You are on page 1of 31

Wedding Dance by

Amador Daguio
Tagalog version Script
Monday, 22 April 2019

Wedding Dance
by Amador Daguio
Script translated by MsFutureEd

Introduction
Ang bansang pilipinas
Mayaman at saganang likas
Kultura at tradesyon ang mamamalas
Nagmula pa sa mga ninunong nagsipag wakas.
Isa sa paniniwalang ito
Kahit ngayon ay mamamalas niyo
Ngayong hapong ito, inyong tunghayan
Ang isang kasaysayang pag-iibigan
Na hindi man pinalad magpatuloy
Ngunit ang pag-ibig sa mga puso’y nananaghoy.

Scene I

Awiyao:
Ako’y mapalad sapagkat aking kabiyak ang pinakamahusay na mananayaw ng tribu. Hindi na
ako makapaghintay pa na bumuo ng pamilya kasama ka, aking asawa.

Lumnay:
Gayon din ako, aking mahal. Hindi matutumbasan ng ginto, ng lupain, at ani ang ating pag-ibig.
Pag-sisilbihan kita, aalagaan, ibibigay ko sa iyo ang pamilyang pinapangarap mo.

Awiyao:
Dito, dito ko itatayo an gating bahay. Payak man ito pero pupunuin natin ito ng pag-ibig at
magandang alaala. At doon, nakikita mo ba ang malawak na lupain na yon? Pupunuin ko ito ng
mga tanim. Hindi ko hahayaan na magutom ka. Hindi ko hahayaan na magutom ang ating mga
supling.

Lumnay:
Magiging saksi ang araw at mga bituin sa ating pag-ibig- pag-ibig na kasinglakas ng agos ng
ilog, sing puro ng tubig sa bukal, sing tatag ng tradisyon ng ating tribu…

Scene II (Tribu)

Pitong taon!
Pitong taon na ang lumipas!
Pitong taon na ang lumipas matapos mag-isang dibdib sina Lumnay at Awiyao.
Subalit wala! Wala!
Subalit hindi! Subalit hindi nagbunga ang kanilang pag-ibig.
Hindi namukadkad ang mga talulot.
Hindi nahukay ang mga ugat.
Hindi namunga ang mga punong kahoy.
Subalit wala. Walang buhay na nabuo, sa pitong taong pag-ibig.

Scene III (Panalangin ni Lumnay)

Lumnay: (Nakaluhod at nagdadasal)

Kabunyan, dinggin mo ang aking matagal nang panalangin. Buong puso ko itong isinasamo sa
iyo. Nawa’y pagbigyan ang hiling ko. Ginawa ko ang lahat upang ako’y maging karapat-dapat.
Upang hindi ako magkulang bilang asawa, subalit may nais ang aking kabiyak na hindi ko
mapunan.
Kailangan ko ang maging ina. Biyayaan mo ang aming pagsasama ng anak, na magpapatuloy sa
aming nasimulan. Tanggapin mo ang mga prutas na ito bilang handog upang dinggin mo ang
aking panalangin.

Scene IV (Ang tradisyon)

Awiyao:
Lumnay, aking asawa, narito ang matandang pinuno ng ating tribu. Nais tayong makausap.

Pinuno:
Ikinalulungkot ko ang sinapit ng inyong pagsasama. Sampung taon na ang lumipas at hindi
nagbunga ang inyong pag-ibig. Hindi lingid sa inyong kaalaman ang tradisyon ng ating tribu na
matagal na pinangalagaan ng ating mga ninuno. Dangal, kayamanan at tungkulin ng lalaki ang
magkaroon ng anak. Kung hindi man ito maibibigay sa unang asawa, ay kailangan niyang
humanap ng kabiyak na tutulong sa kanya na gampanan ang tungkuling ito – tungkulin sa ating
tribu, tungkulin sa ating tradisyon. Kaya isinama ko si Madulimay.

Madulimay:
Narito ako upang ika’y paglingkuran, mga pagkukulang aking pupunan.

Awiyao:
Hindi ko kayang iwan ang aking mahal na asawa.

