You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-CALABARZON
Sangay ng Rizal

Ikaapat na Markahan
Filipino 9

Pangalan:_______________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Unang Linggo- Gawaing Pasulat (WW)

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang Noli Me Tangere

Kasanayan sa Pampagkatuto
1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito, at
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino. F9PN-Iva-b-56
2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda. F9PB-
Iva-b-56

Panimula
Ang nobela o kathambuhayay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t
ibang kabanata. Sa unang nobela ni Dr. Jose Rizal ay susubukan ang iyong kakayahan na
maunawaan at masagutan ang mga gawain na nauukol sa araling ito.

Pamamaraan/Gawaing Pampagkatuto
Basahin muna ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere bago mo
sagutan ang mga gawain sa pagkatuto.

Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela na isinulat ni Jose P. Rizal. Isinulat
niya ito sa wikang Kastila, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulang sulatin
niya ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-
aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento
upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan,
nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa himagsikan subalit higit siyang nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Naging
inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ang pagbasa niya ng "Uncle Tom's Cabin"
ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
Sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero
02, 1884, ipinanukala ni Rizal sa isang grupo ng mga Pilipino ang pagsulat ng isang nobela.
Lahat ay sang-ayon sa ideya, gaya nina Pedro, Maximo, Antonio Paternoat iba pang kababayan
niya. Subalit siya ay nabigo kung kaya’t sinarili na lamang niya ang pagsulat.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand


Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang Noli Me Tangere. Ang lahat ng mga ito
ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay
salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa
Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok o kanser sa lipunan na
nagpapahirap sa buhay ng isang tao. Inihandog niya ang unang nobela sa mga Pilipino. Ang
nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito
ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino.Sinabi ni
Rizal na ang bayan ay may sakit at nangangailangan ng lunas. Bumuo ng kontrobersiya ang
nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas,
pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Sa kabila na ipinagbawal ang pagpapadala ng sipi ng
nobela sa Pilipinas ay may lihim namang nakapagdadala nito sa bansa. Nagpatuloy si Rizal sa
pagsusulat sa kabila na nagiging mainit na ang mata ng pamahalaang Kastila sa kanya. Isinunod
na isinulat ang pangalawa niyang nobela, ang El Filibusterismo.

Gawaing Pasulat (WW)


A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

____1. Ano ang kauna-unahangng nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal?
a. El Filibusterismo c. Makamisa
b. Noli Me Tangere d. Sa Tabi ng Ilog Pasig
_____2. Anong wika ang ginamit ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere.
Ito ay sinasabi rin na wika ng mga edukado sa panahong iyon.
a. Ingles b. Kastila C. Latin D. Nihongo
_____3. Saang bansa sinimulang sulatin ni Rizal ang unang bahagi ng kanyang nobelang Noli?
a. Belgium b. Berlin c. Germany d. Madrid

B. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang wastong sagot sa mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Ferdinand Blumentritt San Juan Espanya Dr. Viola


Uncle Tom’s Cabin Huwag Mo Akong Salingin
____________ ___4. Kahulugan ng Noli Me Tangere sa wikang Filipino.
________________5. Aklat sa Bagong Tipan na pinagkunan ng pamagat ng
Noli Me Tangere.
________________6. Aklat na naging inspirasyon ni Rizal para sumulat ng
Kanyang unang nobela.
________________7. Kaibigang matalik ni Rizal at sa kanya ipinaliwanag ang
dahilan kung bakit sumulat siya ng nobela.

C. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot ng Hanay A. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____8. Bansa kung saan isinulat ang huling bahagi ng a. Mga Pilipino
nobela ni Rizal
____9. Pinaghandugan ni Rizal ng Noli Me Tangere b. Pangungulila
____10. Kursong tinapos ni Rizal sa Madrid c. Berlin
d. Medisina
e. Kastila

D. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________11. Nagalit ang pamahalaan sa nobelang Noli at sinasabing ito ay


puno ng subersibong ideya.
________12. Ang Noli Me Tangere ay naging instrumento upang makabuo ang
mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
________13. Hinangad ni Rizal ang isang rebolusyon kaysa sa mapayapang
paraan ng pagkilos.
________14. Ninais ni Rizal na ilantad ang sakit na nararanasan ng bansa laban
sa mga Kastila sa pamamagitan ng kanyang nobela.
________15. Nagpatuloy si Rizal sa kanyang pangalawang nobela na El
Filibusterismo sa kabila ng paghihigpit ng pamahalaan
dahil sa kanyang nobelang Noli.
Unang Linggo - Gawain sa Pagganap (PT)

Pangalan:_______________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Kasanayan sa Paganap
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng:
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino. F9PN-Iva-b-56

A. Panuto:
Basahin muna ang nakasulat sa loob ng kahon bago isagawa ang
gawain sa pagganap, Gamitin ang rubriks bilang gabay sa pagsulat at
pagmamarka ng iyong natapos na gawain.

Sa panahon na ang Pilipinas ay nasakop ng mga Kastila nakita ni Rizal ang bulok na
sistema na umiiral noon sa pamahalaan at sa lipunan tulad ng korupsiyon, kawalan ng
hustisya, kawalan ng paggalang sa karapatang pantao at pang-aabuso sa paggamit ng B.
kapangyarihan.

Pumili ka ng isa sa mga nabanggit at bigyang patunay na patuloy na


umiiral ito sa kasalukuyang panahon sa ating bansa. Sumulat ka ng isang
editoryal na pumupuna sa napiling paksaLagyan ng angkop na pamagat.

Rubriks

KRAYTERYA
NAPAKAHUSA MAHUSAY KATAMTAMA
Y 2 N PUNTOS
3 ANG HUSAY
1
NILALAMAN Napakahusay ng Mahusay ang Hindi malinaw
pagkakalahad ng pagkakalahad ng ang pagkakalahad
mga nilalaman at mga nilalaman at ng mga nilalaman
impormasyon impormasyon at impormasyon
ORGANISASYO Napakaayos ang Maayos ang Hindi maayos
N pagkasunod- pagkasunod- ang pagkasunod-
sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
detalyeng detalyeng detalyeng
inilahad inilahad inilahad
GRAMATIKA Angkop lahat ang Angkop Kaunti lamang
ginamit na salita karamihan ang ang angkop na
at bantas batay sa ginamit na saita ginamit na salita
isinulat na paksa at bantas batay sa at bantas batay sa
isinulat na paksa isinulat na paksa
KABUUANG
PUNTOS

Ikalawang Linggo- Gawaing Pasulat (WW)

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat: ______________________

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal


Kasanayan sa Pampagkatuto
A. Naitatala ang nalikom na datos sa nabasang teksto.
B. Nalalagom ang mahahalagang impormasyong nasaliksik para sa
sariling pagpapakahulugan at gamit

Pamamaraan/Gawaing Pampagkatuto
Basahin muna ang talambuhay ni Rizal bago mo sagutan ang mga gawain sa
pagkatuto nang may pag-unawa at talino.

