 1of 4

ANG SISTEMA NG EDUKASYON NG BANSA

Ano ang Edukasyon?

Ang edukasyon ay proseso ng pag-aaral at pagtuturo na naglalayong magbigay ng kaalaman,


kasanayan, at pag-unawa sa mga indibidwal upang sila ay makamit ang kanilang potensyal at maging
produktibong miyembro ng lipunan. Ang edukasyon ay napakahalaga sa bagay sa buhay ng tao. Ito ay
maituturing na tulay upang umunlad ang isang tao.

● Bukod sa pangunahing karapatang pantao, ang pagkakaroon ng edukasyon ay isa sa


pundasyon na maaaring makaangat sa tao sa kahirapan. Ang mga Pilipino ay may malalim
na pagpapahalaga sa edukasyon.

● Bukambibig ng mga mga Pilipinong magulang na ang edukasyon ang tanging


kayamanang maipapamana nila sa kanilang mga anak. Kaya’t pinagsisikapan nilang
maitaguyod ang edukasyon ng kani-kanilang mga anak.

Ang sistema ng Edukasyon sa Pilipinas


Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of
Education or DepEd). Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay pangkaraniwang nahahati sa dalawang uri,
ang Pormal (formal) at Hindi pormal (non formal) na edukasyon.

● DepEd Secretary Vice President Sara Duterte

PORMAL NA EDUKASYON
Ang pormal na edukasyon Sa pormal na edukasyon, ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng mga guro at
propesyonal na may sapat na kasanayan at kaalaman sa kanilang mga especialidad. Sa sistemang ito ay
gumagamit ng paggagrado (grading system) at nagkakaloob ng degree, diploma, o sertipiko.

● Ang layunin ng pormal na edukasyon ay magbigay ng sapat na kaalaman, kasanayan, at


pag-unawa sa mga mag-aaral upang sila ay maging handa sa mga hamon ng buhay at
maging produktibong miyembro ng lipunan.

● Sa dating sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ang pormal na edukasyon ay nahahati sa


mga yugto tulad ng preschool, primaryang edukasyon, sekondaryang edukasyon, at
tersiyaryong edukasyon.

Yugto ng pormal na Edukasyon

● Preschool
● Primaryang Edukasyon
● Sekondaryang Edukasyon
● Tersiyaryong Edukasyon

Ang Preschool ay pangkaraniwang nag-aalok ng edukasyon sa mga bata mula edad na tatlo hanggang
lima. Ang mga paaralang ito ay may kurikulum na nakasentro sa mga bata (children-centered) at
naglalayong simulang linangin ng balanse ang pisikal, intelektual, at moral nilang kalikasan (nature).
● Karaniwang kasama sa preschool edukasyon ang pagtuturo ng mga pangunahing
konsepto tulad ng kulay, hugis, numero, at titik, pati na rin ang mga batayang kasanayan
tulad ng paggawa ng takda, pagsusulat, at pagbasa.

● Ang preschool ay hindi lamang naglalayong magturo ng akademikong kaalaman kundi


pati na rin sa pagbuo ng mga kasanayan tulad ng pakikipaglaro, pakikipag-ugnayan sa
ibang bata at guro, at pag-unawa sa kanilang sariling damdamin at pangangailangan.

Ang Primaryang Edukasyon ay binubuo ng unang anim na taon ng naka balangkas na edukasyon
pagkatapos ng preschool. Tinatawag din ito elementaryang edukasyon na karaniwang nagsisimula sa
edad na anim hanggang labing-isa o labindalawa.

● Layunin ng primaryang edukasyon na magbigay sa mga mag-aaral ng sapat na kaalaman


at kakayahan upang maging handa sila para sa mas mataas na antas ng edukasyon at
para sa kanilang hinaharap na buhay. Karaniwang tinutukoy ang primaryang edukasyon
bilang ang yugto ng pagsasanay sa pagbasa, pagsusulat, at pangunahing kalkulasjon

Ang Sekondaryang Edukasyon ay pangkaraniwang sumasaklaw sa pormal ng edukasyon na


nagaganap sa panahon ng adolescence ng isang mag-aaral. Ang mga paaralan na nag-aalok ng
sekondaryang edukasyon ay pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga karaniwang kaalaman at na
paghahanda sa kanila para sa mas mataas na edukasyon o kolehiyo.

- Sa bagong sistema, (sa ilalim ng Programang K to 12), ang sekondaryang edukasyon na may
karagdagang dalawang taon ( senior high school - Grade 11 at 12) ay pagsasanay rin sa mga
mag-aaral para sa ilang propesyon o hanapbuhay, kasanayan (crafts), o pangangalakal (trade).

● Ang layunin ng sekondaryang edukasyon ay hindi lamang magbigay ng mas malalim na


kaalaman sa iba't ibang larangan, kundi pati na rin magbahagi ng mga kasanayang kritikal
na kakailanganin ng mga mag-aaral sa kanilang hinaharap na buhay.