SC#1:
Ngunit ayon sa tradisyon na ating kinagisnan, kailangan mong makasal sa iba upang magkaroon
ng tagapagmana.

Pinuno:
Kaya’t si Madulimay ang aming napili upang ika’y tulongan at gampanan ang tungkuling ito. Sa
gabing ito gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib ni Madulimay.

Awiyao:
Pinuno, hayaan niyo muna kaming makapag-usap ng aking asawa.

SC#2:
Ipagpaumanhin mo Lumnay, ngunit ito lamang ang nararapat gawin upang si Awiyao ay
magkaroon ng anak.

Pinuno:
Kung gayon kami ay aalis na upang kayo ay makapagsarilinan. At ika’y maghanda na sa
gaganaping kasal niyo ni Madulimay.

Scene V (Pag-iisang dibdib ni Awiyao at Madulimay)

Awiyao:
Ikinalulungkot ko na kailangan ‘tong mangyari. Patawarin mo ako. Ngunit, wala na tayong
magagawa.
Bakit hindi ka lumabas? At sumali sa sayawan ng mga kababaihan? Dapat kang sumali sa kanila,
na – na parang walang nangyari.
Kung hindi mo talaga ako kinasusuklaman sa hiwalayang ito, sumali ka at sumayaw sa labas.
Malay mo, makahanap ka ng lalaking para sayo.

Lumnay:
Hindi ko gusto ng ibang lalaki, hindi ko nais ang kahit sino pang ibang lalaki.

Awiyao:
Batid mo rin naman na ayoko rin ng kahit sino mang babae. Alam mo yan hindi ba?

Lumnay:
Oo, batid ko iyon.

Awiyao:
Wala akong pagkakamali, hindi mo ako masisisi, naging mabuting asawa ako sa’yo.

Lumnay:
Hindi mo rin ako masisisi.

Awiyao:
Naging mabuti ka sakin. Naging mabuti kang asawa. Wala na akong masasabi sa’yo. Kailangan
lang talaga ng lalaki na magkaroon ng anak. Ang pitong gapasan ay sadyang napakatagal para
hintayin.
Oo, ang tagal-tagal nga nating naghintay. Kailangan pa natin ng isa pang pagkakataon bago pa
mahuli ang lahat sa ating dalawa.

Lumnay:
Alam mong ginawa ko ang lahat! Taimtim akong nagdasal kay kabunyan, nag-alay ng
napakaraming manok sa aking pagsamo.
Awiyao: Oo, alam ko yun.

Lumnay:
Naalala mo ba? Kung paano ka nagalit noong kinatay ko ang isa sa mga baboy ng walang
paalam? Ginawa ko iyon para malugod si kabunyan!
Dahil sa mahal kita!
Dahil sa gusto kong magkaanak!
Dahil gusto kitang bigyan ng anak!
Pero anong magagawa ko!

Awiyao:
Hindi tayo nakatadhanang biyayaan ng anak ni kabunyan.
Pumunta ako rito upang sabihin sayo na ikasal man ako kay Madulimay, ay wala ng makahihigit
pa sayo Lumnay, hindi siya kasing galing mo, mahina siya sa pagtatanim ng mga buto, mabagal
siya sa paghuhugas ng mga banga, at hindi siya gaano magaling sa paglilinis ng bahay, hindi
gaya mong magaling sa lahat ng bagay, isa ka sa pinakamahusay na asawa dito sa ating nayon.

Lumnay:
Ngunit hindi sapat ang pagiging asawa lang, kahit ako man ang pinaka mahusay. Hindi ito sapat
kailangan kong manging ina. At hindi ko kayang ibigay iyon sayo.

Awiyao:
At sana’y ito’y iyong maunawaan, Lumnay, itong bahay na ito ay sa iyo na, itinayo ko ito para
sa iyo, kaya pagmamayari muna ito, manirahan ka dito hangga’t gusto mo. Igagawa ko na lang
bahay si Madulimay.

Lumnay:
Hindi ko kailangan ng bahay.