Si Dr. Jose Protacio Rizal, an gating pambansang bayani ay isinilang noong


ika-19 ng Hunyo, 1861sa Calamba,Laguna. Ang kanyang ina na si Teodora Alonzo
ang kanyang kauna-unahang guro at ang kanyang ama ay si Francisco Mercado.
Sila ay labing-isang magkakapatid at si Paciano ang kaisa-isa niyang kapatid na
lalaki. Isinilang si Rizal ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Kastila.
Nagsimula siyang mag-aral sa Binan, Laguna sa ilalim ng pamamahala ni
Ginoong Justiniano Aquino Cruz. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay
pinayuhan na siya ng guro na mag-aral sa Maynila sapagkat lahat ng nalalaman
nito ay naituro na sa kanya.
Siya naman ay nagsimulang pumasok sa Ateneo Municipal de Manila noong
ika-20 ng Enero, 1872. Dito siya nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip,
at nagtamo ng lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa
lahat ng 8 aklat. Sa paaralang ito ay tumanggap siya ng katibayang Bachiller
En Artes at pinarangalan ng sobresaliente (excellent), noong ika-14 ng Marso,
1977. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas, nang sumunod na taon, ay nag-aral siya ng
Filosofia y Letras at lumipat sa pag-aaral ng medisina. Nagtapos din siya ng
kanyang Land Surveying sa Ateneo noong 1878. Nagtungo siya sa Europa noong
ika-5 ng Mayo, 1882 upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa Madrid,
Espanya, ay nagtuloy siya sa pag-aaral ng Medisina at Filosofia. Nang taong
1884 ay nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles, marunong na siya noon ng
Pranses, sapagkat nag-aaral na siya ng wikang ito buhat nang umalis sa Pilipinas.
Bukod sa wikang ito ay nag-aral din siya ng panahong yaon ng Italyano at
Aleman sapagkat naghahanda siyang maglakbay sa iba’t ibang bansa sa
Europa, at alam niyang hindi magiging mahalaga ang paglalakbay na ito kung
hindi niya malalaman at magagamit ang mga nasabing wika sa pag-aaral ng
mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa Pilipino; at upang
mag-aral din ng kasaysayan ng mga bayang nabanggit na mapaghahanguan
ng mga aral na mapakikinabangan para sa kanyang mga kalahi. Dahil dito ay
naging dalubwika si Rizal. Ayon kay Wenceslao Retana, unang sumulat ng
talambuhay ni Rizal, ang unang kalahati ng Noli Me Tangere ay isinulat ni Rizal
sa Madrid noong magtatapos ang 1884 o nang magsisimula ang 1885; ang
sangkapat na bahagi ay isinulat niya sa Paris, at huling sangkapat ay sa
Alemanya. Ayon sa natatala sa manuskrito ay natapos ni Rizal ang Noli Me
Tangere sa Berlin noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Ipinalimbag ang nobelang
ito sa limbagan ng kapisanang itinatag ni Ginang Lette sa Berlin kung saan
natapos ito noong Marso 1887. Dalawang libong (2,000) sipi lamang ang
ipinalimbag, at ang ibinayad niya sa pagpapalimbag ay hiniram niya kay
Dr. Maximo Viola, taga-San Miguel Bulacan. Ang nasabing halaga ay umabot
sa 300 piso ay binayaran niya kay Dr. Viola nang dumating ang ipinadalang pera
ng sa kanyang mga magulang. Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na aklat
ng Noli Me Tangere ay ipinalimbag naman sa Ghent, Belgium , noong 1891.
Noong ika-8 ng Hulyo, 1892, ay itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila ang La Liga Filipina,
isang samahan na ang maithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa
pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng paghihimagsik. Gaya ng nasabi sa unahan, dalawampu’t
isang taon pa lamang
si Rizal nang lisanin niya ang Pilipinas noong ika-5 ng Mayo 1882 upang
magpatuloy ng pag-aaral sa Espanya, Pransya, at Alemanya. Nagbalik siya sa
Pilipinas noong ika-5 ng Agosto, 1887. Umalis siyang muli sa Maynila noong ika-3
ng Pebrero, 1888 upang magtungo sa Europa, Hongkong, Yokohama (Japan),
San Francisco, New York (US), at Liverpool, London (UK). Nilisan niyang muli noon
ang Pilipinas sapagkat umiiwas siya sa matinding galit sa kanya ng mga Espanyol
dahil sa nobela niyang Noli Me Tangere. Muli siyang nagbalik sa Maynila noong
ika-26 ng Hunyo, 1889. Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol
noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng
Hulyo noong taong ding iyon dahil sa bintang na siyaý may kinalaman sa
kilusang ukol sa paghihimagsik.Sa Dapitan ay nagtayo si Rizal ng isang maliit na
paaralan at nagturo sa mga batang lalaki roon. Samantalang nakikidigma ang
Espanya sa Cuba,upang hindi madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsikan
sa Pilipinas, ay hiniling ni Rizal na makapaglingkod sa Cuba. Siyaý binigyan ni
Gobernador-Heneral Ramon Blanco ng pahintulot na makapaglayag
papuntang Cuba. Ngunit habang naglalakbay si Dr. Rizal , patungong Espanya
nang magtatapos ang taong 1896,ay hinuli siya sa kanyang sasakyang barko
nang dumaong ito sa Barcelona at ibinalik siya sa Pilipinas. Ipiniit si Dr. Rizal sa
Maynila sa Fort Santiago.
Nang iharap siya sa hukumang Militar at litisin, ay hinatulan siya ng
Kamatayan. Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam) bago siya
barilin sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon) noong ika-30 ng Disyembre, 1896. Kaya ang
ika-30 ng Disyembre ng bawat taon ay itinuturing na dakilang
araw ng paggunita sa mga Pilipino sa pinakadakilang bayani ng Pilipinas,
si Dr.Jose Rizal. Naging araw ng pangilin ang ika-30 ng Disyembre ng bawat
taon, alinsunod sa itinakda ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas.

