You are on page 1of 3

ANG TATLONG MATATALIK NA KAIBIGAN 7-EINSTEIN

Isinulat ni:

Reiner C. Carreon

John Joseph R. Mendejar

Isang magandang umaga! Sabay-sabay sila nagising nang napakagandang gising.

Agila: Kamusta kayo?


Suso: Okay lang kaibigan ko.
Pagong: Ako rin.
Agila: Tara na’t maghanap ng makakakain.
(sabay nagsabi ang suso’t pagong)
Sige ingat!

Narrator: Nang makakuha sila ng makakakain ay agad silang nakauwi ng ligtas


ngunit,

Agila: Ang sarap ng mga nakuha nating prutas sa gubat!


Pagong: Oo nga!
Agila: Teka, ba’t parang may kulang?
(Sabay nilang sambit)
Si Suso!
Pagong: Bakit antagal ni Suso?

Narrator: At bigla nang sumapit ang hapon


Agila: Naku pagong kinakabahan na ako kay suso baka kung ano na ang nangyari sa kanya
Pagong: Nako agila wag ka magsalita ng ganyan, mas mainam na hanapin na natin siya
hangga’t maaga pa’t baka naligaw lang siya
Narrator: Naligaw na ng tuluyan si suso.
Suso: Tulong! Tulong! Naliligaw ako tulong!
Ahas: Pag sine-swerte nga naman hehehe
Ahas: Kamusta Suso?
Suso: Sino ka? Huwag kang lalapit at huwag mo rin akong sasaktan!
Ahas: Sumunod ka sa’kin. Tutulungan kitang mahanap ang iyong mga kaibigan.
Suso: Sige, pangako mo yan hah?
Ahas: Malapit na tayo ngunit malapit narin mag-gabi, tiyak na kailangan mo na ring
Magpahinga.
Suso: Sige ahas.
(sa di kalayuan)
Agila: Suso! Suso! Asan kana!
Pagong: Suso nasan kana!
Suso: Teka parang mga kaibigan ko yun ah. Salamat sa diyos!
Ahas: Wag kang lalabas, nagpapanggap lang iyan
Suso: Ngunit kailangan ko lumabas.
Ahas: Huwag!

Narrator: At Nawala na ang tiwala ni Suso kay Ahas at ikwinento ni suso ang buong pangyayari.
Agad namang sumugod ang agila’t itinangay niya ang ahas. Iniligaw ito ng agila papalayo.
Dito natatapos ang kuwento. Salamat sa pakikinig

Aral: Huwag basta basta magtitiwala dahil maaaring mapalagay ang iyong buhay
sa kapahamakan.

You might also like