You are on page 1of 11

Impormal na

Sektor
Activity:
Ayusin ang mga salita na nasa ibaba:

ABULT NVORDE ORETNIPRAK

BALUT VENDOR KARPINTERO

KLWAIDES NROVDE
SIDEWALK VENDOR

ABCEPID REVIDR ATHO EVNDOR


PEDICAB DRIVER TAHO VENDOR
Saang lugar madalas mo makikita ang
ganitong sitwasyon?
Impormal na Sektor
Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o walang
pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa
ng mga gawaing pang-ekonomiya.

Ito ay may mga katangian tulad ng hindi


nakarehistro sa pamahalaan, hindi
nagbabayad ng buwis mula sa kinikita, at
hindi nakapaloob sa legal at pormal na
alituntunin ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo.
Mga Halimbawa Nito:
Napabilang sa sektor na ito ang mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendors),
pedicab driver, karpintero, hindi mga rehistradong sasakyan (colorum), mga
ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon,illegal na pasugalan,pamimirata
(piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc
(DVD).

Lumalabas na 30% ng lakas-paggawa ay mula sa impormal na sektor.


Inilarawan ni Arthur Lewis na kadalasan na nasa mga bansang papaunlad (3 rd
world countries) ang nakakaranas ng ganitong uri ng hanapbuhay.
KITA
Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa
kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Ang
ISS o Informal Sector Survey ang kauna- unahang
pambansang survey tungkol sa impormal na sektor sa
Pilipinas.

Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa


Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013,
kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng
impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang
impormal na sektor bilang underground economy o hidden
economy.
MGA DAHILAN

Makaligtas sa pagbabayad ng buwis Mapangibabawan ang


sa pamahalaan matinding kahirapan

Makaiwas sa mahaba na Makapaghanapbuhay na hindi


transaksiyon sa pamahalaan nangangailangan ng malaking
o bureaucratic red tape. kapital.
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-
Ekonomiya Kauugnay sa Impormal na Sektor

• REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty


Alleviation Act of 1997)

– Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor


bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na
nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging
ekolohikal.
• SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE
KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
– Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of
Socila Welfare and Development(DSWD) na nagbibigay ng
mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga
mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at
makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at
pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring
magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment
Kaunlaran Association(SKA's).
• Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

– Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal


para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin
ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang
may edad 0 hanggang 18 taong gulang.
THANK YOU!

You might also like