Gawaing Pasulat (WW)

A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat sa patlang ang sagot bago ang bilang.
_____1. Saang bayan sa Laguna isinilang si Dr. Jose Rizal?
a. Binan b. Calamba b. Famy d. Paete
_____2. Sino ang naging guro ni Rizal sa elementarya sa Binan, Laguna?
a. Maestro Juan Cruz c. Maestro Juanito Cruz
b. Maestro Justine Cruz d. Maestro Justiniano Cruz
_____3. Alin sa mga paaralang ito sa Maynila nag-aral si Rizal para sa kursong
medisina?
a. Unibersidad ng Maynila c. Unibersidad ng San Ildefonso
b. Unibersidad ng Pilipinas d. unibersidad ng Santo Tomas
_____4. Saang bansa tinapos ni Rzal ang kanyang kursong medisina at
pilosopiya noong 1885?
a. Berlin b. Pransya c. Madrid d. Portugal

B. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot. Piliiin ang angkop na
sagot sa ibaba.
5. Noong Hunyo 18, 1892 ay nagtatag si Rizal ng lihim na samahan sa Maynila at tinawag
niya itong ___________________________________.
6. Bukod sa maraming iba’t ibang wika na kanyang natutunan pinag-aralan din ni Rizal ang
_______________________________.
7. Mahihinuhang matalino si Rizal bilang mag-aaral sapagkat nakakakuha siya ng notang
__________________________.
8. Ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892 dahil sa bintang na siya ay may
kinalaman sa ________________________________.

himagsikan La Liga Filipina Sobresaliente


kultura ng ibang bansa gitnang Uri
C. Panuto: Punan ang datos na hinihingi sa profayl na ito ni Rizal ayon sa
nalikom na datos sa binasang akda sa unahan.

PROFAYL

Pangalan: (9)______________________
Kapanganakan: (10)_______________
Magulang:(11)___________________________ (12) ___________________________
Paaralan:
Elementarya: (13)_________________________
Sekundarya : (14)________________________
Kolehiyo : (15)_______________________

Ikalawang Linggo - Gawain sa Pagganap (PT)

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat: ___________________

Kasanayan sa Paganap
Nailalahad ang sariling pananaw, konklusyon at bisa ng teksto sa sarili

Panuto:
Basahin at unawain ang gawain sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan ito gamit ang rubriks sa
ibaba na magsisilbing gabay sa wasto at maayos na gawain sa pagganap.

