You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

GAWAING PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO 9


IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalawang Linggo
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
MAYO 24-28, 2021

Pangalan ng Mag-aaral: ______________________________________


Grade Level/ Section ______________________________________
Petsa: ______________________________________

A. Susing Konsepto
A. Naitatala ang nalikom na datos sa nabasang teksto.
B. Nalalagom ang mahahalagang impormasyong nasaliksik para sa sariling pagpapakahulugan at gamit.
C. Nagagamit ang mga angkop sa ekspresyon sa paglalarawan at paglalahad ng sariling pananaw.

PAUNAWA!!! Dito magsasagot! Salamat.

B. Mga Gawain

MGA PAGSASANAY
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot
1. Ano ang kahulugan ng Noli Me Tangere?
A. Huwag mo akong kausapin. C. Huwag mo akong sisihin.
B. Huwag mo akong salingin. D. Huwag mo akong subukan.

2. Anong aklat ang nagbigay -inspirasyon kay Dr. Jose Rizal upang isulat ang Noli Me Tangere?
A. El Filibusterismo C. The Odyssey
B. The Divine Comedy D. The Wandering Jew

3. Saang bansa sinimulang isulat ni Rizal ang una niyang nobela?


A. Alemanya C. Japan
B. Espanya D. Paris

4. Sino ang nagpahiram ng salapi kay Dr. Jose Rizal upang maipalimbag ang naturang nobela?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt C. Maximo Viola
B. Fray Rodriguez D. Tenyente Jose Taviel

5. Kailan naipalimbag ang 2000 sipi ng Noli Me Tangere?


A. Marso 21, 1887 C. Pebrero 21, 1887
B. Marso 29, 1887 D. Pebrero 29, 1887

Pagsasanay Blg. 1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Naglakas-loob paghihirap kasamaan maihayag inilantad

_______________1. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng
pagbabago para sa bayan.
_______________2. Sinulat niya ang Noli Me Tangere sa paglalayong maisiwalat ang kabuktutan at pagmamalupit ng
mga Espanyol at gisingin ang natutulog na damdamin ng kanyang mga kababayan.
_______________3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
_______________4. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling sistema ng pamamalakad ng mga
Espanyol sa bansa.
_______________5. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pangaabuso ng mga dayuhan sa
bansa.

Pagsasanay Blg. 2
Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may akda kung bakit niya isinulat ang Noli Me Tangere batay sa
pahayag na kanyang winika. Piliin ang sagot sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
_______1. Ang kanyang layunin kung bakit pinangahasan A. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino
niyang gawin ang di- tinangkang gawin ng sinumang Pilipino B. Upang sagutin ang mga paninirang- loob na matagal nang
_______2. Dahilan kung bakit inilantad niya ang mga panahong ikinulapol sa mga Pilipino
pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon C. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at
_______3. Dahilan kung bakit iniangat niya ang tumatabing sa nakasisilaw na pangako ng pamahalaan
maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol D. Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at
_______4. Dahilan kung bakit nais niyang ipaunawa sa nagmamalupit sa mga Pilipino
kanyang mga kababayan ang kanilang mga kahinaan at E. Upang matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang
kapintasan instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan upang
_______5. Dahilan kung bakit ipinakilala niya ang kaibahan ng malinlang ang mga Pilipino
tunay at ditunay na relihiyon

Pagsasanay Blg. 3
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na paliwanag sa sumusunod na pahayag:

1. Ang Noli Me Tangere ay hango sa Banal na Aklat na nangangahulugang “Huwag mo akong Salingin.” Bakit ito
ang napiling ipamagat ng ating bayani sa kanyang unang nobela?
A. Isang taong relihiyoso si Rizal kaya hango sa Bibliya ang pamagat niya.
B. Ang mga bagay na nakapaloob sa nobela ay napakaselan kaya’t walang ibang
nagtangkang sumulat nito maliban sa kanya.
C. Nais niyang iparating sa mga Kastila na hindi dapat sila makialam sa pamamahala sa
Pilipinas.
D. Ang mga pangyayaring ibinunyag niya sa nobela ay mahirap solusyunan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

2. Alin sa mga pangyayari ang nagpatibay sa paninindigan ni Rizal na kailangan na ng pagbabago?


A. Maraming Pilipino ang naging biktima ng kalupitan at kawalang katarungan sa kamay
ng mga Kastila.
B. Ipinagbawal ang pagpapalaganap ng nobela niyang Noli Me Tangere.
C. Nakulong ang kanyang ina dahil sa maling bintang.
D. Nakulong si Rizal dahil sa mapanganib na bunga ng pagbabasa ng mga Pilipino sa
kanyang nobela.

3. Ayon kay Rizal ay hindi matututulan ang kawalan ng pagkiling ng kanyang pagsasalaysay sa nobela.
A. Walang kinikilingan si Rizal dahil pawang katotohanan lamang ang kanyang isinulat sa
nobela.
B. Isinalaysay niya lahat ng pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino.
C. Ang mga isinalaysay niya ay hango sa tunay niyang karanasan.
D. Hindi lamang kawalang katarungan ng mga Kastila ang isinulat niya, isiniwalat din niya
ang mga kapintasan at karuwagan ng mga Pilipino.

4. Alin ang pinakamatindi sa maraming pinagdaanang unos at bagyo ni Rizal sa pagsulat niya ng nobelang ito?
A. Dumanas ng gutom si Rizal habang isinusulat hanggang sa mailimbag ang kanyang
nobela.
B. Inilagay niya sa panganib ang kanyang buhay alang-alang sa paglalantad niya ng
katotohanang nagaganap sa bansa.
C. Matagal na hindi siya sinulatan ng kanyang kasintahan na si Leonor Rivera.
D. Nangutang siya upang maipalimbag ang kanyang nobela.

5. “Ipinakilala ko sa nobela ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyon.” Ang tinutukoy dito ni Rizal ay:
A. Ang ibang relihiyon maliban sa Katolisismo ay di-tunay na relihiyon.
B. Iyong nagpapalaganap ng mga maling tradisyon ay di-tunay na relihiyon.
C. Ang di-tunay na relihiyon ay yaong namimintas ng mga ginagawa ng ibang relihiyon.
D. Ang di-tunay na relihiyon ay ginagamit ang Banal na Kasulatan upang magkasalapi at
magpalaganap ng mga maling paniniwala.

PAGLALAHAT
Panuto: Tukuyin ang ibinunga o epekto ng nobelang Noli Me Tangere matapos maisulat ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari tungkol sa kaligirang kasaysayan ng Noli Me
Tangere. Gamitin ang letrang A hanggang E.

____________1. Pinayuhan si Rizal ng Gobernador na umalis na muli sa Pilipinas alang-alang sa kanyang pamilya at
bayan.

____________2. Noong 1884 ay sinimulan niyang isulat ang nobela sa Madrid.

____________3. Naipalimbag ni Rizal ang nobela noong Marso 29, 1887 na may 2000 na sipi sa tulong ni Maximo
Viola.

____________4. Natapos niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21,
1887.

____________5. Bumalik si Rizal sa Pilipinas noong Agosto 6, 1887 upang maoperahan ang ina. Samantala ang
kanyang nobela noon ay isinailalim sa masusing pagsusuri ng kanyang mga kaaway.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV- A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

JERALLI ROSE V. HERNANDEZ GEMMA S. CABANIG


GURO SA FILIPINO 9 OIC

You might also like