You are on page 1of 2

Kakayahang Linggwistiko

Linggwistiko – tawag sa pag-aaral ng wika ng tao.

Kakayahang Linggwistiko
 abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang salita.
Kakayahang Komunikatibo
 abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksyong sosyal.
Kakayahang Linggwistika
 Noam Chomsky (1965)
 Ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao hingil sa gramtika
na nagbibigay sa kaniyang kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika.
Linggwistikong Pagtatanghal (Lingguistic Performance)
 aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa pagsusulat o pagsasalita.
Hal, paggawa ng tula, speech choir, pakikipagtalastsan, talumpati atbp.

Kakayahang Lingguwistiko Sa Wikang Filipino


 Wastong pagkasunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
Santiago (1997) at tiangco (2003)
 Tinukoy nila ang Sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na
napapangkat sa sumusunod.

A. Mga salitang Pangnilalaman

1. Mga nominal
a. Pangngalan – nagsasad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari at iba pa.
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan.
2. Pandiwa
 Nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.
3. mga panuring
a. pang-uri – nagbibigay turing o larawan sa pangngalan at panghalip.
B. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at pang-
abay

b. Mga salitang pangkayarian

1. Mga pang-ugnay
a. pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
Hal, at, pati, ni, subalit. Ngunit)
b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salita
Hal, na, -ng

c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang halimbawa (sa, ng)

2. Mga pananda

a. Pantukoy – salitang nangunguna sa pangngalan o panghalip.


HAL, si ,ang, ang mga.

B. pangawing o pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri


HAL, AY

You might also like