You are on page 1of 11

ANG ASO at PUSA

Kuwento ni:
Emelia N. Elorza
Isang araw habang namamasyal si Aso nasalubong niya si Pusa.

“ Magandang umaga kaibigang Pusa ! Kumusta kana? “ sabi ni Aso.

“Magandang umaga rin kaibigang Aso. Ok naman ako. Saan kaba


pupunta? tanong ni Pusa.
“ Maghahanap ako ng pagkain nagugutom na kasi ako” sabi ni Aso

“ Ganon ba! Puwedi ba ako sumama sayo” tanong ni Pusa

“ Sige kaibigang Aso walang problema” sagot ni Aso.


Palakad- lakad ang magkaibigan sa kalye para maghanap ng
pagkain.

Nang biglang may nakita silang isang isda. Dali- daling tumakbo si
Aso at naiwan si Pusa.

“ Yes! May pagkain na ako.”sabi ni Aso


Nagmamadaling lumapit si Pusa kay Aso para humingi ng pagkain.

“ Kaibigang Aso , paghatian nalang natin yan”sambit ni Pusa

“ Ayoko nga maghanap ka nalang dyan” sagot ni Aso

Walang nagawa si Pusa kundi umalis nalang. Nakita ni Aso at naawa


siya kay Pusa.
“ Kaibigang Pusa, halika hatiin nalang natin itong isda”sabi ni Aso

“ Salamat kaibigang Aso at makakain na din ako”sagot ni Pusa

“ Patawad kaibigang Pusa kung naging madamot ako sayo” wika ni


Aso.

Gintong Aral:
 Huwag tayong madamot sa ating kapwa.
 Mapagbigay sa mga nangangailangan.
Kahalagahan na Napupulot sa Kwento

Bilang isang guro isa-isip at isa buhay ang mga tunay na nangyayari

sa ating buhay upang maibahagi sa ating mag- aaral ang pangyayari

na nakapagbigay daan sa mga mithiin na nais nilang makamit.

Bilang isang mag- aaral sikaping maintindihan ang pangyayari sa

nabasang kwento. Isaalang- alang ang bawat damdamin at kilos sa

kwento upang maipadama sa kapwa ang pagiging mabuti at

mapagbigay.
Talasalitaan

Kalye ………………………………………daan

Sambit…………………………………….sinabi

Madamot………………………………..hindi mapagbigay
Mga Sagot:

1. Ang Aso at ang Pusa.

2. Si Aso at si Pusa.

3. Isang Isda.

4. Oo, dahil mapagbigay siya sa kanyang kaibigan.

5. Huwag madamot sa kapwa.

Mapagbigay sa mga nangangailangan.


Gabay sa Pagtuturo

KINDER
ANG ASO AT PUSA

MGA LAYUNIN

Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag –unawa sa pangyayari sa


kwentong binasa.

Pagganap

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang


na kakayahan at ugali sa panahon ng pangangailangan.

Batayang Konsepto:

Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan,


kahinaan, katatagan na nakatutulong sa:
o Pagpapakita ng kabutihan sa kapwa.
o Pagbibigay kahalagahan sa pinagsamahan.
MGA TANONG:

1. Ano ang pamagat ng kwento?

2. Sinu- sino ang mga tauhan sa kwento?

3. Ano ang nakita ng magkaibigan sa daan?

4. Dapat bang tularan ang ugaling ipinakita ni Aso?

5. Anong aral ang napulot sa kwentong binasa?

You might also like