You are on page 1of 100

D

1 A
D AY Y 1
Prepared by:
Jerry B. Guiriba
Teacher III
Libon East District
LIBON,ALBAY
Layunin:
Nabibigyang kahulugan
ng mga kilos ng mga
tauhan sa napakinggang
pabula. F6PN-Ic-19
Balik-aral: Laro: ( Pass the Ball )
(Reflective Approach ) ( Inquiry- based
Approach
• Ano ang Panghalip?
• Ano ang Pangngalan?
• Magbigay ng halimbawa ng
panghalip, at pangngalan.
Layunin:
Naibibigay ang kahulugan
ng mga kilos ng mga tauhan
sa napakinggang pabula.
(Collaborative Approach)
Maibibigay ba ninyo ang kahulugan ng kilos ng
nagsasalita sa pamamagitan ng pakikinig sa
kwento? Ano ang gagawin mo? (Makinig ng
mabuti. Pagpapahalaga)

Ngayon makinig sa kuwento tungkol sa


Pagong at Matsing.

Pero bago yan, atin munang alamin ang


mga mahihirap na salita
. Paghawan ng mga balakid
Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Hitik sa bunga ng bayabas ang aming


tanim kung kaya nagsawa rin sa kakakain ang
mga bata.
P __ __ __ __g ___ ___ ___ o
2.Wiling-wili si Ana sa panonood ng TV at
hindi niya namalayang gabi na pala.

L __ ___ ___ __ g ___ __ l __ __ __ ___ g


3.Marahang-marahan siyang naglakad
sa paligid ng taniman.
m_ na g l

4.May nagkakatay ng baboy sa amin


tuwing pista.
N___ p ___ ___ _____ y
Ilahad ang kuwento ni Pagong at ni Matsing. Pakinggang mabuti ang
kuwento. ( Collaborative Approach
Si Pagong at si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na
magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong,
subalit si M atsing ay tuso at palabiro. Isang araw
sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot
ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang
pansit” nag-aayang sabi ni Pagong “Naku baka
panis na yan”sabi ni Matsing “Ang nabuti pa,
hayaan mo muna akong kumain n’yan para
masiguro natin na walang lason ang pagkain”
dagdag pa nito.“
Hindi naman amoy panis Matsing at saka
hindi naman magbibigay ng panis na
pagkain si Aling Muning” sabi ni
Pagong“Kahit na, ako muna ang kakain”
pagmamatigas ni Matsing Walang
nagawa ang kawawang Pagong kundi
pagbigyan ang makulit na kaibigan.
Naubos ni Matsing ang pansit at walang
natira para kay Pagong.
“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang
kain ko ng pansit kaya wala ng natira.
Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng
tusong matsing. Dahil sa likas na mabait at
pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo
sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan,
nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.
“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng
saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto
ko itong itanim sa aking bakuran para pag
nagkabunga ay makakain natin ito” masayang
sabi ni Pagong Gusto ko rin ng saging na ‘yan
Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni
Matsing “Pasensya ka na, gusto ko rin kasi
nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”
“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas
na bahagi. Ung parte na may mga dahon
ha?” nakangising sabi ni Matsing “Ha? sa
akin ang ibabang bahagi?tanong ni
Pagong “Oo, wala akong panahon para
magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa
akin na lang ang itaas na parte”sabi ni
Matsing Umuwing malungkot si Pagong
dala ang kalahating bahagi ng saging na
may ugat. Samantalang si Matsing ay
masayang umuwi dala ang madahon na
bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman.
Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan
ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni
Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo,
nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si
Pagong naman ay natuwa nang makita ang
umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa
mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si
Matsing nang makita ang bunga ng saging sa
halaman ni Pagong. “Aba, nagkabunga ang
tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking
tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing
Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw
Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng
halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag
ni Pagong “hmp kaya pala nalanta ang aking
tanim”nanggigil na sambit ni Matsing “Mukhang
hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin”
anyaya nito “Gusto ko sana kaya lang masyadong
mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi
ni Pagong “Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat,
ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t
bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda”
sabi ni Matsing Pumayag si Pagong sa alok ni
Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa
taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno.
Wala itong itinira para kay Pagong. “Akin na lahat ito
Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para
sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing
Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong sa
ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay
siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising
si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t
humingi ito ng tulong kay Pagong. “Pagong,
tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito.
Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng
malakas”pagmamakaawa ni Matsing “Ayoko!
Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan!
Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan.
Sa bahay ni Aling Muning muna ako
habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay
alis papunta sa bahay ni Aling Muning
Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang
bumuhos ang malakas na ulan. Walang
nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno
ng saging. “Arrrraayyy! Aaaarayy!
natutusok ako sa mga tinik
Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong
matsing “Humanda ka bukas
Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa
akin”bulong nito sa sarili
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni
Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong
naglalakad sa may kakahuyan. “Hoy Pagong humanda
ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa
pagong. “Anong gagawin mo sa akin?” takot na
tanong ni Pagong “Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi
ni Matsing Nag-isip ng paraan si Pagong para
maisahan ang tusong matsing. “Oo sige tadtarin mo
ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa
gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga
parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni
Pagong Nag-isip ng malalin si Matsing “Haha,
susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka”
sabi ni Matsing “Hindi ka ba nag-iisip Matsing?
Hindi kami tinatablan ng apoy!
Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong
bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay
walang panama dito” pagyayabang ni Pagong
Nag-isip na naman ng malalim si Matsing.
Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa
dalampasigan. “Tignan natin kung saan ang
tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan
hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni
Matsing
Lihim na natuwa si Pagong.
Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.“Naku
huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot
ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy.
Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong
Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na
niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa
dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong
lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong
sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng
katawan nito sa tubig. “Hahaha. Naisahan din kita Matsing.
Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa
dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!!
natutuwang sabi ni Pagong. Malungkot na umuwi si
Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng
isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan
kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila
muling nagkita ni Pagong. Sabi nga: Tuso man ang matsing,
naiisahan din
Tanong:
Sino ang pangunahing tauhan sa
1.

