Professional Documents
Culture Documents
AWIYAO
AWIYAO
by Amador Daguio
Introduction
Scene I
Awiyao:
Ako’y mapalad sapagkat aking kabiyak ang pinakamahusay na mananayaw ng tribu. Hindi na ako makapaghintay pa
na bumuo ng pamilya kasama ka, aking asawa.
Lumnay:
Gayon din ako, aking mahal. Hindi matutumbasan ng ginto, ng lupain, at ani ang ating pag-ibig. Pag-sisilbihan kita,
aalagaan, ibibigay ko sa iyo ang pamilyang pinapangarap mo.
Awiyao:
Dito, dito ko itatayo an gating bahay. Payak man ito pero pupunuin natin ito ng pag-ibig at magandang alaala. At
doon, nakikita mo ba ang malawak na lupain na yon? Pupunuin ko ito ng mga tanim. Hindi ko hahayaan na magutom
ka. Hindi ko hahayaan na magutom ang ating mga supling.
Lumnay:
Magiging saksi ang araw at mga bituin sa ating pag-ibig- pag-ibig na kasinglakas ng agos ng ilog, sing puro ng tubig sa
bukal, sing tatag ng tradisyon ng ating tribu.
Scene II (Tribu)
Pitong taon!
Pitong taon na ang lumipas matapos mag-isang dibdib sina Lumnay at Awiyao.
Kabunyan, dinggin mo ang aking matagal nang panalangin. Buong puso ko itong isinasamo sa iyo. Nawa’y pagbigyan
ang hiling ko. Ginawa ko ang lahat upang ako’y maging karapat-dapat. Upang hindi ako magkulang bilang asawa,
subalit may nais ang aking kabiyak na hindi ko mapunan.
Kailangan ko ang maging ina. Biyayaan mo ang aming pagsasama ng anak, na magpapatuloy sa aming nasimulan.
Tanggapin mo ang mga prutas na ito bilang handog upang dinggin mo ang aking panalangin.
Awiyao:
Lumnay, aking asawa, narito ang matandang pinuno ng ating tribu. Nais tayong makausap.
Pinuno:
Ikinalulungkot ko ang sinapit ng inyong pagsasama. Sampung taon na ang lumipas at hindi nagbunga ang inyong pag-
ibig. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang tradisyon ng ating tribu na matagal na pinangalagaan ng ating mga ninuno.
Dangal, kayamanan at tungkulin ng lalaki ang magkaroon ng anak. Kung hindi man ito maibibigay sa unang asawa, ay
kailangan niyang humanap ng kabiyak na tutulong sa kanya na gampanan ang tungkuling ito – tungkulin sa ating
tribu, tungkulin sa ating tradisyon. Kaya isinama ko si Madulimay.
Madulimay:
Awiyao:
Hindi ko kayang iwan ang aking mahal na asawa.
SC#1:
Ngunit ayon sa tradisyon na ating kinagisnan, kailangan mong makasal sa iba upang magkaroon ng tagapagmana.
Pinuno:
Kaya’t si Madulimay ang aming napili upang ika’y tulongan at gampanan ang tungkuling ito. Sa gabing ito gaganapin
ang inyong pag-iisang dibdib ni Madulimay.
Awiyao:
SC#2:
Ipagpaumanhin mo Lumnay, ngunit ito lamang ang nararapat gawin upang si Awiyao ay magkaroon ng anak.
Pinuno:
Kung gayon kami ay aalis na upang kayo ay makapagsarilinan. At ika’y maghanda na sa gaganaping kasal niyo ni
Madulimay.
Awiyao:
Ikinalulungkot ko na kailangan ‘tong mangyari. Patawarin mo ako. Ngunit, wala na tayong magagawa.
Bakit hindi ka lumabas? At sumali sa sayawan ng mga kababaihan? Dapat kang sumali sa kanila, na – na parang
walang nangyari.
Kung hindi mo talaga ako kinasusuklaman sa hiwalayang ito, sumali ka at sumayaw sa labas. Malay mo, makahanap
ka ng lalaking para sayo.
Lumnay:
Hindi ko gusto ng ibang lalaki, hindi ko nais ang kahit sino pang ibang lalaki.
Awiyao:
Batid mo rin naman na ayoko rin ng kahit sino mang babae. Alam mo yan hindi ba?
Lumnay:
Awiyao:
Wala akong pagkakamali, hindi mo ako masisisi, naging mabuting asawa ako sa’yo.
Lumnay:
Awiyao:
Naging mabuti ka sakin. Naging mabuti kang asawa. Wala na akong masasabi sa’yo. Kailangan lang talaga ng lalaki
na magkaroon ng anak. Ang pitong gapasan ay sadyang napakatagal para hintayin.
Oo, ang tagal-tagal nga nating naghintay. Kailangan pa natin ng isa pang pagkakataon bago pa mahuli ang lahat sa
ating dalawa.
