You are on page 1of 43

MGA ISYUNG

PANG-
EDUKASYON
ANG SISTEMA NG EDUKASYON SA
PILIPINAS
• Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng
Kagawaran ng Edukasyon ( DepEd ).

• Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay pangkaraniwang


nahahati sa dalawang uri –

1. Ang PORMAL ( formal )


2. HINDI PORMAL (non- formal ) na edukasyon
PORMAL NA EDUKASYON
• Pangkaraniwang isinasagawa sa mga silid- aralan ng
paaralan at nangangasiwa ay mga gurong may sapat na
kaalaman, kasanayan ( training ), kuwalipikasyon, degree
o lisensiya mula sa nakatalagang ahensiya ng pamahalaan.
• Ito ay highly institutionalized, bureaucratic at pormal na
kinikilala ( formally recognized )
• Gumagamit ng grading system at nagkakaloob ng degree,
diploma o sertipiko
• Dating sistema :
Nahahati sa mga yugto tulad ng preschool, primaryang
edukasyon, sekondaryang edukasyon at pagkatapos ay
tersiyaryong edukasyon
PRESCHOOL
• Pangkaraniwang nag-aalok ng edukasyon sa mga bata mula sa
edad na tatlo hanggang lima.
• Tinatawag din nursery o kindergarten.
• Ang kurikulum ay nakasentro sa mga bata ( children-
centered ) at naglalayong simulang linangin nang balanse ang
pisikal, intelektuwal at moral nilang kalikasan.
• Nagsisilibing tagapaghanda sa mga bata para sa primaryang
edukasyon.
PRIMARYANG EDUKASYON
• Binubuo ng unang anim na taon ng nakabalangkas na
edukasyon pagkatapos ng preschool.
• Tinatawag din itong elementaryang edukasyon na karaniwang
nagsisimula sa edad na anim hanggang labing-isa o
labindalawa.
• Paghahanda sa mag-aaral para sa sekondaryang edukasyon.
SEKONDARYANG EDUKASYON
• Pangkaraniwang sumasaklaw sa pormal na edukasyon na
nagaganap sa panahon ng adolescence ng isang mag- aaral.
• Sa dating sistema, ito ay binubuo ng apat na taon lamang ( 1st
year to 4th year )
• Ang mga paaralan na nag- aalok ng sekondaryang edukasyon
ay tinatawag na MATAAS NA PAARALAN (High School )
• Dating sistema ( paghahanda para sa mas mataas na edukasyon
)
• Bagong sistema ( pagsasanay rin sa mga mag- aaral para sa
ilang propesyon o hanapbuhay, craft o trade )
TERSIYARYONG EDUKASYON
• Tinatawag ding mas mataas na edukasyon ( Higher
Education ), ay ang hindi sapilitang (non-compulsory ) antas
ng edukasyon matapos ang sekondaryong edukasyon.
• Tumutukoy sa undergraduate na edukasyon (bachelor’s degrees
) postgradweyt (masteral at doctoral ) at maging bokasyonal
na edukasyon.
• Ang bokasyonal na edukasyon ay isang uri ng edukasyong
nakasentro sa tuwiran at praktikal na pagsasanay para sa isang
praktikal na pagsasanay.
• Karaniwang nagreresulta sa pagkakaroon ng mga sertipiko,
diploma o academic degree.
NONFORMAL ( HINDI PORMAL )
• Ito ay tumutukoy sa ano mang organisadong pang-
edukasyong aktibididad sa labas ng establisadong pormal
na sistema na inilalaan upang tumugon sa mga tiyak na
parokyano o mga learning clientele at layuning pang-
edukasyon.
• Karaniwang maikli lang at boluntaryo.
• Mayroon ding payak na kurikulum at facilitator.
• Kinabibilangan ng edukasyon sa pagbasa at pagsulat para
sa matatatanda at kabataan
• Isinasagawa sa labas ng silid-aralan, sa mga komunidad at
mga learning center, barangay hall, silid- aklatan o
tahanan.
• Pinangangasiwaan ng mga facilitator, mobile teacher o
coordinator sa napagkasunduang oras at lugar.
Nakapaloob sa Nonformal Education :
• Edukasyon sa pagbasa at pagsulat para sa matatatanda at
kabataan
• Programang pang- edukasyon para sa mga drop out
• Out-of-school-youth
• Out-of-school-adult
• Pang-agrikultural na pagsasanay
• Pangkalusugang edukasyon
• Edukasyon sa unyong pangkalakalan ( trade union )
• Edukasyon ukol sa rural development
• At sa papel ng kababaihan sa pag-unlad
ANG K TO 12 PROGRAM SA
PILIPINAS
• Pinaniniwalaang makalulutas sa suliranin ukol sa
mababang kalidad at hindi na napapanahong sistema
ng edukasyon sa bansa.
• Iminungkahi ng DepEd sa pangunguna nang noon ay
Kalihim na si ARMIN LUISTRO.
LAYUNIN

