You are on page 1of 6

Panukalang Magpatayo ng Isang Gusaling Ilalaan Para Sa Mga

Mag-aaral Sa Senior High School ng Central Mindanao University

I. Abstrak
Ang panukalang proyektong ito ay para magpatayo ng isang gusaling
ilalaan para sa mga mag-aaral sa Senior High School ng Central Mindanao University.
May tiyak na layuning ang istraktura at ayos ng gusali ay makakatulong sa mga mag-
aaral na mapahusay ang kanilang pagkatuto, ang gusali ay may kumpletong mga
pasilidad na magbibigay ng mas malalim na kaalaman at totoong buhay na mga
aplikasyon sa bawat mag-aaral, at ang gusali ay idinisenyo sa paraang magbibigay-daan
sa lahat ng mga mag-aaral mula sa iba't-ibang strand na makihalubilo at makipag-usap
sa isa't-isa. Pamumunuan ang proyektong ito ni Dr. Jesus Antonio G. Derije ang
kasalukuyang presidente ng nasababing paaralan. Ang pagpapatayo ng mga gusali para
sa Senior High School ay gagawin ng isang construction company, na may maasahang
enhinyero at arkitekto, pati na rin ang mga manggagawang mabilis magtrabaho. May
kabuuang badget ito na Php 2, 610, 000. 00 para sa sahod ng enhinyero, arkitekto,
manggagawa at sa mga kagamitan na gagamitin sa gusali. Magsisimula ang proyektong
ito sa Disyembre 7, 202 at inaatasan itong matapos sa Disyembre 7 ng susunod na taon.
II. Konteksto
Ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas ang Enhanced Basic
Education Curriculum noong 2013 na naging dahilan ng paglikha ng Senior High
School Program (Estonanto, 2017). Binabago ng programang ito ang mga tao lalong-
lalo na ang mga estudyante, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng kaalaman sa
pamamagitan ng pagtulong sa kanilang pag-aaral at paggabay sa kanila na bumuo ng
mga bagong insight, pati na rin ang pagdebelop ng mga skills o abilidad ng bawat senior
high school na mag-aaral (Orimaco T. S., 2000). Isang gawain ng pamahalaan na
simulan ang maunlad na pagbabago na matulungan ng mga guro ang mga mag-aaral na
paunlarin ang kanilang mga talento, matuto ng mga aral na makakatulong sa kanila sa
pang-araw-araw na pamumuhay at makatuklas ng mga bagong kakayahan sa
pamamagitan ng mga aktibidad na isinasagawa sa silid-aralan. Sa mga bagong uso ng
edukasyon, ang pagpapatupad ng kurikulum ng Senior High School ay nagbigay ng
paraan upang mapahusay at mapaunlad ng higit pa ang mga kasanayan para sa mga
estudyanteng nagtapos ng Junior High School, upang maging dalubhasa sa kanilang
larangan at maging ahente ng pagbabago sa lipunan. Gayon din, ang pagpapatupad ng
senior high school ay naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang
kaalaman at kasanayan na tutulong sa kanila na maghanda nang mas mabuti para sa
napiling landas sa mas mataas na edukasyon, trabaho, o entrepreneurship. Ang
pagdaragdag ng dalawa pang taon o dalawa pang antas ng baitang, Baitang 11 at 12, ay
mas makakapagbigay sa mga mag-aaral ng mga kinakailangang kasanayan, kaalaman,
at pagpapahalagang kailangan para sa isang matagumpay na kinabukasan sa kanilang
mga larangan o kurso (Cogal, 2019). Kaya naman, ang pagpapatayo ng mga gusaling
ilalaan para sa mga mag-aaral sa Senior High School ay kinakailangan, nang sa ganoon
ay mas madali ang proseso ng pag-aaral ng bawat estudyante at sa paraang magbibigay-
daan sa lahat ng mga mag-aaral mula sa iba't-ibang strand na makihalubilo o makipag-
usap sa isa't-isa.
III. Katwiran ng Proyekto
A. Suliranin

Ang bilang ng mga estudyanteng kabilang sa ika-labing isa at ika-


labing dalawang baitang ay umaabot ng mahigit kumulang isang daan bawat baitang
kada taon. Ang nasabing limang taong kontrata ng Central Mindanao University
ukol sa pagkakaroon ng Senior High School ay maaaring madagdagan ng iilan pang
mga taon kung magkakaroon ng gusaling inilaan para sa mga estudyante ito. Ang
paglalagay ng mga estudyante sa iisang gusali ay tulay para sa mas matiwasay na
pagtuturo at matibay na relasyon ng bawat estudyante sa lahat ng mga strand. Sa
ganitong paraan, maipagpapatuloy ng mga guro ang pagawa ng mga propesyonal
na nagmula sa marangal na unibersidad ng Mindanao.

