You are on page 1of 14

Paklinggan ang awiting:

“Kapaligiran” ni Asin
“Ang kalikasan ay mabubuhay ng walang tao subalit ang tao
ay mabubuhay ng walang kalikasan”
Aralin 3:

Ako’y Tao: Pinangangalagaan Ko Ang


Kalikasan
Lahat ng nakapaligid sa tao may buhay man o wala ay tinuturing kalikasan. Ito ay
ang mga likas na kaloob ng Diyos sa upang malayang gamitin ng tao, kapanabay nito ay
ang mga tungkulin bilang tagapangalaga at tagapagtanggol nito.
Mga Gawaing
Ngapapakita ng
Paglalapasatangan sa
HUWAG!!
!! Kalikasan
Walang habas na pagputol ng puno
maaring danasin ng tao ang labis na polusyon at pagbaha

HUWAG!!
!!
Illigal na pagmimina
nakakasira ito ng kalikasan, dahil dito gumuguho ang mga
kabundukan, nasisira nag natural na siklo sa isang partikular na lunan,
nagdudulot ng polusyon at namamatay ang mga buhay ilang.

HUWAG!!
!!
Maling pagtatapon ng mga basura
ang walang habas na pagtatapon at pagkakalat ng basura saan mang
lugar lalo na sa mga anyong tubig ay nagdudulot ng polusyon at pagkamatay
ng mga nabubuhay dito

HUWAG!!
!!
Paggamit ng dinamita at muro-
ami sa pangingisda
ang mga ito ay lubhang mapaminsala, nasisira nag natural na tahanan ng
mga isda, maging ang mga maliliit na isda ay nadadamay kayat di sila
nakakapagparami
HUWAG!!
!!
Paghuli at pagbenta ng mga halaman at
hayop na itinuturing na endangered species
sa kabila ng mga batas na nagpoporotekta sa mga hayop at halamang nabibilang sa mga endangered
species ay patuloy parin ang tao sa mga gawaing lumalabag dito, kung kaya’t nagbubunga ito ng hindi maganda
at tuluyan nilang pagkawala

HUWAG!!
!!
Polusyon sa hangin,tubig at lupa na dulot ng
mga gawain at aktibidad ng tao
ang pagpapatayo ng mga pabrika at mga kauri nito na nagdudulot ng polusyon, ang
ibinubuga nitong usok at pagpapagos ng mga kemikal sa katubigan ay ilan lamang sa mga
nagdudulot ng polusyon sa atin na gawa ng tao

HUWAG!!
!!
Pagsasagawa ng illegal quarrying
ang pagsasagawa nito ay maaring magbunga ng pagkaguho
ng lupa at iba pang epekto na hindi kanais-nais sa tao

HUWAG!!
!!
Pagsunog ng basura, paggamit ng coal at iba pang
gawain na nakapagaambag sa Global Warming
ang paggamit ng coal at iba pang carbon, pagsusunog ng mga plastic ay nakakasira sa ozone
layer na nagiging sanhi ng labis na paginit ng mundo at pagdami ng mga natural na kalamidad

HUWAG!!
!!
Urbanisasyon at komersiyalismo
dahil sa mga pagbabagong ito ay nangangailangan na sirain ang natural
na kalikasan, maging ang mga pagputol sa mga puno upang pagtayuan ng
mga nagtatayugang gusali

HUWAG!!
!!
Iresponsableng paggamit ng Yamang
Likas
kailangang magtipid ng tao kung ibig nitong makatulong sa kalikasan, marapat na maging
responsible tayo sapagkat kung hindi ay maaring sa huli ay wala na tayong kalikasang maasahan

HUWAG!!
!!
Takdang Aralin:
Basahin ang “Huwag Sirain ang Inang Kalikasan”
Sa
https://www.philstar.com/opinyon/332694/editoryal-huwag-sirain-ang-inang-kalikasan
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit ipinagdiriwang ang araw ng daigdig?
2. ipaliwang ang mga itinuturong dahilan ng mga kalamidad na nararanasan ng tao
3. Sa iyong palagay, bakit patuloy na nilalabag ng tao ang batas kaugnay ng pagprotekta
sa kalikasan?
4. Ilahad ang maaaring bunga ng patuloy na pagkasira ng kalikasan.

You might also like