Awiyao:
Ibibigay ko sa iyo ang aking bukid na hinukay mula bundok nong unang taon ng ating
pagsasama. “Alam mong ginawa ko iyon para sa’yo. Tinulungan mo akong gawin iyon para sa
ating dalawa.

Lumnay:
Wala akong paggagamitan sa ating bukid.

Lumnay:
Bumalik kana sa sayaw, hindi tama ang pagpunta mo rito, magtataka sila kung na saan ka at baka
sumama ang loob ni Madulimay sa iyo. Kaya bumalik kana.

Awiyao:
Mas gagaan ang aking pakiramdam kung ikaw ay dadalo at sasayaw sa huling pagkakataon.

Lumnay:
alam mo na hindi ko magagawa iyon.

Awiyao:
Lumnay… Lumnay, alam mong ginawa ko ito para magkaroon ng anak at alam mong walang
silbi ang buhay kong wala kang anak. Isa itong kahihiyan para sa akin, alam mo iyon.

Lumnay:
Alam ko, ipapanalangin ko na biyayaan kayo ni kabunyan.

Lumnay:
Awiyao, Awiyao, aking asawa. Ginawa ko ang lahat para magkaanak. Tumingin ka sa akin!
Tumingin ka sa aking katawan, ito’y puno ng pangako. Kaya kung sumayaw, kaya kong
magtrabaho ng mabilis sa bukirin, kaya kong umakyat sa bundok ng mabilis. Ikamamatay ko ang
Makita kang may kasamang iba.

Awiyao:
Hindi mo iyon gagawin. Hindi ka mamamatay.

Lumnay:
Wala akong pakialam sa mga bukirin, hindi ko kailangan ng bahay, wala na akong kailang kundi
ikaw, ikaw Awiyao, wala ng iba.

Awiyao:
Maging ako ay walang ninanais pang iba. Kundi ikaw lamang aking sinta, pero wala tayong
magagawa sapagkat ito ang pasya ng lahat.

Lumnay:
Babalik ako sa aking ama, mamamatay ako.

Awiyao:
Pakatapos ay ano? Ako’y iyong kamumuhian? Lumnay, aking iniirog, isipin mo ang panahong
lumipas, na tayong dalawa ang bumagtas, nawa’y ito’y maging insperasyon para buhay mo’y
magpatuloy.
Kung hindi ko susubukan sa pangalawang pagkakataon, nangangahulugang ito na mamamatay
ako. Walang magmamana ng aking mga bukirin na aking inukit mula sa mga bundok, walang
sino mang susunod sa akin.

Lumnay:
Kung, kung mabigo ka sa pangalawang pagkakataon. Ako’y balikan, ika’y bukas palad kong
tatanggapin.

Awiyao:
Kung mabigo man ako, babalik ako sa iyo, sabay tayong mamamatay, sabay nating lisanin ang
mundo.
Lumnay:
Ang aking kwentas, Awiyao, hayaan mo akong itago ang aking kwentas.

Awiyao:
Itatago mo ang kwentas, matagal na panahong nagdaan, sabi ng aking lola iyon ay galing pa sa
hilaga mula sa mga taong nakatira sa ibayong dagat. Itago mo ang kwentas Lumnay.

Lumnay:
Itatago ko ang kwentas, sapagkat ito ay simbolo ng iyong pagmamahal sa akin. Mahal kita,
mahal kita at wala na akong maibibigay pa.

SC#3:
Awiyao! Awiyao! O Awiyao, hinahanap ka na nila sa sayaw.

Awiyao:
Hindi ako nagmamadali.

SC#3:
Ang mga matatanda ay magagalit sayo, kaya’t mabuti pa’y pumunta kana.

Awiyao:
Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa aking magiging maayos ka sa aking paglisan.

Lumnay:
Paalam, Awiyao.

