You are on page 1of 2

Educational Technology is the study and ethical practice

of facilitating learning and improving performance by creating,


using, and managing appropriate technological processes and
resources.

Instructional Technology
* Instructional Technology is derived from behavioral and
cognitive sciences
* Instructional Technology process is systematic
* Instructional Technology places emphasis on the process of
learning
* Instructional Technology focus is on the design and
development of effective instruction

Bahagi ng pananalita

Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita na


pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng
bahaging panleksikong tinutukoy.

Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos ay may sampung bahagi ng


pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy,
pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa
Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang
siyang saligan ng wikang pambansa.

Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na


ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa
Matandang Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O.
Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng
pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)

1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga
salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at
kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)


a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit
bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.

Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't


higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga
kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay,
pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like