You are on page 1of 1

21st century learners

Gen Z, pag-asa ba ng bayan?

Katanungang umaalingawngaw sa bibig ng karamihan, may nagmamaliit at may umaasa sa para


sa kaunlaran, hindi natin maipagkakaila ang presyur na pinapasan ng ating kabataan. Sila rin ay nag-aaral
para sa pinapangrap na kinabukasan kaya ating ihinuha kung ang makabagong mag-aaral ba ay
maituturing na saligan ng bayan?

Isa sa mga responsibilidad ng magulang ang pagpapaaral sa anak, walang sinuman ang
gugustuhing maging mangmang sa kamalayan ng buhay sapagkat tayo ay may natural na hangaring
matuto, makihalubilo at tumulong para sa pagbabago.

Mga indibiduwal na lumaki sa panahon ng teknolohiya, sila at maituturing na maswerte sa mata


ng nakakatanda, ngunit ating isa-isip na sa tulong ng bawat tagaturo at matatanda sila ay ating
maihuhulma bilang mga lider at marangal na mamamayan.

Sila ay nangangailangan ng gabay at pag-asa upang maihasa ang kanilang abilidad at kamalayan
sa buhay sapagkat sila ang magpapatuloy sa mga kaalaman na ating na tuklasan ngayon upang ito ay
maipapasa nila sa sumusunod panghenerasyon.

Ang sagot nito ay nasa ating mga isipan, ating bigyan ng lakas ng loob ang Gen Z sa kanilang
paglaki, at pagkikisapalaran sa mundong ating ding kinatatayuan.

You might also like