Awiyao:
Paalam

Lumnay:
Awiyao!
Sa Pula, Sa Puti Ni Francisco "Soc" Rodrigo

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang
iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang
mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para
sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw,
sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na
akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga
bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan
kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng
pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso
ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan,
nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta
na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang
kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala
tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol
sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag
hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-
iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan
kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing!
Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito.
Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin
ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang
pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam
kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala
akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit
madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay
umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay
pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si
Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya
nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit
ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa
tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating
ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila
walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok
ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng
sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng
sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay
ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y
natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim
ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at
nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas
tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang
lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo
kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo
sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at
masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa
sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging
nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit
nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin
sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina
ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa,
ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na
iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit
ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang
makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya,
ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka
sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha?
Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita
ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali.
Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot.
Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking
asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat
minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang
araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at
baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong
kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang
nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas,
samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o
matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang
pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok
ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang
aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina
Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng
ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-
uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na
siya magsasabong.)
WALANG SUGAT

(Ni Severino Reyes)

Unang Bahagi

I TAGPO

(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro

ang daliri’y natitibo,

kapag namali ng duro

burda nama’y lumiliko.

Julia : Anong dikit, anong inam

ng panyong binuburdahan,

tatlong letrang nag-agapay

na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik

tumitimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot

panyong ito’y iaabot,

kalakip ang puso’t loob,

ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighani

sa dikit ng pagkagawa

mga kulay na sutla,

asul, puti at pula.


Panyo’y dito ka sa dibdib,

sabihin sa aking ibig

na ako’y nagpapahatid

isang matunog na halik

Koro : Ang karayom kung iduro

ang daliri’y natitibo.

Hoy tingnan ninyo si Julia

pati panyo’y sinisinta,

kapag panyo ng ibig

tinatapos na pilit

nang huwag daw mapulaan

ng binatang pagbibigyan:

ang panyo pa’y sasamahan

ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig

kapag namugad sa dibdib

nalilimutan ang sakit

tuwa ang gumigiit.

Mga irog natin naman

sila’y pawang paghandugan

mga panyong mainam

iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot

panyong ito’y iaabot

kalakip ang puso’t loob

ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan

ng binatang pagbibigyan

ang panyo pa’y sasamahan


ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magsisikanta.)
(Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Salitain

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya…

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang?…ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na

hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,

ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (Sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor).

(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin!

Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako
nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong
ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.


Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F, ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga
taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis
maraming butil at nang nag-aalab na magsasalita.)

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay ….
sinungaling ako…mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si
Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juling poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang
mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay : Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh!
(Tenyong) niyaring buhay (Julia) di na maalaalang may kabilang buhay…. (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)

Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)

(Lalabas si Lukas)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?


Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyatat dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.\

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…(Magsisipasok sina Juana, Julia, Magtapis
ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutungunan
kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa
bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas!

(Telong Maikli)

Kalye

IV TAGPO

(Musika)

Koro at Lukas

Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae na kami.

Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag kayong malumbay…kami’y nasasa bahay at nahahandang tunay, laan sa lahat ng
bagay….

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming babae’y pabayaan, di namin kayo
kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat : Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.
Mga Babae: Tayo, tayo na.

Lahat : Sumakay sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat : Ating hihintin. (Papasok lahat)

(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas.)

(Ang mga prayle at si Marcelong Alkalde.)

Salitain

Relihiyoso 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao ito…

Marcelo : Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K,
cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C
pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng
rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa
akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo,
maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing; isang
linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban
an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha.

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at
makalima po sa isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri).
Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?


Marcelo: Walo po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso 1.0: Bakit ganoon? (gulat).

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitang Innggo ay pinagsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si
Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang
dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw
papaluin at ibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, Among

(Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2, 3, 4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana: Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw
kami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga,
kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay
ay hindi na dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay
pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana: Totoo po ang sabi mo.

P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming
mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia…ay..ma…ma…malapit na po….

Julia: Alin po ang malapit na?


Miguel: Ang…ang…ang…

Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa)

Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?

Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel: Sinabi ko pong malapit na….

Tadeo: Malapit na ang alin?

Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata….

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.

(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.)

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde
na huwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin: Salamat po, among.

Relihiyosa 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang
mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin: Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay
hindi at ang mga ibang lalaki.)

