You are on page 1of 2

ARALIN (Unang Linggo)

Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at


Pagpapahalaga

ARALIN:
Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Birtud at Pagpapahalaga

Mayroon ka bang pinahahalagahan sa buhay? Bakit kailangang taglayin ng tao ang pagpapahalaga? Ano ang
kahulugan ng pagpapahalaga?

KADENA at KORONA ni CADENA

Apat na magkakapatid sina Lloyd, dalawang babae at dalawang lalaki. Laki sa hirap ang
pamilya niya. Parehong OFW sa Middle East ang kanyang mga magulang. Dahil sa pagsisikap ng
kanyang mga magulang, sinikap rin niya na makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Nakilala si Lloyd
bilang isang personalidad sa radyo, manunulat, Orehinal Filipino Vlogger at Youtuber. Ipinanganak
siya noong Setyembre 23, 1993 sa Lungsod ng Paranaque. Kumuha ng kursong Financial
Management sa Colegio de San Juan de Letran.

Bilang mag-aaral, siya ay nagtrabaho sa Alyansa Letranista at kabilang sa Letran Student


Coucil. Taong 2011, nang siya’y nagsimulang mag Vlog. Nakatanggap siya ng unang parangal
bilang “Best Comedy on Youtube” taong 2013. Ilang beses na rin siyang nakita sa telebisyon. Lagi
niyang background ay kanyang iconic pink vlog. Umabot sa higit 5. 29 milyon ang kanyang follower
at subscriber. Nakilala siya bilang si “Kween LC” Ilan rin ang kanyang mga natulungan sa larangan
ng vlogging.

Marami ang nagulat at nanghihinayang sa pagkawala niya. Ayon sa kanyang mga


nakasama, masayahin, matulungin at totoong tao si Lloyd. Ang kita niya sa pagba vlog ay ibinahagi
niya sa iba. Buwan ng Abril na kasagsagan ng pandemya, namahagi siya ng ayuda sa kanyang mga
kapitbahay sa Paranaque. Namigay rin siya ng tablet para sa online classes at face mask para sa mga
bata sa kanilang komunidad Dahil nagmula sa hirap pilit niyang ipinararanas sa kanyang mga
magulang ang kaginhawaan hanggat sila’y nabubuhay pa. Pinagretiro na niya ang kanyang nanay sa
pagtatrabaho. Ipinagpatayo ng sariling bahay at naghandog ng regalo bilang pagtanaw sa
pagsasakripisyo lalo na ang kanyang nanay.

Sa kabila ng pag-abot niya ng kanyang mga pangarap para sa pamilya, saka naman siya
nawala kaya’t ganun na lamang ang sakit na nararamdaman ng kanyang mga magulang. Sa edad na
26, binawian ng buhay si Lloyd noong Setyembre 4, 2020 sanhi ng Cardiac Arrest at positibo sa
COVID-19 sa isinagawang pagsusuri.

Ang salitang pagpapahalaga na may katumbas sa Ingles na “value” at hango sa salitang Latin na
valore na ang ibig sabihin ay pagiging malakas o matatag, pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay. Ito
ay pamantayan na itinuturing na mahalaga o kanais-nais. Maaari itong matukoy bilang alituntunin o
pamantayan sa pag-uugali; mga paghuhusga kung ano ang mahalaga sa buhay.

Nangyayari ito dahil ang bawat isa sa atin ay nagbibigay halaga sa iba’t ibang mga bagay.
Maiiwasan ang makagawa ng mga pagkakamali at tinitiyak na ang mga bagay na gagawin ay magreresulta ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa. Kadalasan, ito ang nagdidikta at ginagamit na batayan sa pagggawa ng mga
disisyon o pasya.

Batay sa pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, ang pagpapahalaga ay pamantayan sa


paghusga ng tama at maling kilos maging sa ugali at paniniwala ng bawat indibidwal anoman ang lahi at
lipunang kinabibilangan nito. Ito ay dapat mangyari at nararapat gawin sapagkat ito ay magsisilbing
pamantayan para sa kabutihang panlahat. Ayon kay Ayn Rand (Philosopher), ang pagpapahalaga ay ang
pinagsusumikapan ng tao na makamit at may layunin o tunguhin na nagdudulot ng kabutihan na siyang
ninanais na maisakatuparan ng tao. Ito ang umuudyok sa tao at kailangan ng tao para mabuhay.

Ang salitang Birtud (mabuting gawi) na may katumbas sa Ingles na “virtue” at hango sa salitang
Latin na virtus (vir) na nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag at malakas ng tao ( sa pagharap sa
mga hamon o mga pagsubok sa buhay). Ito ay katangian na itinuturing na mabuti o kanais-nais sa isang tao. Ito
ay may mataas na antas ng moralidad. Biniyayaan ang tao ng kaalaman subalit magkakaiba ang paggamit nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang birtud ay katangian ng isang mabuting tao na siyang itinanim ng Diyos
sa tao mula ng ito ay kanyang likhain kaya’t natural na ito sa tao. Hindi pa taglay ng tao ang birtud sa kanyang
kapanganakan dahil wala pa itong kakayahan na mag-isip, mangatuwiran at magpasya. Unti-unti lamang niya
itong mapagaaralan at matututunan pagdaan ng mga panahon. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at
pagkilos ng tao.

Pagkakaiba at Pagkakaugnay ng Pagpapahalaga sa Birtud

Ang pagkakaiba ng pagpapahalaga sa birtud ay ang pagpapahalaga ay pagbibigay importansya at


kabuluhan sa isang bagay. Ito ay pansarili o personal dahil ang isang indibidwal ay maaaring magpasya kung
ano ang mahalaga sa kanya samantalang ang birtud ay mga katangian na maituturing na mabuti o kanais-nais
sa isang tao. Ito ay may mataas na pagpapahalagang moral na tinatanggap sa buong mundo at nagpapakita
ng pamantayan o basehan ng kalidad ng moralidad na kaaya-aya sa isang tao. Ang pagpapahalaga at birtud
ay mga makabuluhang konsepto na humuhubog sa paguugali ng tao na makatutulong sa kanya na magpasya
kung ano ang mahalaga sa buhay. Magkaiba man ito subalit magkaugnay ang mga pagpapahalaga at birtud.
Magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud sapagkat ang pagpapahalaga ay isang birtud. Kapwa nagbibigay
importansya sa kabutihan at halagang moral ng isang tao, sa bagay at kapwa tao.

You might also like