You are on page 1of 1

Kakayahang Lingguwistiko - abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng

maayos at makabuluhang pangungusap

Kakayahang Komunikatibo - abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap


batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972)

Noam Chomsky (1965) - Siya ang nagsabing ang kakayahang lingguwistiko ay isanhg
ideyal na Sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika
na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad ba gumamit at makaunawa ng wika.

kakayahang lingguwistiko sa Wikang Filipino

Pangngalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,


pangyayari, at iba pa

Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan

Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita

Pang-uri - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip

Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-


abay

Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa at, pati, ni,
subalit, ngunit)

Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa


na,-ng)

Pantukoy - a.salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (halimbawa si,


ang, ang mga)

Pangawing o pangawil - salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri


(halimbawa ay)

Salitang Pangkayarian - Mga pang-ugnay at pananda

Salitang Pangnilalaman - Mga nominal, pandiwa, at panuring

Mga nominal - Pangngalan at panghalip

Mga panuring - Pang-uri at pang-abay

Mga pang-ugnay - Pangatnig, pang-angkop, pang-ukol

Mga pananda - Pantukoy at pangawing/pangawil

You might also like