Ginamit ni Rizal ang panulat na sumisimbolo ng mapayapang pakikipaglaban upang


ilantad ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng watawat ng Kastila.

Sa ngayon, humaharap ang Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea na nais


sakupin ng bansang Tsina. Ilahad mo ang iyong pananaw sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang talata sa kung paano masosolusyunan ang usaping ito sa pagitan ng dalawang bansa.
Maaari bang sa mapayapang paraan na ginamit ni Rizal o himagsikan na ginamit naman ni
Andres Bonifacio? Lagyan mo ng angkop na pamagat.

B. Rubriks

KATAMTAMA
KRAYTERYA MAGALING N ANG
NAPAKAGALIN 2 GALING PUNTOS
G 1
3
NILALAMAN AT Angkop ang lahat Angkop ang Angkop ang
KAUGNAYAN ng nilalaman sa maraming iilang nilalamang
ginawang bahagi ng bahagi sa
paglalahad. nilalaman sa ginawang
ginawang paglalahad
paglalahad
Maayos na Medyo maayos Hindi maayos na
ORGANISASYON nailahad ang lahat na nailahad ang nailahad ang
ng mahahalagang mahahalagang mahahalagang
detalye at kaisipan detalye at detalye at
kaisipan kaisipan
GRAMATIKA Wasto at angkop Wasto at Wasto at angkop
ang lahat ng mga angkop ang ang iilan-ilang
salita at bantas na maraming mga mga salita at
ginamit sa salita at bantas bantas na
paglalahad na ginamit sa ginamit sa liham
liham
KABUUANG
PUNTOS

Ikatlong Linggo- Gawaing Pasulat (WW)


Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Kasanayang Pampagkatuto (Kompetensi):

- Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan - paglalahad


ng sariling pananaw - pag-iisa-isa - pagpapatunay ( Mula sa MELC)

Gawaing Pagsulat
A. Panuto: Isulat sa patlang ang mga salita na nagpapakita ng paglalarawan na ginamit
sa loob ng pangungusap.

____________1.Masayahin ang mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok na nararanaan.


___________2.Ang pandemyang kinakaharap ng bansa ay isang suliraning
mabigat kung maituturing.
__________ 3.Nakikilala ang mga taong may mabubuting kalooban sa
panahon ng kagipitan.
___________4.Mabuhay ang mga matatapang nating frontliners,sa kanilang
buong-pusong paglilingkod.
____________5.Ang taong madasalin ay may pagpapalang kakamtin.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang mga angkop na salita/ekspresyon na ginamit sa


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na kasagutan.

Sa pananaw ni Batay kay Magkagayon man Sang-ayon sa Kaya naman


Sa aking palagay Sa madaling salita
Sa aking obserbasyon Naniniwala ako na Ibig kong sabihin

6. __________________mahalaga sa magkaibigan ang magkaroon ng tiwala sa isa’t isa.


7. ___________________malalabanan natin ang Covid 19 kung ang bawa’t isa ay
makikipagtulungan.
8. ___________________ Dr. Rizal ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere ay pawang
katotohanan.
9. ___________________ may iba’t ibang paraan upang tayong magagawa upang
makaiwas sa Covid-19 ua, ang pahuhugas ng kamay nang mabuti, pangalawa, ang
pagsusuot ng face mask at face shield pangatlo ,ang physical distancing, pang-apat ang
di- paglabas ng bahay kung di- kinakilangan ay ilan lamang sa mga patakaran na maari
nating gawin
10. ___________________ ay isang mabisang anyo ng pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

11.___________________marami na ang nagnanais na magpaturok upang makaiwas na


mahawaan ng sakit na lumalaganap sa bansa.

12. ___________________sa ulat sa telebisyon noong Mayo 26,2021 kaso ng COVID 19


sa Pilipinas umabot na sa 1,193,976 ayon sa DOH.

13.________________sa bawat pagsubok na nararanasan ay may aral na


natutuhan.