Lumnay:
Alam mong ginawa ko ang lahat! Taimtim akong nagdasal kay kabunyan, nag-alay ng napakaraming manok sa aking
pagsamo.
Lumnay:
Naalala mo ba? Kung paano ka nagalit noong kinatay ko ang isa sa mga baboy ng walang paalam? Ginawa ko iyon
para malugod si kabunyan!
Awiyao:
Pumunta ako rito upang sabihin sayo na ikasal man ako kay Madulimay, ay wala ng makahihigit pa sayo Lumnay,
hindi siya kasing galing mo, mahina siya sa pagtatanim ng mga buto, mabagal siya sa paghuhugas ng mga banga, at
hindi siya gaano magaling sa paglilinis ng bahay, hindi gaya mong magaling sa lahat ng bagay, isa ka sa
pinakamahusay na asawa dito sa ating nayon.
Lumnay:
Ngunit hindi sapat ang pagiging asawa lang, kahit ako man ang pinaka mahusay. Hindi ito sapat kailangan kong
manging ina. At hindi ko kayang ibigay iyon sayo.
Awiyao:
At sana’y ito’y iyong maunawaan, Lumnay, itong bahay na ito ay sa iyo na, itinayo ko ito para sa iyo, kaya
pagmamayari muna ito, manirahan ka dito hangga’t gusto mo. Igagawa ko na lang bahay si Madulimay.
Lumnay:
Awiyao:
Ibibigay ko sa iyo ang aking bukid na hinukay mula bundok nong unang taon ng ating pagsasama. “Alam mong
ginawa ko iyon para sa’yo. Tinulungan mo akong gawin iyon para sa ating dalawa.
Lumnay:
Lumnay:
Bumalik kana sa sayaw, hindi tama ang pagpunta mo rito, magtataka sila kung na saan ka at baka sumama ang loob
ni Madulimay sa iyo. Kaya bumalik kana.
Awiyao:
Mas gagaan ang aking pakiramdam kung ikaw ay dadalo at sasayaw sa huling pagkakataon.
Lumnay:
Awiyao:
Lumnay… Lumnay, alam mong ginawa ko ito para magkaroon ng anak at alam mong walang silbi ang buhay kong
wala kang anak. Isa itong kahihiyan para sa akin, alam mo iyon.
Lumnay:
Lumnay:
Awiyao, Awiyao, aking asawa. Ginawa ko ang lahat para magkaanak. Tumingin ka sa akin! Tumingin ka sa aking
katawan, ito’y puno ng pangako. Kaya kung sumayaw, kaya kong magtrabaho ng mabilis sa bukirin, kaya kong
umakyat sa bundok ng mabilis. Ikamamatay ko ang Makita kang may kasamang iba.
Awiyao:
Lumnay:
Wala akong pakialam sa mga bukirin, hindi ko kailangan ng bahay, wala na akong kailang kundi ikaw, ikaw Awiyao,
wala ng iba.
Awiyao:
Maging ako ay walang ninanais pang iba. Kundi ikaw lamang aking sinta, pero wala tayong magagawa sapagkat ito
ang pasya ng lahat.
Lumnay:
Awiyao:
Pakatapos ay ano? Ako’y iyong kamumuhian? Lumnay, aking iniirog, isipin mo ang panahong lumipas, na tayong
dalawa ang bumagtas, nawa’y ito’y maging insperasyon para buhay mo’y magpatuloy.
Kung hindi ko susubukan sa pangalawang pagkakataon, nangangahulugang ito na mamamatay ako. Walang
magmamana ng aking mga bukirin na aking inukit mula sa mga bundok, walang sino mang susunod sa akin.
Lumnay:
Kung, kung mabigo ka sa pangalawang pagkakataon. Ako’y balikan, ika’y bukas palad kong tatanggapin.
Awiyao:
Kung mabigo man ako, babalik ako sa iyo, sabay tayong mamamatay, sabay nating lisanin ang mundo.
Lumnay:
Ang aking kwentas, Awiyao, hayaan mo akong itago ang aking kwentas.
Awiyao:
Itatago mo ang kwentas, matagal na panahong nagdaan, sabi ng aking lola iyon ay galing pa sa hilaga mula sa mga
taong nakatira sa ibayong dagat. Itago mo ang kwentas Lumnay.
Lumnay:
Itatago ko ang kwentas, sapagkat ito ay simbolo ng iyong pagmamahal sa akin. Mahal kita, mahal kita at wala na
akong maibibigay pa.
SC#3:
Awiyao:
SC#3:
Ang mga matatanda ay magagalit sayo, kaya’t mabuti pa’y pumunta kana.
Awiyao:
Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa aking magiging maayos ka sa aking paglisan.
Lumnay:
Paalam, Awiyao.
Awiyao:
Paalam
Lumnay:
Awiyao!