Ang Tersiyaryong Edukasyon, na tinatawag ding mas mataas na edukasyon (higher education), ay ang
hindi sapilitang (non-compulsory) antas ng edukasyon matapos ang sekondaryang edukasyon. Ang
tersiyaryong edukasyon ay pangkaraniwang tumutukoy sa undergraduate na edukasyon (bachelor’s
degrees), postgraduate (masteral at doctoral), maging sa mga bokasyonal na edukasyon at pagsasanay
ng kinikuha pagkatapos ng high school.

● At the tertiary level, students pursue advanced studies in various fields. At the tertiary
level, students have the opportunity to pursue more specialized fields of study, gaining in-
depth knowledge and skills in their chosen areas of interest.

- Ang bokasyonal na edukasyon ay isang uri ng edukasyon nakasentro sa tuwiran at praktikal na


pagsasanay para sa isang partikular na kasanayan o pangangalakal. Ang tersiyaryong
edukasyon ay kinukuha sa mga kolehiyo at unibersidad, at ito ay karaniwang nagreresulta sa
pagkakaroon ng mga sertipiko,diploma, o academic degree.
● Unlike traditional academic programs, which often emphasize theoretical concepts and
general knowledge, vocational education prepares students for direct entry into the
workforce or for further education in a particular field. Automotive, Culinary Arts, Welding

● Vocational Education: Vocational education focuses on providing practical skills and


training directly relevant to specific careers or industries. The primary purpose is to
prepare students for employment in a particular trade or profession.
● Traditional Academic Programs: Traditional academic programs emphasize theoretical
knowledge and general education across a wide range of subjects. The primary purpose is
to provide students with a broad foundation of knowledge and critical thinking skills.

HINDI PORMAL NA EDUKASYON

Ang hindi pormal (non formal) na edukasyon naman ay tumutukoy sa anumang organisadong pang-
edukasyong aktibidad sa labas ng establisadong pormal na sistema na inilaan upang tumugon sa mga
tiyak na parokyano o mga learning clientele at layuning pang-edukasyon (learning objective). Ang mga
programa sa ilalim ng hindi pormal na edukasyon ay karaniwang maikli lamang (short-term) at boluntaryo
(voluntary).

● Ang "hindi pormal na edukasyon" ay tumutukoy sa anumang proseso ng pag-aaral na


hindi sumusunod sa tradisyunal na istruktura ng pormal na edukasyon. Ito ay karaniwang
nangyayari sa labas ng paaralan o kolehiyo at hindi naglalayong makamit ang opisyal na
mga kwalipikasyon o sertipiko.

● Ang hindi pormal na edukasyon ay naglalayong magbigay ng mga pagkakataon sa mga


tao upang magpatuloy sa kanilang pag-unlad at pagtuturo sa mga larangang interesado
sila, na may kaalinsabay na diwa ng pagtanggap ng kaalaman at kasanayan sa labas ng
tradisyonal na paaralan.

● Ang hindi pormal na edukasyon ay pangkaraniwang ginagawa sa labas ng silid-aralan, sa


mga komunidad, at mga learning center, barangay hall, silid-aklatan, o tahanan. Ito ay
pinangangasiwaan ng mga facilitator, mobile teacher, o coordinator sa napagkasunduan
oras at lugar.

ANG PROGRAMANG K TO 12 SA PILIPINAS

Noong taong pampaaralan (school-year) 2012-2013, sinimulan ang pagbabago sa sistema ng edukasyon
sa Pilipinas. Ang dating 10 taon na compulsory basic education ay naging 13 taon sa ilalim ng
Programang K to 12 batay na rin sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng bansa. Kalakip
ng bagong sistema ay ang bagong kurikulum na nagsasaad ng ilang pagbabago. Ang Programang K to
12 ay pinaniniwalaang makalulutas sa suliranin ukol sa mababang kalidad at sa hindi na napapanahong
sistema ng edukasyon sa bansa.

● Ang Programang K to 12 (K-12, K12) ay kinapapalooban ng isang taong Kindergarten at


anim na taon sa elementarya at anim na taon din sa sekondaryang edukasyon. Ito ang
sistema ng edukasyon na ginagamit sa halos lahat ng bansa sa buong mundo. Sa
layuning mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa, ito ang iminungkahi ng DepEd sa
pangunguna ng noon ay Kalihim nito na si Armin Luistro.

Generalization

● Education lays the foundation for lifelong learning and empowers individuals to reach
their full potential, ultimately benefiting society as a whole.

● Ang edukasyon ay napakahalaga ng bagay sa buhay ng tao. Ito ay maituturing na tulay


upang umunlad ang isang tao. Ang mga Pilipino ay may malalim na pagpapahalaga sa
edukasyon. Bukambibig ng mga mga Pilipinong magulang na ang edukasyon ang tanging
kayamanang maipapamana nila sa kanilang mga anak. Kaya’t pinagsisikapan nilang
maitaguyod ang edukasyon ng kani-kanilang mga anak.

● We need an education system to organize learning experiences, ensuring that students


receive consistent instruction and resources. A structured system helps in providing
equal opportunities for all learners, regardless of their background or location. It also
promotes accountability among educators and policymakers, fostering transparency and
improvement. Ultimately, an education system is essential for preparing individuals for
future success and contributing to societal development.

You might also like