You are on page 1of 4

ANG MASUNGIT NA MATSING

by: Group 2

Narrator: Sa isang malayong gubat, may isang mayamang matsing. Ito ay


napakasungit sa kanyang mga kalahing matsing, ni ayaw nitong lumapit sa
ibang matsing. Ayaw nitong makipaghalubilo sa kanila, at mas gustong
makipag salamuha sa ibang sikat na hayop sa gubat.

Napaka galante ng mayamang matsing sa mga kaibigan nitong Elepante,


Usa, Leon, at Oso. Lagi itong naglalakwatsya kasama ang mga tinuturing
nitong kaibigan, at siya ang palaging nagbabayad sa lahat ng gastusin at
di nito alintana ang pagaaksaya ng kanyang sariling pera.

Oso: Matsing aking kaibigan tara gala tayo, pero ikaw ang taya ha?

Elepante: Oo nga. Tara!

Matsing: Sige! Basta ang importante ay magkaibigan tayo.

Narrator: Hindi alam ng matsing na ginagamit lamang siya ng mga kaibigan niyang
hayop dahil sa yaman nito. Unti-unti naubos ang pera at yaman ng
matsing dahil sa sobrang paglalakwatsya at pagwawaldas kasama ang
kayang itinuturing na kaibigan. Pero hindi ito inintindi ng matsing dahil
ang nasa isip lamang nito ay magsaya kasama ang mga sikat na kaibigan.

Matsing: Naku! Konti na lamang ang pera ko.

*Napaisip si Matsing at Binenta ang kanyang mga ari-arian*

Narrator: Isang araw tuluyang naubos ang pera ng matsing at naibenta ang lahat ng
kaniyang mga ari-arian.
Sinubukan nitong lapitan ang kaibigan nitong Elepante upang mahingan
ng tulong. Ang kaibigan nitong elepante ay isa ring mayaman at may
malaking bahay, habang papunta doon si matsing ay hinarang ito ng mga
tulisang Kuneho.

Kuneho: Hoy Matsing! Akin na ang pera mo!

Matsing: Pasensya kana. Wala na akong pera. Pasensya na kana Kuneho.

Kuneho: Diba marami kang pera? Hindi ako naniniwala na wala kang pera!

*Binugbog ni Kuneho si Matsing*

Narrator: Nawalan ng malay ang matsing, saktong may napadaan na mga grupo ng
ibang matsing at tinulungan nila ito.

Mga Matsing: Naku kawawa naman sya. Tulungan natin!

Narrator: Ngunit ng magising ang matsing ay agad-agad itong tinulak ang mga
matsing na tumulong sa kaniya.

Ngunit tinanong siya ng isa sa mga matsing

Matsing 1: Ano ba ang ng yari saiyo at ang dami mong bugbog?

Matsing: Wala ka ng pakialam doon!

Narrator: Umalis ito papunta sa sa bahay ng kaniyang kaibigang Elepante.

Matsing: Kaibigan kong Elepante. Maari ba akong tumuloy sa inyo sapagkat wala na
akong matitirahan dahil nabenta ko na ang lahat ng ari-arian ko dahil sa
ating paggala na ako lahat ang gumastos.
Elepante: Hindi ko nayan problema, at kasalanan mo yan kung bakit ka naghihirap
ngayon!

Narrator: Hindi makapaniwala ang matsing sa narinig nito at umalis na lamang.


Sunod na pinuntahan ng matsing ang kaibigan nitong usa pagka dating
nito sa bahay ng usa ay panay ang pagtawag nito sa labas.

Matsing: Kaibigan kong usa, nandiyan kaba?!

Narrator: Paulit-ulit na pag tawag ng matsing, ngunit walang lumabas sa bahay ng


Usa kung kaya ay lumisan nalang ito papunta sa bahay ng kaibigan niyang
Leon. Habang papunta sa bahay ng Leon ay may naririnig siyang mga
musika mula roon na para bang may isang pag diriwang at naalala niyang
kaarawan pala ng Leon, pero nagtataka siya kung bakit hindi siya binigyan
ng imbetasyon, pero inisip niya na baka nakalimutan lang.

Pagka dating niya roon ay hindi siya pinapasok ng mga bantay at


pinagpilitan na kaibigan niya ang Leon pero wala siya sa listahan ng mga
inanyayahan sa pagdiriwang.

Matsing: Bakit wala ako sa listahan? Kaibigan ako ni Leon! Papasukin nyo ako!

Narrator: Nag pumiglas ang matsing na maka pasok kung kayat sinabihan ng mga
bantay ang Leon. Agad niya naman nitong pinuntahan ang matsing pero
sinabing

Leon: Bakit ka nandito? Dibat hindi ka nakalagay sa listahan ng mga


inanyayahan, kayat uamlis ka na lamang

Narrator: Nakita ng matsing na nandoon ang lahat ng kaibigan niyang kasama niya
noon ng siyay mayaman pa. Kaya napag desisyunan niyang umalis na
lamang.

Gabi na at wala siyang matutuluyan, nagugutom at palakadlakad sa


madilim sa gubat. Biglang napaiyak ang Matsing dahil ang mga tinuring
niyang kaibigan ay tinalikuran siya. Lahat ng kaniyang mga ari-arian ay
naubos lamang sa kanila. Di sukat akalain ng matsing ang mga nangyari.

Habang sa paglalakad ay may naamoy itong isang masarap na pagkain,


dahil sa sobrang kagutuman ay sinundan niya ang amoy.
Nakita niya ang grupo ng mga matsing kasama na roon ang mga
tumulong sa kaniya. Nakita siya ng mga matsing at isa sa kanila ay
nilapitan siya.

Matsing 1: Mukhang nagugutom ka aking kaibigan, tara may pagkain kaming


pagsasaluhan.

Hindi ito lubos akalain ng Matsing dahil kahit na masungit siya sa mga
kapwa niya matsing ay naging mabuti parin ito sa kaniya.

Doon napagtanto ng matsing na hindi nasusukat ang pagkakaibigan sa


kung ano ang nabibigay mo sa kanila at hindi natin kailangang
ipagsiksikan ang ating sarili upang tanggapin ng iba at maging bukas sa
lahat ng posibilidad.

Mula noon ay naging kaibigan na ng matsing ang kapwa niya matsing at


unti-unti na siyang nakabangon sa pagkaka lugmok, at masaya na sya
kung ano man ang meron sya ngayon.

You might also like