14. _______________kailangang makiisa at makipagtulungan sa Pamahalaan upang


masolusyunan ang problema.

15. ________________ dapat magpabakuna ang lahat upang maiwasan ang pagkalat ng
sakit.
Ikatlong Linggo- Gawain sa Pagganap (PT)

Pangalan:____________________________ Baitang at Pangkat:_______________

Kasanayang Pampagkatuto (Kompetensi) :

- Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa: - paglalarawan - paglalahad


ng sariling pananaw - pag-iisa-isa - pagpapatunay ( Mula sa MELC)

Panuto : Sa sagutang papel,gumawa ng isang Comic strip kaugnay sa kasalukuyang


kalagayan ng bansa o ng inyong lugar gamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa:

- paglalarawan
- paglalahad ng sariling pananaw
- pag-iisa-isa
- pagpapatunay (Gawing gabay ang pamantayan sa pagsasagawa ng Gawain)

B. Pamantayan sa Pagmamarka (Rubrik)

Pamantayan Laang Sariling


Marka Marka
Gumamit ng mga angkop na salita / ekspresyon sa: 5
- paglalarawan
- paglalahad ng sariling pananaw
- pag-iisa-isa
- pagpapatunay
Ang paksa ay naaayon sa kasalukuyang kaganapan sa bansa/sariling lugar 5
Naipakita ang pagkamalkhain 5
Kabuoan 15

5-Napakahusay 2-Di-mahusay
4-Mahusay 1-Maraming kakulangan

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-CALABARZON
Sangay ng Rizal
Ikaapat na Markahan

Ikaapat na Linggo- Gawaing Pasulat (WW)


Mahahalagang Tauhan sa Nol Me Tangere
Nobela ni: Dr. Jose Rizal

Pangalan:___________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________

KASANAYAN SA PAGANAP
Sa pagtatapos ng aralin, matatamo ng mga mag-aaral ang sumusunod na layunin.

● Natutukoy ang katangian ng bawat tauhan sa nobela. F9PN-IVc-57

● Nagagamit ang pang-uri sa pagbibigay katangian.

YUGTO NG PAGKATUTO

Presentasyon ng Aralin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Unawaing mabuti ang akda at tiyak na makikilala mo ang mga
Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere

Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin

ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang makapagpatayo ng paaralan


upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra. Itinuring siyang “eskumulgado” at
idinawit sa naganap na pag-aalsa. Siya ay katipan ni Maria Clara.

Maria Clara

Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala si Maria Clara sa San Diego dahil sa
kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba kay Padre
Damaso.

Elias

Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at
ang mga suliranin nito. Namatay siya sa pagliligtas kay Ibarra. Anak siya ng
angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.
Kapitan Tiyago o Don Santiago de los Santos

Mangangalakal na taga-Binondo. Siya ang ama-amahan ni Maria Clara. Madalas


siyang magpahanda ng salu-salo at kilala sa pagiging bukas-palad.

Padre Damaso Verdolagas

Isang kurang Pransiskano na masalita at talagang magaspang kumilos. Siya ay


dating kura sa San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael
Ibarra sa libingan ng mga hindi banyaga.

Padre Bernardo Salvi

Ang paring pumalit kay Padre Damaso na mayroong lihim na pagtingin kay Maria
Clara.

Padre Hernando De La Sibyla

Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Kapitan-Heneral

Siya ang pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya ang


lumakad upang maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.


Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda ngunit para sa mga
may alam ay isa siyang pilosopo. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral at
maagang nabalo kaya ginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.

Sisa

Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may asawang pabaya at malupit.

Pedro

Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa.

Basilio at Crispin

Magkapatid na anak ni Sisa. Mga napagbintangang nagnakaw. Pareho silang


sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang
panganay at bunso naman si Crispin.
Tinyente Guevarra

Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng


tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Alperes

Siya ang puno ng mga gwardya sibil at kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San
Diego. Asawa niya si Donya Consolacion.

