You are on page 1of 3

Ang Pusa at ang Daga

Na Isinalaysay ni Charlotte Ceballos

Ngunit bago ang lahat narito ang dalawa nating bisita. Siya nga
pala si pusa...meow meow..meow.
At siya naman si daga...psss pss pss... Sila ang bida sa ating
kwento.
Ano ba ang lagi nilang ginagawa? Tara! Alamin natin!
Noong unang panahon sa isang liblib na pook ay may
naninirahang magkaibigan sa isang kumbento. Ito ang pusa at
ang daga. Tulad ng ibang magkaibigan. Magkasama silang
namamasyal sa palipaligid.
Isang araw habang naglalakad sa lansangan nakakita sila ng
isang mangkok na puno ng pagkain.
PUSA: ‘’Kaibigan, dalhin na natin ito sa kumbento’’, wika ng
pusa.
DAGA: Sige, paghatian natin ito, sagot ng daga.
Kaya, dinala nila ang mangkok na may pagkain sa kumbento.
Sa kumbento, nagwika ang pusa sa daga.
PUSA: Dito ka lang muna habang naghahanap ako ng isa pang
mangkok para mahati natin ang pagkain. Wag ka munang
kakain habang wala ako. Hintayin mo ako hanggang ako’y
makabalik.
Umalis ang pusa upang maghanap ng mangkok at ang daga ay
iyong nagbabantay sa pagkain.
Ngunit, ginutom ang daga sa matagal na paghihintay sa pusa.
Tinikman ng daga ang pagkain...at naibigan niya ito.
Paunti unti ang pagkain niya rito hanggang sa maubos niya ito.
Hindi nagagampanan ng daga ang pangako sa pusa. Wala ng
natirang pagkain para sa kanyang kaibigan.
Dumating ang pusa na dala ang isang mangkok. Gutom na
gutom ito at takam na takam na kainin ang pagkain.
(Sumigaw ang Pusa) ahhh...
Ganoon na lang ang galit ng pusa ng malamang walang itinirang
pagkain sa kanya ang daga.
PUSA: meowww! Meoww! Meoww!
Mula noon, naging mortal na magkaaway ang pusa at ang daga.

Sana ay may natutunan kayo sa aking kwento. Ako ang


natutunan ko ay dapat marunong maghintay at matuto tayong
magbigay sa ating kapwa.
Hanggang dito na lang po. Maraming salamat!

You might also like