kuwento?
2. Anong katangian ang taglay ni Matsing
batay sa kanyang kilos at pananalita.
3. Batay sa pananalita at kilos ni Pagong,
ano naman ang katangian niya?
4.Tama ba ang ginawa ni Matsing kay
Pagong?
5.Tama rin ba ang ginawa ni Pagong kay
Matsing?
Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan mula
sa napakinggang pabula.
1.“Aba, naku! Hindi po. Ako
po’y matagal na rito sa aking
puwesto” ang sabi ni Pagong.
2.“Aha! Nahuli rin kita! Hindi
ka na makaliligtas sa akin ngayon!
Sabi ni Matsing.
3.“Ibig ko ring pumula ang
pisngi ko” sabi ni Matsing.
D.Pinatnubayang Pagsasanay
Pakinggang mabuti ang pabulang aking babasahin. ( Reflective Approach)

Ang Agila at Ang Maya

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan,


buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang
malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang
paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na
ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka
gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang
mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya
naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para
maturuan niya ng leksyon.
Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan
mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang
Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito
ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung
kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni
Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan.
Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan,
natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas
sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan
na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay
kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng
kahit ano ng bagay
Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal
ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila
sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-
tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi
eh, mas hamak na magaan ang bulak na
dadalhin niya kumpara sa mabigat na
asukal na dadalhin naman nito. "O ano,
Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.
"Aba oo, payag na payag ako." "Sige
doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at
doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na
bundok na iyon," wika pa ni Maya
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil
tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya
nagpahalata. At sisimulan nga nila ang
paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay
siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya
bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya
bumagal ang lipad niya. Samantalang ang
mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay
nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang
lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang
nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na
bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan
mula sa napakinggang pabula
1."Hoy Maya, baka gusto mong
subukan kung sino sa ating dalawa
ang mabilis lumipad?"
2."Sige! Tinatanggap ko ang hamon
mo. Kailan mo gustong magsimula
tayo?"
3."Aba oo, payag na payag ako."
E. Isahang Pagsasanay