B. Prioridad na Pangangailangan

Kailangan ang pagpapatayo ng gusaling ito sapagkat karapatan ng


bawat estudyante ang maayos at organisadong mga silid na kanilang gagamitin
limang araw bawat lingo hanggang sa sila ay makapagtapos. Ang bagong gusali ay
malayo sa ibang mga colehiyo kung kaya ay hindi mawawala ang konsentrsyon ng
mga mas nakababata. Maliban dito, layunin din ng unibersidad ang pagturo sa mga
estudyanteng magiging pag-asa ng bansang minamahal.

C. Interbensyon

Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga sumusunod na


paraan:

a. Pagkuha ng mga maaasahang enhinyero at arkitekto.


b. Paglalaan ng nararapat na budyet na maaaring galing sa ating gobyerno.
c. Pagkuha ng mga taong maaasahang mamumuhunan sa proyekto.
Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyonan batay sa mga
suhestyon ng mga estudyanteng kabilang sa ika-labing dalawang baitang ng STEM
strand sa Central Mindanao University.

D. Mag-iimplementang Organisasyon

Ang pinakaangkop na organisasyong magsasagawa ng ninanais na


mapatupad na proyekto ay ang General Engineering Services ng unibersidad
sapagkat ang departamentong ito ang direktang nagsasagawa ng kahit anong
proyektong ukol sa mga imprastraktura ng unibersidad, partikular ay ang mga
kabilang sa Infrastructure Services. Batay sa isang masusing pagsasaliksik, ang
departamentong ito ang pinakaangkop na magsagawa ng nasabing proyekto dahil
sila ang lubos na may kakayahang maisakatupan ang hinahangad na bagong gusali
para sa mga estudyante. Ang enhinyerong tatanggap sa proyekto ay lalahukan pa
ng isang arkitekto na parehong magmumula sa Infrastructure Services ng General
Engineering Services na departamento ng Central Mindanao University at nararapat
na may karanasan ang mga ito. Gayun din ay pipili ng mga katuwang na
manggagawa na may sapat na karanasan at kakayahan upang maayos na maisagawa
ang proyekto.

IV. Layunin

Layunin ng panukalang proyektong ito na magpatayo ng isang gusaling


ilalaan para sa mga mag-aaral sa Senior High School ng Central Mindanao University.

Tiyak na layunin nito ang mga sumusunod:


a. ang istraktura at ayos ng gusali ay makakatulong sa mga mag-aaral
na mapahusay ang kanilang pagkatuto;
b. ang gusali ay may kumpletong mga pasilidad na magbibigay ng mas
malalim na kaalaman at totoong buhay na mga aplikasyon sa bawat
mag-aaral; at
c. ang gusali ay idinisenyo sa paraang magbibigay-daan sa lahat ng
mga mag-aaral mula sa iba't-ibang strand na makihalubilo at
makipag-usap sa isa't-isa.

V. Target na Benepisyaryo

Estudyante ng Senior High School ang makikinabang sa proyektong ito.


Ang mga studyanteng ito ay nabibilang sa iba’t-ibang Strand: STEM, ABM, HUMSS,
TVL, at GAS. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng gusaling ilalaan para sa mga
studyanteng ito, ay magdudulot ng isang matiwasay na pagtuturo at matibay na relasyon
ng bawat estudyante sa lahat ng mga strand. Sa ganitong paraan din, ay
maipagpapatuloy ng mga guro ang paggawa ng mga propesyonal na nagmula sa
marangal na unibersidad ng Mindanao.

