You are on page 1of 7

BALANGKAS NG ISANG PANUKALANG

PROYEKTO
PAGSASAGAWA NG PROGRAMANG PANTURO
HAVEN FOR WOMEN AND CHILDREN, DEPARTMENT OF
SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT, DAGUPAN CITY,
PANGASINAN

I. PROPONENT NG PROYEKTO

 Mendoza, Hannah Angeli F.

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: “Enter-Turo Project”

III. PONDONG KAILANGAN: ₱15,149.00

IV. RASYONAL

Ang pagsasagawa ng programang panturo sa Department of Social Welfare and

Development Children’s Sector, Dagupan City, ay ang panukalang proyekto na pangungunahan

ni Hannah Angeli Fernandez Mendoza mula sa unang seksyon ng ika-labindalawang baitang,

Humanidades at Agham Panlipunan (12- Humanities and Social Sciences-01) sa asignaturang

Filipino na kasalukuyang hinahawakan ni Bb. Cherrie Joanino ng Colegio de Dagupan, Dagupan

City, Pangasinan.

Ang programang panturo ay maghahanda ng mga makabuluhang mga gawain upang

mahubog nang tama ang mga murang kaisipan ng mga kabataan upang mamulat sila sa

kahalagahan ng sining at edukasyon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Epektibong


makapaghahayag ng proponent ang layunin ng programang ito sa pag-organisa ng mga reading

and writing workshop, storytelling at recreational activities, partikular na roon ang paglulunsad

ng isang puppet show, na magsisilbing highlight ng programa. Plano ng proponent ang paggamit

ng mga lumber wood at pintura para sa paggawa ng stage, at recycled materials para sa paggawa

ng mga puppets at iba pang mga mini-props.

Makatutulong ito para mahasa ng mga bata sa DSWD sector ang kanilang mga kakayahan sa

pagbabasa, pagsusulat, at pagguhit; pati na rin sa pagpapahalaga nila sa larangan ng sining.

Matuturuan din ang mga ito ng mga leksiyon tungkol sa kagandahang-asal, at iba’t-ibang aspeto

ng kulturang Pilipino. Inaasahan rin na sa pamamagitan ng proyektong ito ay mas magkaroon pa

ng kumpiyansa sa sarili ang mga batang makikilahok dito.

V. DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskripsyon

Ang “Enter-Turo Project” ay magsisilbing programa para madisukbre ng mga bata sa

Haven for Women and Children ang kanilang mga natatanging talento sa larangan ng sining at

pati na rin ang kanilang kakayahang magbasa at magsulat na mahalagang matutunan ng bawat

bata. Ipinapakita rito ang kahalagahan ng edukasyon sapagkat ang proponent at iba’t-iba pang

mga volunteers ang mismong magtuturo sa mga batang ito, para ang lahat ay may mapulot na

magandang aral at karanasan sa pagsasagawa ng nasabing programa.


Layunin

Layunin ng programang ito na maitaguyod nang maayos ang “Enter-Turo Project”,

kabilang na rito ang mga aktibidad tulad ng Storytelling, Puppet Show, at Reading and Writing

Workshop, na magsisilbing mga gabay upang mas epektibong matutunan ng mga bata sa bahay-

ampunan ang mga kagandahang-asal at kahalagahan ng kultura at tradisyon ng bansang

Pilipinas, pati na rin ang pagturo sa kanila ng tamang pagbasa at pagsulat. At dahil ang

proponent ay isang mag-aaral na kabilang sa strand na Humanidades at Agham Panlipunan ng

Senior High School ng Colegio de Dagupan, layon din nito na magamit ang lahat ng kanyang

natutunan tungkol sa pagbibigay ng patas na edukasyon para sa lahat.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa mga proyektong ito ang mga sumusunod:

 G. Conrado D. Quintos II – Punong-guro ng Colegio de Dagupan School of Basic

Education

 Senior High School Supreme Student Council ng Colegio de Dagupan

 Artilatura Society ng Humanities and Social Sciences Strand, Colegio de Dagupan

 Mga opisyales ng Haven for Women and Children, Department of Social Welfare and

Development Dagupan City, Pangasinan

 Mga personalidad at LGUs na magbibigay ng taos-pusong pagtulong sa pagsasakatuparan

ng proyekto.

 Mga organisasyong pang-edukasyon tulad ng:


o Feed Me and I Read You Program – naglalayong mabigyan ng mga

masusustansyang pagkain ang mga underpriveleged children, at matulungan din

ang mga ito sa kanilang pagbabasa. Pinangungunahan ito ng kasalukuyang Miss

Universe Philippines na si Bb. Rabiya Mateo.

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Sisimulan ang proyektong ito upang makatulong sa mga batang mahihirap at napag-iwanan

sa bahay-ampunan sa kanilang pag-aaral nang mabuti, pati na rin sa pagbibigay sa kanila ng pag-

asa na maabot ang kanilang mga pangarap at madiskubre pa nila ang kanilang mga natatanging

talento.

