Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL TRADE SCHOOL
City of San Jose del Monte Bulacan
www. sjdmntrade_2000@[Link]
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
EKONOMIKS IKATLONG MARKAHAN
Petsa/ Oras: July 12, 2019
Asignatura: AP-9
Markahan: Ikatlong Markahan
CG: AP9MKE-Ic-7
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw araw na
pamumuhay.
PAMANTAYANG PAGGANAP
Naisasabuhay ang pag unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad ng pang araw-araw na pamumuhay.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan ng pagbuo ng matalinong desisyon.
I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minuto, inaasahang ang lahat ng mag-aaral ay:
1 Nasusuri ang Kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailan (needs) bilang batayan sa pagbuo
ng matalinong desisyon.
2. Naipapakita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng
kakapusan .
3. Nakakabuo ng sariling pamantayan sa pag pili ng mga pangangailangan batay sa mga herarkiya
ng pangangailangan
4. Nasusuri ang herarkiya ng pangangailangan.
II. NILALAMAN
1. Paksa: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
2. Kagamitan: Laptop,Projector at mga larawang may kaugnayan sa paksa
3. Sanggunian: Araling Panglipunan Ekonomiks 9
[Link]
4. Nakalaang Oras: 60 minuto
I. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtala ng lumiban
3. . Balik Aral:
- Ano ang mga paraan upang malabanan ang kakapusan?
- Bakit kailangnan natin ng tamang desisyon sa harap ng kakapusan?
e. Balitaan
4. Lunsaran
A. Pagpapakita VIDEO presentation na ng isang ama na ginagawa ang lahat para matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng kanyang anak.
B. Pagtatalakay ng Aralin
1. Pangkatang gawain
Unang pangkat :
Gamit ang graphic organizer ilista ang upang mabuhay o bilang mag-aaral .
Ikalawang pangkat:
Ilista ang inyong kagustuhan bilang isang mag aaral. Gawin ito sapamamagitan ng Cluster Map
Pangatlong Pangkat:
Gamit ang Venn diagram ilista ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
2. PAG AANALISA
-Sa inyong palagay ano kaya ang pangangailangan at kagustuhan?
3. Talakayan
Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa pangngailangan at kagustuhan ng
isang tao. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan na inihanda ng guro.
Patnubay na Katanungan:
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangangailangan?
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng kagustuhan?
• Ano ang Hirerkiya ng pangangailangan?
4. Paglalahat
Pag uulat ng bawat pangkat tungkol sa Hieyerkiya ng pangangailangan
[Link] na pangangailangan
b. Pangangailangang seguridad
c. Pangangailangan ng pagmamahal
d. Pangangailangan ng respeto at pag galang
e. Pangangailangan ng Kaganapan ng pagkatao
C. Paglalapat/Pagpapahalaga
1. Kung kayo ay kapos sa pamumuhay tama lang ang kinikita ng magulang niyo para matustusan ang lahat
niyong pangangailangan, ngunit may nais pa kayong gusto makamit anong gagawin niyo?
2. Ano ba ang mas mahalagang paiiralin niyo ang inyong kagustuhan o ang inyong pangangailangan?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang titik na may tamang sagot.
1) Ito ang bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang araw-araw na
gawain o buhay.
a. Pangangailangan c. kakapusan
b. Kagustuhan d. wala sa nabanggit
2) Ito ay nagpapakita ng paghahangad ng mga bagay na ninanais ng taong makamit.
a. Pangangailangan c. kakapusan
b. Kagustuhan d. wala sa nabanggit
3) Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao ng pagkain, tubig, hangin, pagtulog,kasuotan at
tirahan.
a. Pangangailangan ng seguridad at kaligtasan
b. Pangangailangan panlipunan
c. Pangangailangang pisyolohikal
d. Kaganapan ng pagkatao
4) Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na ang unang pangangailangan.
Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanap buhay, kaligtasan mula sa karahasan at iba pa.
a. Pangangailangang panlipunan
b. Pangangailangang pisyolohikal
c. Kaganapan ng pagkatao
d. Pangangailangan ng seguridad at kaligtasan
5.) Ito ang pangangailangan na magkakaroon ng kaibigan, kasintahan,pamilya at anak.
a. Pangangailangan ng pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao
b. Pangangailangang pisyolohikal
c. pangangailangang panlipunan
d. kaganapan ng pagkatao
6.) Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon
a. Pangangailangan pisyolohikal
b. kaganapan ng pagkatao
c. Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao
d. pangangailangang panlipunan
7.) Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao.
a. Pangangailangang panlipunan b. pangangailangang pisyolohikal
c. Pangangailangan ng seguridad d. kaganapan ng pagkatao
8.) Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan ?
a. pangangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao samantala ang kagustuhan
ay isang paghahangad ng tao sapagkat nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.
b. ang pangangailangan damit, bahay, alaga , pagmamahal, siguridad , respeto at ang
kagustuhan lahat na ating minimithi.
c. ang kagustuhan ay dapat mayroon tayo para mabuhay at ang pangangailangan ay di
importante upang mabuhay
d. A at B
9.) ang pumunta sa party
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
10.) ang kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. Kasiyahan d. wala sa nabanggit
V. TAKDANG ARALIN
Ano ang mga Batayan ng personal na pangangailangan at kagustuhan ?
Inihanda ni:
Gng. Jessica DJ. Fernandez
AP Teacher – I
Sinuri nina:
Gng. Virginia F. Buensuceso Gng. Peachy D. Fernandez
AP Acting Head Coordinator Academic Head Teacher- III