Si Leon at si Daga
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa
ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat
ang likuran ng leon at pagdating sa itaas
aynagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di
niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang
balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa
ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko
sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala
akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin"
sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay
na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita
pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat
kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako
sa kabutihan mo, "sagot ng daga. Lumipas
ang maraming araw at minsan sa pamamasyal
ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin
ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang
nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat
na ginawang bitag ng mga nangagaso sa
kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at
nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat.
Agad namang naputol ang lubid at bumagsak
ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis
na bumaba ang daga at tinulungan ang leon
na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang
aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng
leon sa kaibigang daga.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga
tauhan mula sa napakinggang pabula.
1."Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko
sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo.
Wala akong masamang hangarin.
2."Sige, pakakawalan kita pero sa susunod
ay huwag mong gambalain ang pagtulog
ko," sabi ng leon
3."Salamat kaibigan. Balang araw ay
makagaganti rin ako sa kabutihan mo,
"sagot ng daga.
4."Utang ko sa iyo ang aking buhay,"
laking pasasalamat na sabi ng leon
F.Paglalapat

Ang Kalabaw at ang Kabayo

Isang magsasaka ang nais manirahan sa


ibang bayan kaya isang araw ay inipon
niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa
kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabang paglalakbay. Makaraan ang
ilang oras ay nakaramdam ng matinding
pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil
sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo
di hamak na mas mabigat ang pasan kong
gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo
ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng
kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong
balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang
paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo
ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala
ko. Nanghihina ako. Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog kapag
ganito katindi ang init ng araw dahil
madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.
."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng
kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung
tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at
siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang
nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na
pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya
namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng
kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana
si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising
bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan mula sa
napakinggang pabula
1. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas
mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo.
Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo
yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
2."Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng
ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo
3."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot
ng kabayo
4."Kung tinulungan ko sana si kasamang
kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng
kabayo sa kanyang sarili.
.Paglalahat

Paano
nabibigyang
kahulugan ng mga
kilos ng mga
tauhan sa
napakinggang
pabula?
H.Pagtataya

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan mula sa


napakinggang pabula. (Reflective Approach)

Ang Aso at ang Pusa


Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang
ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang
munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan.
Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa
matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-
lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap
ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang
nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang
mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang
mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik
sa kanyang lalamunan
Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang
kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng
Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa leeg
ng aso upang alisin ang bikig.
Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay
nagsalita. “Ibigay mo na ang aking
gantimpala.”Umangil ang Aso. Inilabas
niya ang matatalim na pangil.
“Magpasalamat ka, at naipasok mo ang
iyong ulo sa aking bunganga at nailabas
mo pa rin nang hindi ka napahamak”,
wika ng Aso na wari pang nanunumbat.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan mula sa
napakinggang pabula. (Reflective Approach

1.Sa matinding paghihirap ay napahalinghing


nang ubod-lakas ang aso.
2.Tumakbo ang aso kung saan-saan upang
humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig.
3.“Ibigay mo na ang aking
gantimpala.”Umangil ang Aso.
4.Inilabas niya ang matatalim na pangil.
5.“Magpasalamat ka, at naipasok mo ang
iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo
pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng
Aso
Takdang Aralin:
Magbasa ng isang pabula
at isulat sa papel ang
ikinikilos ng bawat
tauhan.
DAY
DAY 2
2
Balik-aral: ( Laro) Pumalakpak ng 3 beses kung
pangngalan ang ipapakita at pumalakpak ng 1 beses
kung panghalip ang ipakikita.
( Reflective Approach)

1.Lungsod ng Lucena
2.Modesta R. Jaurigue
3.Sina
4.Katedral ni san Fernando
5.Siya
Ipabasa ang layunin:

Layunin: Nagagamit ng
wasto ang pangngalan sa
pakikipag-usap sa ibat-
ibang sitwasyon.
Kayo ba’y nakakain na ng tahong? Ano ang
naidudulot nito sa ating katawan? (Inquiry-based
Approach)
Basahin ang isang patalastas
Mag-iingat sa pagkain ng
tahong. May babala na naman
tungkol sa red tide na
ipinatutupad sa mga baybayin
ng Quezon, Laguna , at
Dalahican. Lahat ng mga
mamamayan ay binabawalang
bumili at kumain ng tahong,
talaba, at iba pang lamang-dagat
na hinuhuli sa mga baybaying
ito.
Tanong:
Ano ang paksa ng
patalastas?
Sino ang binigyan ng
babala na mag-ingat sa
pagkain ng tahong?
Saang lugar may red
tide?
Ano-anong pangngalan
ang ginamit sa patalastas?
Paglalahad at Pagtalakay

A B C D
tahong baybayin lamang-dagat bali-balita
talaba mamamayan uga-ugali

Tanong: Ano-ano ang napansin ninyo sa


pagkakabuo ng mga pangngalan?
Ano ang anyo ng mga pangngalan sa
unang hanay?
Sa ikalawang hanay?
Sa ikatlong hanay? Sa
ikaapat na hanay?
Sabihin: Ang anyo ng pangngalan sa unang hanay ay
payak. Tanging salitang-ugat lamang, walang katambal
na salita, at walang bahaging inuulit o kasamang
panlapi.
Ang anyo ng pangngalan sa ikalawang hanay ay
maylapi. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Ang panlapi ay maaaring nasa unahan ( unlapi ), loob
(gitlapi), hulihan ( hulapi) ng salita. Maaari ring may
nasa unahan at hulihan ng salita (kabilaan).
Ang anyo ng pangngalan sa ikatlong hanay ay
tambalan. Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang
salitang pinagtambal.
Ang anyo ng pangngalan sa ikaapat na hanay ay
inuulit. Ang buong salita o dalawa o higit pang pantig
nito ay inuulit.
Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Pangkatin ang klase sa 3 na pangkat: ( Collaborative /
Constructivist Approach) (Gawin ito sa loob ng 5 minuto)
Pagbibigay ng pamantayan sa pangkatang
Gawain:
Pangkat 1- Sumulat ng isang sitwasyon ng
pakikipag-usap tungkol sa kaklase ninyo na
nadala sa guidance office. Bilugan ang mga
pangngalan na inyong ginamit .
Pangkat 2 - Dula na nagpapakita ng isang
sitwasyon ng pag-uusap tungkol sa pagtatapon
ng mga basura sa barangay 5 gamit ang
pangngalan .
Pangkat 3 – Tula na nagpapahayag ng isang
sitwasyon ng gamit ang pangngalan.
Ipaliwanag ang rubriks sa pangkatang gawain:
5 minuto lamang

2 minuto lamang
E.Isahang Pagsasanay
Panuto; Magpapakita ng mga larawan ng iba’t ibang sitwasyon .
Sumulat nang 2-3 pangungusap upang makabuo ng isang maikling
sitwasyon ng pakikipag-usap. ( Constructivist Approach)
E.Paglalapat
Laro: ( Beauty Pageant) tumawag ng 5 kalahok bilang binibini at ipasagot ang
mga bubunutin na mga tanong. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
( Reflective Approach)
1.Maraming mag-aaral sa Iyam ang
nahihirapan sa pag-aaral dahil sa
kakulangan ng silid-aralan.
2.Talagang mahirap ang manirahan
sa Marawi City dahil sa magulong
sitwasyon ngayon doon.
3.Nalunod ang mga halaman sa
paaralan dahil sa malakas na pag-
ulan dulot ng bagyo. Bawat kalahaok ay
4.Namamaga ang mga paa ni Mario bubunot ng numero 1-5 ay
dahil sa kagat ng aso ng kapitbahay
iyon ang tanong sa kanila.
niya.
5.Hindi nakakakuha ng suweldo
ang mga empleyado sa city hall
dahil sa rally ng isinagsagawa ng
ilang mga empleyado
F.Paglalahat

Ano ang
pangngalan?

Ano ang gamit ng


pangngalan sa
pakikipag-usap sa
isang sitwasyon?
G.Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pangngalan ng ginamit sa pakikipag-usap sa bawat
sitwasyon

Jorey: Galing kami sa silid-aklatan.