• Lumikha ng mga mag-aaral na may sapat


na kaalaman at kakayahang magagamit
nila hanggang sa kanilang
paghahanapbuhay.
BINUBUO
• Universal Kindergarten ( para sa limang taong
gulang )
• Primary Education ( Anim na taon sa
elementarya )
• Junior High School ( Apat na taon – Grades 7 –
10 )
• Senior High School ( Dalawang taon – Grades
11- 12 )
• Ang dalawang taon sa senior high ay naghahangad na
makapagbigay ng sapat na panahon sa mga mag-aaral
na mapagsama ang mga kaalaman at kagalingan
mapag-aralan sa nakaraang mga antas ng pag-aaral at
upang maihanda sila sa nais nilang tahaking
hanapbuhay o kurso sa kolehiyo pagkatapos sa
kolehiyo.

• Makakakuha sila ng mga sertipiko ( Certificates of


Competency o COCs ) at National Certificates ( NCs)
sang- ayon sa TESDA training regulations.
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN PARA SA PAGKAKAPANTAY-
PANTAY SA EDUKASYON O ACCESS SA EDUKASYON

• Alternative Learning System ( ALS )


• TESDA o Technical and Vocational Education Training
( TVET )
• Home Schooling/ Home Education
• Distance Learning , E- learning at Online Learning
• Open High School Program ( OHSP )
• Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation
Program ( ETEEAP )
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
( ALS )
• Ito ay isang programa ng DepEd na naglalayong matulungan
ang mga hindi nakapapasok sa paaralan.

• DAHILAN :
1. Hindi nakapag-enrol sa paaralan
2. Mga manggawa
3. May kapansanan
4. Nasa bilangguan o rehabilitation center
5. Kakalaya lang sa bilangguan
6. Dating rebelde na nagbalik – loob sa gobyerno
7. Mga katutubo
8. At iba pang taong hindi nakapasok sa paaralan o hindi
nakatapos ng pag-aaral
• Maaring makakuha ng elementarya at
sekondaryang edukasyon na hindi
kinakailangang pumasok araw- araw sa
paaralan tulad ng sa pormal na edukasyon.