VI. Implementasyon ng Proyekto


A. Iskedyul

Matutunghayan sa kasunod na talahanayan ag inaasahang oras ng


pagkakadebelop ng proyektong gusali para sa Senior High School:

Iskedyul ng Implementasyon
Mga (May)
Aktibidad Responsibilidad
Simula Katapusan Notasyon

Paggawa ng December 1, December 4, - Enhinyero


bluprint 2021 2021
Paggawa ng December 1, December 3, - Arkitekto
draft sa 2021 2021
disenyo ng
gusali
Pagbili sa December 5, December 7, Dr. Jesus Enhinyero,
materyales ng 2021 2021 Antonio G. Arkitekto
gusali, Derije
kagamitan sa
lahat ng silid-
aralan, at
kagamitan sa
lahat ng
dagdag na
pasilidad
Pagbibigay ng December 31, December 1, Dr. Jesus Dr. Jesus
sahod sa 2021 2022 Antonio G. Antonio G.
enhinyero at Derije Derije
mga
manggawa
Pagbibigay December 31, August 1, 2022 Dr. Jesus Dr. Jesus
sahod sa 2021 Antonio G. Antonio G.
arkitekto Derije Derije
Pagsisimula December 7, December 7, - Enhinyero,
sa 2021 2022 Arkitekto,
konstruksyon manggagawa
ng gusali
Talahanayan 1.0: Iskedyul ng Panukala

B. Alokasyon

Ang kasunod na talahanayan ay magpapakita ng mga resorses na


pagkakagastusan:

Pagkakagastusan
Mga Aktibidad

Sahod/Allowance Ekwipment Iba pa

Paggawa ng 1 enhinyero - -
bluprint (Kasali sa isang taong
sahod)
Paggawa ng 1 arkitekto - -
draft sa disenyo (Kasali sa isang taong
ng gusali sahod)
Pagbili sa Php 1,350,000.00 Science laboratory Semento, graba,
materyales ng equipment, bakal, bubong,
gusali, computer upuan, chalk
kagamitan sa laboratory board, lamesa, at
lahat ng silid- equipment, iba pa.
aralan, at
kagamitan sa
lahat ng dagdag
na pasilidad
Pagbibigay ng Php 1,020,000.00 - -
sahod sa
enhinyero at mga
manggawa
Pagbibigay Php 240, 000. 00 - -
sahod sa
arkitekto
Talahanayan 2.0: Alokasyon ng Panukala

C. Badyet
Narito ang panukalang badyet para sa proyekto:

Pagkakagastuhan Bilang ng Yunit Bayad/Yunit Kabuuang Bayad


Mga materyales ng - Php 800, 000. 00 Php 800, 000. 00
gusali
Mga kagamitan sa - Php 250, 000. 00 Php 250, 000. 00
lahat ng silid-aralan
Mga kagamitan sa - Php 300, 000. 00 Php 300, 000. 00
lahat ng dagdag na
pasilidad (hal.
Science Laboratory,
Computer
Laboratory,
Comfort rooms, at
iba pa)
Sahod ng enhinyero 1 @ 1 na taon Php 80, 000. 00 Php 960, 000. 00

Sahod ng arkitekto 1 @ 8 na buwan Php 30, 000. 00 Php 240, 000. 00

Sahod ng mga 15 @ 1 na taon Php 5, 000. 00 Php 60, 000. 00


manggagawa
Kabuuang Badyet Php 2, 610, 000. 00
Talahanayan 3.0: Badyet ng Panukala

Tala: Hindi na ipinakita ang income statement ng proyekto dahil hindi ito profit-
oriented.

VII. Pagmonitor at Ebalwasyon

Ang kinatawang punong enhinyero ng proyekto ang magsasagawa ng


monitoring at ebalwasyon. Siya rin ang inaatasang magsabi ng mga progreso ukol sa
proyektong isinasagawa sa nakaupong Presidente ng unibersidad. Batay sa naganap na
pagpupulong sa dalawang panig, lingguhan ang gagawing pagmonitor upang
masigurong ginagawa ng lahat ang naatasang gawain at nasusunod ang iskedyul ng
proyekto. Kalakip dito ay nakapag-iskedyul na ng lingguhang pag-uusap ang punong
enhinyero at ang Presidente ng unibersidad.

VIII. Pangasiwaan at Tauhan

Pangalan Designasyon Responsibilidad


Dr. Jesus Antonio G. Pinuno ng proyekto Pinunong nag-aproba sa
Derije panukalang proyekto,
pumil sa maaasahang
construction company,
nag-aproba sa budget para
sa sahod ng enhinyero,
arkitekto, manggagawa, at
pati na rin sa gastusin para
sa materyales na gagamitin
sa gusali.
Punong enhinyero Nangunguna sa
konstruksyon ng gusali,
gayon din ang pabili at
pagpili ng mga materyales
na kakailanganin sa
proyekto.
Punong arkitekto Nangunguna sa
pagdidisenyo ng gusali at
kasama ng enhinyero sa
pagbili ng mga
kinakailangang
materyales.
Talahanayan 4.0: Mga Pangasiwaan at Tauhan ng Panukala

You might also like