You are on page 1of 1

KPWKP MODULE 9.

-Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang kakayahang lingguwistiko


ay
isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika
na nagbibigay
sa kaniya ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.

-Ano ang kakayahang Lingguwistiko ?


Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.

-Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino


Kakabit ng kakayang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng
balarilang Filipino.

-Tinukoy nina Santiago


(1977) at Tiangco ( 2003) ang sampung bahagi ng pananalitaa sa makabagong gramatika
na
napapangkat sa sumusunod:

-A. Mga Salitang Pangnilalaman :


1. Mga nominal :
a. Pangalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayri, at iba pa.
b. Panghalip - pamalit o panghalilii sa pangngalan.
2. Pandiwa � nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.
3. Mga Panuring :
a. Pang-uri � nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghaalip
b. Pang-abay � nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa
pang-abay.

B. Mga Salitang Pangkayarian :


1. Mga Pang-ugnya
a. Pangatnig � nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay ( halimbawa at,
pati,
ni, subalit, ngunit )

b. Pang-angkop- katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan


(halimbawa na,-ng )
c. Pang �ukol � nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita ( halimabwa sa,
ng
)

2. Mga Pananda
a. Pantukoy � salitang laging nangungunna sa pangngalan o panghalip (halimbawa si,
ang , ang mga )
b. Pangawing o Pangawil � salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri
(halimbawa ay )

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong


palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa
ortograpiya
( 1976, 1987, 2002, 2009 ), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
2014
edisyon ng Ortograpiyang Pambansa.

You might also like