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la
Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la
provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare.)


VII TAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso.)

Salitain

Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong….namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong
maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling
patayin na ngang tuluyan. (Sarili). Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo!
Nakalulunos ang kamangmangan!

(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)

Putin: Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia: Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ang
sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa
Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag
ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo: Huwag na….anak ko….hindi na maaari…luray luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na


walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pabayaan ang inang mo!

Putin, ay Putin…Juana-Julia…kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila….Ang kaluluwa ko’y
inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang
pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…”)

Musika No. 2

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat
ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa
Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag
namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng
prayle, isa sa kikitil.
Julia: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto
sampung taba, di makababayad sa utang na madla.

(Mga babae’t lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay amang ng mga taong hunghan…..Ang
awa’y nilimot sa kalupitan….

Lalaki’t babae: Wari mukha nang bangkay….

Salitain:

Tenyong: Inang, masdan mo po….at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan mo’t
naghihingalo….Tatang, tatang….

Putin: Inggo ko..Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)

(Telong Maikl

VIII TAGPO

(Sila ring lahat , wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos.)

Salitain.

Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip
ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y
parang pinipintpit sa palihang bakal!

(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!

(Papasok lahat)

IX TAGPO

(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia.)

Salitain.

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.

Isa: Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa: Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.


Isa: Nalalaman mo bang sila’y mangagsisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin daw nila sa
Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa: Mga tampalasan.

Isa pa: Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia)

Julia: Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia: Diyata’t matitiis, na ina’y lisanin mo sa kahapishapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y
walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na
bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mong
parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia: Oo nga, Tenyong, nguni’t hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di
maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia,
tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin
ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang
himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon
na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong
daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na
kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyang
may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang ito’y aking isasabit sa
tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga
panganib. /Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga
sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia: Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia: Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.


Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata sa
pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib,
sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na
ako!

Julia: Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juling aking sinta!

Julia: Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.)

Julia: (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (Papasok)

X TAGPO

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa


loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko-Perdon! Walang utang
na di pinagbayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren.)

(Telon)

Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi

I TAGPO

(Bahay ni Julia)

(Julia at Juana)

Salitain

Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan
nang mainam.

Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana: Bakit ba ganiyan ang sagot mo?

Julia: Wala po!

Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang
hahangarin mo?

Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po
ay….

Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.


Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong pusu-puso ang
sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking nangingibig , ay tinatatanggap ng mga
mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba
na, nagbago nang lahat and lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng
mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t ngayo’y
iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon , ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap
ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng
isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang
katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana: Siyang tunay!

Julia: Ako po’y hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat
na udyok ng aking puso.

Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka nang iba.

Julia: Wala po!

Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili
ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung
mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

(Papasok)

Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO

(Julia at Monica)

Salitain

Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia: Halika-Lalabas si Monica)

Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya;

madali ka…..

Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO

(Julia-mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)

Musika
Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,

diyata' ako’y iyong natiis

na hindi mo na sinilip

sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,

tubusin sa kapanganiban,

huwag mo akong bayaang

mapasa ibang kandungan.

Halika, Tenyong, halika,

at baka di na abutin

si Julia’y humihinga pa…

papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin

itong iyong nalimutan

ang bangkay ay dalhin na lamang

sa malapit na libingan.

Huling samo, oh! Tenyong,

kung iyo nang maibaon

sa malungkot na pantiyon,

dalawin minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…

datapwa’t na pakalumbay lamang…

Julia: (Gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?

Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa….Marunong kang pumili,
Miguel.
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among.

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana: Mabuti po among.

Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel: Baka po ako murahin ah!

May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni
Aling Juana:”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay
Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at
pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.

Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta
nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin
at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng
labanan.

Ikatlong Bahagi

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi
sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng
dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay
nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si
Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina
Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.

Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay

buong lakas nitong isigaw ang “Hin

di po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng
Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong.
Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila ni Julia ay makasal. Galit man si Juana ay
pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayun din si
Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin
ang isinigaw ng lahat.

Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

You might also like