You are on page 1of 3

National Service Training Program

Civic Welfare Training Service


AY 2022 2023

Panandaan ng Pag-unawa

Ito ay upang kilalanin na ang mga Mag-aaral ng Pamantasang De La Salle – Manila,


mula sa Seksyon C42B ay isasakatuparan ang proyektong, "BeLasalyano: Forda BKHOA,"
bilang tugon sa mga pangangailangan at suporta sa gawain ng organisayong) “Valenzuela People’s
Organization Network (VALPONET) - BKHOA,” sa komunidad ng Brgy. Paso de Blas, Lungsod
ng Valenzuela. Ito ay kanilang isasakatuparan bilang pagtalima sa pangangailangan ng National
Service Training Program (NSTP) sa pangangasiwa ng NSTP and Formation Office (NFO) at
isasagawa alinsunod sa mga sumusunod na layunin:

____Never Stop Learning____


Pangalan ng Proyekto (Project Activity #1)

Layunin ng Proyekto (Para sa Komunidad):

1) Hikayatin ang mga mag-aaral sa komunidad ng BKHOA na mag-aral


2) Makatulong sa mga magulang sa gastos ng pagbili ng mga “school supplies”
3) Makapagbigay ng de kalidad na mga materyales na gagamitin sap ag-aaral ng mga
mag-aaral

_______BKHOA: Mag-ingay________
Pangalan ng Proyekto (Project Activity #2)

Layunin ng Proyekto (Para sa Komunidad):

1) Makapagbigay ng maayos at de kalidad na ‘sound system’ na gagamitin sa komunidad


2) Matulungan ang organisasyon na maiparating sa kanilang mga miyembro ang kanilang
mga adbokasiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw na ‘sound system’ na
magagamit sa kanilang mga aktibidad
3) Makatulong na paunlarin ang samahan ng VALPONET-BKHOA
_____La Upuang Kabuhayan____
Pangalan ng Proyekto (Project Activity #3)

Layunin ng Proyekto (Para sa Komunidad):

1) Matulungan ang samahan na may magamit na upuan sa tuwing meron silang mga
aktibidad sa komunidad
2) Matulungan ang komunidad na may magamit tuwing magsasagwa ng misa sa BKHOA
3) Matulungan ang Samahan sa kanilang mga adbokasiya

Pangunahing Tungulin ng mga Mag-aaral ng De La Salle:

1) Humanap ng mga “sponsor” o maglunsad ng iba’t-ibang aktibidad upang makakalap


ng mga materyales o pondo upang maisakatuparan ang mga nasabing Proyekto
2) Maihatid sa Samahan ang mga proyektong ilulunsad

Pangunahing Tungulin ng (Pangalan ng Samahan):

1) Siguraduhin na sila ay nasa komunidad sa pagdating ng mga Proyekto galing sa mga


mag-aaral
2) Ingatan ang mga proyektong ibibgay ng mga estudyante at gamitin lamang sa mga
aktibidad ng Samahan

Ang Panandaan ng Pag-unawa ay isinagawa upang makumpirma na ang mga mag-aaral


ng nabanggit na seksyon at kinatawanan ni Bb. Elisha Palo (Presidente/Lider ng Klase) ay
pinanghahawakan ang buong suporta ng VALPONET- BKHOA (pangalan ng organisasyon) bilang
katuwang na organisasyon at sa ilalim ng pagpapatnubay at paggabay ni Bb. Irma L. Olavario
na kanilang NSTP Social Engagement Lecturer, katuwang ang NSTP and Formation Office
(NFO) ng Pamantasang De La Salle, ay nangangakong isasagawa ng buong puso ang kanilang
mga naoprobahang proyektong pangkomunidad at pang-organisasyon.

Na sa pamamagitan nito ay nauunawaan ng buong klase at katuwang na samahan ang


kanilang mga responsibilidad upang maisakatuparan ang mga planong gawain.
At sa pagpapatunay ng lahat ng ito, ang mga katuwang ay nagkakaisa at lumagda ngayong
01 Oktubre 2022, dito sa De La Salle University, Manila.

NILAGDAAN NINA:

Pinuno/Kinatawan ng Klase: Pinuno/Kinatawan ng Organisasyon:

___Bb. Elisha Palo____ Gng. Merlinda N. Cirera / Mylene Galope


(Pangalan at Lagda) (Pangalan at Lagda)

SAKSI AT TAGAPAGPATNUBAY:

NSTP Social Engagement Lecturer: Direktor ng NSTP and Formation Office:

__Bb. Irma L. Olavario__ Mr. Carl G. Fernandez


(Pangalan at Lagda) (Pangalan at Lagda)

You might also like