You are on page 1of 1

“Ang walang muwang na aso”

Noong unang panahon, may isang aso na gustong gusto na maglakbay at gumala ngunit ang
kanyang amo ay laging abala kaya wala itong oras na ilabas siya. Lagi itong malungkot at
mayamot at nakatitig sa kagubatan na nakapalibot sa bahay nila dahil lagi nalang itong nasa
loob ng bahay ngunit isang araw ay sa sobrang madali ng amo niyang umalis ay nakalimutan
nitong isara ang pinto.

Nang mapansin ito ng aso ay agad na lumiwanag ang mukha nito at sabik na sabik na
lumabas ng bahay. At dahil ito na ang matagal na niyang inaasam ay agad siyang tumakbo sa
kagubatan na walang pake sa kahit ano basta maka-abentura lamang siya. Sa sobrang saya
niya at abala sa kakagala ay hindi niya namalayang malapit nang lumubog ang araw kaya
namang nang mapansin niya na ito ay agad na niyang inisp na umuwi ngunit nang tignan
niya ang paligid ay pumasok agad sa utak niya na siya ay nawawala kaya naman sa sobrang
kaba ay tumahol siya nang tumahol, umaasang may makarinig at tumulong sakanya.

Ilang segundo lang ay may narinig siyang tahol at sigurado siyang hindi sakanya ito. Sa sabik
ay agad niyang sinundan ito kaya bilis niyang takbo hanggang sa makarating siya sa
madamong parte ng gubat at agad niyang napansin ang isang lobo na tila hinihintay siya.

Walang paghinahinala niyang nilapitan ang lobo na parang sila lang ay magkaibigan na tila
ikinagalak naman ng lobo. “kaibigan! Tulungan mo naman akong makauwi sa bahay ko,
nawawala kasi ako dahil unang beses ko palang kasing pumunta dito sa kagubatan eh.” Pag-
hingi ng pabor ng asong walang kamalay-malay.

Hindi agad sumagot ang lobo, inikot-ikutan niya lang ang aso na may halong malisya na hindi
napansin ng aso. Ilang minuto ay sumagot na ang lobo, “Sige, pero madilim na at nakatago
na ang araw kaya mabuting matulog ka muna sa amin tsaka kita ihahatid bukas.” Alok ng
lobo

Agad na sumangayon ang aso at sinundan ang lobo. Habang naglalakad ay panay ang kwento
ng aso na tinangutanguhan lang ng lobo.

Pagkarating ng nila ay may mga iba pang mga lobo sa tahanan ng kanyang kaibigang lobo at
hindi niya mapigilang mawirduhan sa inasal nila nang makita nila ito na wiling wili na
pumasok sa tahanan nila ngunit hindi niya ito binigyan ng malalim na kahulugan at agad na
lumapit sa kaibigang lobo.

Nang matutulog na sana siya at nakapikit na ang mga mata niya ay ‘di niya mapigilang
marinig ang mga usal ng ibang lobo na ikanataka niya.

“Pare ang galing mo! Nakauwi ka ng ganyang kalaking pagkain at buhay pa!”

“Oo nga pare, basta talaga ikaw malupit!”

Ito ang mga huli niyang narinig bago siya tuluyang nakatulog at hindi na muling nagising pa.

You might also like