• Nagsimula ang programang ito noong 1984 at


unang nakilala bilang hindi pormal na
pagtuturo ng edukasyon na paglinang ng
teknikal na kapasidad.
TESDA O TECHNICAL AND VOCATI
ONAL EDUCATION TRAINING (TVE
T)
• Ito ay isang nondegree na programa na naglalayong
makapagbigay ng mga kaalaman at kasanayang
kailangan upang makapaghanapbuhay.
• Ang nangangasiwa sa TVET ay ang TESDA.
• Ang TESDA, sa pamamagitan ng RA 7796, ay
itinatag sa panahon ng panunungkulan ni Presidente
Fidel V. Ramos.
• Ang kurikulum ay nakabatay sa mga
pangangailangan ng mga kompanya na naghahanap
ng mga sinanay na manggagawa ( skilled workers )
para sa kanilang institusyon.
Home schooling/ Home Education
• Ito ay isang uri ng edukasyon sa mga bata na
isinasagawa sa loob ng kani- kaniyang tahanan.
• Ito ay iba sa pormal na uri ng edukasyong
isnasagawa sa paaralan, pribado man pampubliko.
• Ang nagsisilbing guro ay ang mga magulang o
isang tutor.
• Ang homeschooling ay isang alternatibo sa pag-
aaral sa mga publiko o pribadong paaralan.
Distance Learning, E-Learning at Online
Learning
DISTANCE LEARNING/ DISTANCE
EDUCATION
• Ito ay nagbibigay ng pagkatuto sa mga taong malayo ang
distansiya mula sa institusyong pang-akademiko.
• Ang tagapagturo ay pisikal na malayo sa tinuturuan at
posibleng naisagagawa ang pagtututuruan sa magkaibang oras.
E-LEARNING/ ELECTRONIC
LEARNING
• Ito ay ang pag-aaral gamit ang mga elektronikong kasangkapan
at karaniwan itong nangangahulugan ng paggamit ng
kompyuter upang makapaghatid ng bahagi, o ang kabuuan ng
isang kurso, ito man ay sa isang paaralan o bahagi ng
kinakailangang pagsasanay sa negosyo o isang buong distance
learning course.
• Ang E-learning ay maaring gawin midyum o paraan ng
distance education.
• Ang e-learning , kapag hinaluan ng mga tradisyonal na
pamamaraan sa pag-aaral ay tinatawag na BLENDED
LEARNING.
• Sa Pilipinas – may isang aktibong grupo na
nagtataguyod at gumagamit ng e-learning tinatawag
silang Philippine e-Learning Society o PeLS.
• Ito ay naitatag noong 2003 sa Maynila at may
layuning magtaguyod ng paggamit ng teknolohiya ng
e-learning.
• Ang E-learning Practitioners Association of the Phils,
Inc ( ELPAP, Inc ) naman ay naitatag sa Mandaluyong
City at naiparehistro sa Security and Exchange
Commission sa pangunguna ni Prof Jensen MaŇ ebog.
• E-learning para sa Agrikultura at Pangisdaan
ONLINE LEARNING
• Paggamit ng internet at iba pang mga web- based na
teknolohiya upang makapagbigay ng kaalaman.
• Ito ay kaugnay ng distance learning at ng e- learning.
• TESDA Online Program ( TOP )
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM ( OH
SP
)
• Batas Pambansa 232 o Education Act of 1982, ang Open High
School Program ( OHSP ) ay nagsimula noong 1988.
• Ito ay isang alternatibong paraan ng pormal na programang
pansekodaryang edukasyon na pinangangasiwaan ng Bureau of
Secondary Education ( BSE ) ng DepEd ng Republika ng
Pilipinas.
• Ang programa ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga
nagtapos ng elementarya, mga high school dropout at mga
pumasa sa Phil. Education Placement Test ( PEPT ) upang
makumpleto ang sekondaryong edukasyon sa pamamagitan ng
distance learning.
• Maaring mag- enrol sa OHSP ano mang buwan ng taon.
• 6 years
• DropOut Reduction Program
Ito ay para sa mga :
• Mag- aaral na hindi makadadalo sa regular na klase dahil sa sa
pisikal na kapansanan
• Personal at pampamilyang problema
• Kakapusan
• Distansya ng tahanan sa paaralan
• Maagang pagbubuntis
• Maagang pag- aasawa
• Trabaho
Kuwalipikasyon :
• Filipino citizen
• Nakumpleto ang prerequisite grade o antas ( year level )
• Nakapasa sa Independence Learning Readiness Test ( ILRT )
• Pasado sa Informal Reading Inventory ( IRI )
EXPANDED TERTIARY EDUCATION
EQUIVALENCY AND ACCREDITATI
ON PROGRAM ( ETEEAP )
• Nasa ilalim ng Nonformal Education Program ng
bansa.
• EO 330 noong 1996 – Ito ay isang educational
assessment scheme na kumikilala sa kaalaman,
kasanayan at mhga nakuhang pagkatuto ng mga
indibidwal mula sa mga hindi pormal at impormal na
mga karanasan sa edukasyon.
• Ito ay isang alternatibong programa sa edukasyon sa
Pilipinas na nagbibigay- daan sa mga propesyonal na
nagtatrabaho rito at sa ibang bansa na hindi
nagawang tapusin ang kanilang edukasyon sa
kolehiyo ( o ni hindi man lang nakatungtong sa
kolehiyo ) upang makakuha ng isang degree na hindi
dumaraan sa tradisyonal na metodo ng pag- aaral.
Kwalipikasyon :
• Filipino citizen, hindi bababa sa 25 taong gulang, hindi bababa
sa highschool graduate o dapat magkaroon ng Phil. Educational
Placement Test ( PEPT ) na katumbas ng unang taon sa kolehiyo.
• Siya ay dapat may hindi bababa sa limang taon ng karanasan sa
trabaho na may kaugnayan sa degree na nais makuha.
• Katibayan ng kakakayahan ( alin man sa sumusunod ) :
a. Certificate of Proficiency na inisyu ng isang government
regulatory board,
b. Certificate of Proficiency na ibinigay ng employer,
c. Certificate of Proficiency na ibinigay ng isang lisensiyadong
practitioner sa field
d. Business Registration Certificate
TATLONG PANGUNAHIN AT PERENIYAL NA
PROBLEMANG KINAHAHARAP ANG SISTEMA
NG EDUKASYON SA PILIPINAS ( DE-KALIDAD
)
• Kalagayan ng mga guro
• Silid- aralan
• Mga aklat- aralin
MGA SULIRANING KINAHAHARAP NG
SEKTOR NG EDUKASYON SA BANSA
• Ang bumababang kalidad ng edukasyon
• Ang mga hamon ng bagong sistema ng
edukasyon sa bansa
• Ang papataas na presyo ng edukasyon
• Ang hindi sapat na badyet ng pamahalaan para
sa edukasyon
• Ang kakulangan sa mga pasilidad at mga gamit
sa edukasyon
• Ang mababang suweldo ng mga guro
• Ang malaking sukat ng klase
MGA PAMAMARAAN SA PAGTATAAS
NG KALIDAD NG EDUKASYON
• Ang pagpapaunlad ng preschool at
primary education
• Pagpapaunlad ng kurikulum sa pribado
man o pampublikong paaralan
• Pagpapataas sa kalidad o uri ng mga
aklat- aralin
• Paglalaan ng mas malaking badyet para sa
edukasyon at pagpapatigil sa korapsiyon
• Pagkuha ng mga de- kalidad na guro
• Pag- aaruga at paglalaan ng mga
epektibong working condition para sa
mga guro
• Pagdaragdag at pagsasaayos ng mga silid-
aralan at iba pang pasilidad sa edukasyon
• Pagsasangkot sa mga magulang sa pag-
aaral ng kanilang mga anak
• Ang K to 12 Program bilang solusyon

You might also like