Donya Consolacion

Napangasawa ng Alperes. Dati siyang labandera na may malaswang bibig at pag-


uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes.
Ipinapalagay niya na siya’y higit na maganda kay Maria Clara.

Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete


sa mukha at maling pangangastila. Asawa ni Don Tiburcio de Espadaña

Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng


magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina at nagpanggap na doktor.

Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na


napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasa ng Latin
Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas – kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na
pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na
siya’y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso
dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo – pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang
Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay
kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama. Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos
ni Ibarra.
Albino – dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
https://roedzernpicanddoc.wordpress.com/2015/01/24/mga-pangunahing-tauhan-sa-noli-me-tangere/

Ang Monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang
kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nangakikinig. Ang mga
monologo ay ginagamit sa iba't ibang medya gaya ng mga dula, pelikula, animasyon atbp.
Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa tao, bagay,
hayop at pook o lugar.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Estratehiya: UNANG LIMA

Panuto: Pumili ng lima (5) na tauhan na naibigan mo. Iranggo ayon sa nais na
pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng bilang 1-5. Ipaliwanag ang iyong sagot .

RANGGO TAUHAN AT PALIWANAG

Una

Ikalawa

Ikatlo

Ika-apat

Ikalima

Gawaing Pagkatutuo Bilang 2.


Panuto: Isulat sa patlang ang pangalan ng tauhang tinutukoy sa mga pahayag. Ilagay ang
inyong sagot sa patlang bago ang bilang.
____________________1. Ang tingin ng mga ‘di nakapag-aral ay baliw ang matanda

ngunit para sa mga may alam ay isa siyang pilosopo.

____________________2. Iresponsableng ama at masamang asawa ni Sisa.

____________________3. Ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala siya sa San


Diego dahil sa kanyang angking ganda at kayumian. Anak siya ni Donya Pia Alba
kay Padre Damaso.
____________________4. Ang binatang nag-aral sa Europa. Nangarap siyang

makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan


ng mga kabataan ng San Diego. Nag-iisa siyang anak ni Don Rafael Ibarra.

____________________5. Isang mapagmahal na ina na nabaliw. Siya ay may


asawang pabaya at malupit.

Gawaing Pagkatutuo Bilang 3

Panuto: Gamit ang mga letrang nasa kahon, kilalanin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere batay
sa mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa kahon.

1. “Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao


habang buhay pa hindi kung patay na.” o p I L s o p O
s y O T A

_________________________

2. “Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni


lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda
i l a S e
akong magtiis at mamatay rit. Hangad ko na ang
lahat ng Inang Bayan ay magiging kasawian ko
rin.” _______________________
3. “Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at
magiging utang pa ang aking kaligayahan.” o m O t o s s C r i
a b R a r i
_______________________
4. “Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag
mong lilimuting iya’y natatamo ng mga puso
u g R o
lamang.”
____________________

5. “May mga lalong dakilang bagay na dapat mong


e l r A f A
isipin- ang hinaharap ay nabubuksan pa lamang
para sa iyo, sa akin ay ipinipinid na.” i a a B r R
_______________________

Ikaapat na Linggo- Gawain sa Pagganap (PT)


Kasanayang Pampagkatuto(Kompetensi):
- Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng kulturang Asyano.
Gawain sa Pagganap blg. (Performance Task)
Panuto: Gumuhit o gumawa ng poster na nagpapakita ng kaugaliang binanggit sa akda na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Asyano.Pagkatapos ay ipaliwanag kung pano pa ito
mapauunlad.Gamitin bilang gabay sa gawain ang nakalaang pamantayan.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Laang Marka Sariling
Marka
Gumamit ng mga ekspresyon sa 5
paglalarawan sa pagbuo ng
imahe at sa paghahatid ng
mensahe.
Nakasulat ng Tatlong talata 5
May paksang napapanahon 5

Kabuoan 15

You might also like