Makatutulong din ang pagsasagawa ng programang ito sa ating kapaligiran, sapagkat sa

paggamit ng mga recycled materials tulad ng mga lumang dyaryo at mga plastic para sa paggawa

ng mga puppets na gagamitin para sa mga isasagawang puppet show ng “Enter-Turo Project” ay

makakabawas na rin sa mga pang-araw-araw na basura na nakikita natin sa ating paligid.


VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAGAWIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang mga sumusunod na gawain o

hakbangin:

Petsa Mga Gawain Pangalan (ng kung Lugar/Lokasyon


sino ang gagawa)
Enero 4, 2021 Pagpapasa ng G. Conrado D. Arellano St.,
panukalang proyekto Quintos II., Punong- Dagupan City
sa administrasyon ng Guro ng Colegio de
Colegio de Dagupan Dagupan – School of
– School of Basic Basic Education
Education
Enero 7, 2021 Pagnenegosasyan sa Hannah Angeli Arellano St.,
mga kondisyon na Fernandez Mendoza, Dagupan City
nais mangyari ng Proponent ng
School of Basic proyekto, Mga kasapi
Education ukol sa ng Artilatura Society,
proyekto at G. Conrado D.
Quintos II., Punong-
Guro ng School of
Basic Education
Enero 11, 2021 Pakikipag-ugnayan sa Hannah Angeli Haven for Women
mga opisyales ng Fernandez Mendoza, and Children, Bonuan
Department of Social Proponent ng Binloc, Dagupan City
Welfare and proyekto, at ang
Development, Senior High School
Dagupan City para Supreme Student
makahingi ng Government, sa
pahintulot sa pangunguna ni Ralph
pagsasagawa ng Christian Delos
proyekto Santos, Pangulo ng
SSC.
Enero 12, 2021 Pakikipag-ugnayan sa Hannah Angeli Mga komunikasyong
mga kasangkot na Fernandez Mendoza, pantawag/pansulat,
organisasyon para sa Proponent ng Arellano St.,
pagsasaayos ng Proyekto, Senior Dagupan City
proyekto. High School Supreme
Student Government,
at G. Conrado D.
Quintos II., Punong-
Guro ng Colegio de
Dagupan School of
Basic Education
Enero 21-23, 2021 Pagbibili, Hannah Angeli GECA Construction
paghahanap at Fernandez Mendoza, & Supply, Calasiao,
pagkuha ngmga Proponent ng Pangasinan, NOVO
materyales Proyekto/Taga-Ingat- Department Store,
nakakailanganin sa Yaman ng SHS-SSC, Arellano St.,
proyekto at mga ibang kasama Dagupan City, Nepo
sa Senior High Mall, Arellano St.,
School Supreme Dagupan City, at mga
Student Government tambakan ng basura
ng Colegio de
Dagupan
Pebrero 22-26, 2021 Pagsasagawa at Mga opisyales ng Haven for Women
Pagsasaayos ng mga Haven for Women and Children, Bonuan
pasilidad para sa and Children, mga Binloc, Dagupan City
“Enter-Turo Project” non-profit
organization (gaya ng
“Feed Me and I Read
You Program”),
Hannah Angeli
Fernandez Mendoza,
Proponent ng
Proyekto, at ang
SHS-SSC ng Colegio
de Dagupan
Marso 8-12, 2021 Pagbubukas ng Mga miyembro at Haven for Women
“Enter-Turo Project” opisyales na and Children, Bonuan
bumubuo para sa Binloc, Dagupan City
proyekto na ito
IX. GASTUSIN SA PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang pagsasagawa ng “ENTER-TURO PROJECT” na

programang panturo ng kabuuang halagang ₱15,149.00

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Presyo ng Bawat Presyong


Aytem Aytem (₱) Pangkalahatan (₱)
10 na piraso Plywood ₱450.00 ₱4,500.00
3 boxes Pako ₱30.00 ₱90.00
1 pack (500 pcs/pack) Bond Paper ₱330.00 ₱330.00
2 packs (250 Construction Paper ₱230.00 ₱460.00
pcs/pack)
20 na piraso Karton Wala, sapagkat ang N/A
karton ay kabilang sa
mga recycled
materials na
gagamitin sa
proyekto.
100 na piraso Glue ₱25.00 ₱2,500.00
100 boxes (16 Crayons ₱18.00 ₱1,800.00
colors/box)
100 na piraso Lapis ₱8.00 ₱800.00
100 na piraso Pambura ₱11.00 ₱1,100.00
2 na yarda Tela ₱95.00 ₱190.00
10 na lata Pintura ₱69.00 ₱690.00
100 na piraso Sharpener ₱17.00 ₱1,700.00
12 na piraso Artists’ Paintbrush ₱13.67 ₱164.00
(assorted)
1 na piraso Flat Paintbrush ₱40.00 ₱40.00
1 na piraso Tarpaulin ₱360.00 ₱360.00
5 na box Pushpins ₱34.00 ₱170.00
5 na piraso Permanent Markers ₱35.00 ₱175.00
1 na piraso Storybook ₱80.00 ₱80.00
KABUUANG ₱15,149.00
GASTUSIN

You might also like