Professional Documents
Culture Documents
Week 2 Modular
Week 2 Modular
IKALAWANG LINGGO
Antas&Pangkat: ______________________________________
ANALISIS
1. Paano nilikha ni Dr. Jose Rizal ang mga tauhan sa kanyang nobelang Noli Me Tangere? Ipaliwanag.
2. Bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang may pagkakatulad kayo ng isa sa pangunahing tauhan sa nobela? Pangatuwiranan.
3. Sino sa mga tauhan sa nobela ang mahihinuha mong may magandang kinahinatnan ng mga pangyayari ng kanyang buhay?
ABSTRAKSYON
Pag-ugnayin ang mga larawan upang makabuo ng isang mahalagang konsepto ng aralin.
Kinatawan
ng mga
Tauhan sa
Noli Me
Tangere
EBALWASYON
Panuto: Kilalanin ang mga tauhang nilikha ni Rizal batay sa katangian at kahalagahan ng mga ito sa nobela . Piliin at isulat
ang angkop na tamang kasagutan.
______________ 1. Naging inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera upang malikha niya ang katauhan ni (Maria Clara, Sisa, Donya
Victorina) sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.
______________ 2. Inihalintulad ni Dr. Jose Rizal sina (Basilio at Albino, Basilio at Lucas, Basilio at Crispin) sa magkapatid na
Crisostomo na taga Hagonoy na namuhay na puno ng pagdurusa.
______________ 3. Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binundok. Isa siyang tanyag na asendero sa iba’t ibang
lugar. Malaki rin ang kinikita niya sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang isang Tsino. Sa ganitong kalagayan,
mahihinuhang si Kapitan Tiyago ay isang taong (maligaya, malungkot, maraming kagalit sa pamahalaan).
______________4. Si (Sisa, Donya Victorina, Donya Consolacion) ay sumisimbolo naman sa isang mapagmahal at masintahing
ina noong panahon ni Rizal at makikita pa rin sa kasalukuyang panahon.
______________5. Mahihinuhang si Kapitan Tiyago na isang Pilipino ay (nagmahal, nagpasakop, nagtanggol) sa mga Espanyol
at walang sariling desisiyon.