You are on page 1of 1

Ang bahagi ng pananalita / panalita (Part of speech), o kauriang panleksiko, ay isang

lingguwistikong kaurian ng mga salita na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng


sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.

Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at


Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Sinimulan
itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon
ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.

Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon


bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila.
Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:

A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)

1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa
nito pang-abay

B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)


a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri

Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin)
sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang
kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.

Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa
itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko.
Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like