You are on page 1of 1

Talumpati Tungkol Sa Pag-aaral“

Isangmapagpalang araw sainyong lahat

Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang tunay na kayamanan na kailanman ay


hindi mapag-iiwanan.

Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga
anak na kalaunan ay inaasam rin na makapagtapos at maging isang produktibong nilalang.

sang katuparang ganap na makita mo ang iyong mga anak na masigasig at matiyagang
nagpupunyagi para sa kanyang pag-aaral. Lahat ng pagod at hirap ay hindi mo mararamdaman
kapag ang kapalit ay ang dedikasyon ng mga anak mo sa kanilang mga akademya.

Dito sa ating lipunan hindi lahat ay nagkakaroon at nabibigyan ng pribilehiyo makapag-aral.


Dahil na rin ito sa maraming aspetong kadahilanan. Nangunguna na rito
ang kahirapan sa buhay.

Ang simpleng abakada at pagsulat man lang ng sariling pangalan ay tunay na napakailap para sa
mga taong isinilang na maralita. Ang pag-aaral na dapat sana ay karapatan ng bawat indibidwal
ay naging isang oportunidad sa isang lipunan ng mga mahirap.

Kapag kayo ay magkaroon ng pera at mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, pagyamanin


at pahalagahan ninyo ito ng buong puso. Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan.

Sa hirap ng buhay na mayroon tayo ngayon, ang pag-aaral lang natin ang tanging kayamanan na
maipapamana sa atin ng ating mga magulang. Totoong mahirap ang maging mahirap ngunit
mas mahirap ang maging mang-mang at walang alam.

You might also like