Napakaraming mag-aaral ang naroroon ngayon.
Goya: Naroon din sina Malou at Karen at ,
nagsasaliksik din.
Rona, Josel, at Mawi: Ano naman ang inyong
sinaliksik?
Jorey: Eto, Mawi, tingnan mo. Kailangan na
naming matapos itong proyekto sa Filipino..
Mawi: Aba, mukhang may kahirapan yata ang
mga ito. Naroon sa bahay ang kuya kong nag-aaral
ng kolehiyo.
Maaring matulungan niya kayo sa inyong gawain.
H.Takdang-Aralin

Gumawa ng maikling
dula-dulaan gamit ang
panghalip at pangngalan
ang usapan.
DAY
3
Pag-awit:
Balik-aral:

Ano ang tintawag


na pangngalan

Ano ang gamit ng


pangngalan sa
pakikipag-usap sa
isang sitwasyon?
Ano ang mangyayari kapag hindi
sumunod sa wastong pamamaraan ng
pagmamaneho ang mga drayber?
Ipaliwanag sa mga bata ang layunin.

Layunin:
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong pang-
impormasyon
(procedure)
Ilahad ang impormasyong ito. Ipabasa nang tahimik. ( Collaborative Approach)
Tanong :
Anu- ano ang mga
dapat isaisip ng isang
nagmamaneho sa daan?
Ano ang unang dapat
sundin na gabay sa tamang
pagmamaneho sa daan?
Ano ang mangyayari
kung susunod sa mga
nabanggit na gabay sa tamang
pagmamaneho ang mga
motorist
. Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto; Sagutin ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon.
( Constructivist Approach)

Madali lamang ang paggawa ng uling na kahoy.


Ang uling na kahoy ay buhat sa panggatong na
kahoy na sinusunog upang maging uling. Ang
isang kinagawiang paraan ng paggawa ng uling
ay ay ang pag sunog ng putol na kahoy sa isang
balon sa lupa. Bago maging abo ang mga sinunog
na putol na kahoy ay agad-agad na tinatakpan
ang mga bibig ng balon upang mahinto ang
pagiging abo ng mga kahoy. Paglamig ng mga
sinunog ng kahoy ay hinahango ito at ito ang
itinatawag na uling. Ito ang ginagamit sa kalan sa
pagluluto ng pagkain
:
Tanong Saan nagmula ang
uling na kahoy?
Ano ang unang ginawa
upang maging uling?
Ano ang gamit ng
uling?
Madali ba ang paggawa
nito?
Ano ang gagawin mo
paglamig ng mga sinusunog
na kahoy?
. Isahang Pagsasanay
Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-
impormasyon. ( reflective Approach)
Sa bibig nagsisimula ang pagtunaw ng pagkain.,Sa
tulong ng ngipin at pag nguya, napipiraso ng maliliit ang
mga pagkaim. Tumutuloy sa tiyan ang nginuyang mga
pagkain. Maraming glandula sa paligid ng tiyan. Ang
mga katas mula sa glandula ay tumutulong sa pagtunaw
ng pagkain. Pupunta sa maliit na bituka ang natunaw na
pagakain. Tila mga nakalikong mga tubo na sa loob nito
ay kulo-kulubot. Nasa mga kulubot ang mga villi na
kinapapalooban ng maliit na ugat. Dumadan sa mga ugat
na iyon ang mga tunaw na pagkain papunta sa iba’t
ibang bahagi ng katawan. Ang mga hindi natunaw na
pagkain ay pumupunta sa malaking bituka, Pagkaraan ng
isa o dalawang araw ito ay lalabas bilang isang dumi na.
Tanong: Saan nagsimula ang
pagtunaw ng pagkain?
Ano ang tumutulong
sa pagpipiraso ng pagkain?
Saan patungo ang
ngunuyang pagkain?
Ang natunaw na
pagkain saan papunta?
Saan pupunta ang
hindi ntunaw na pagkain?
. Paglalapat Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa impormasyon
(procedure) ( Reflective Approach )
Tanong:
1.Ano ang simula ng karaniwang
sipon?
2.Sa huli, saan patungo ang sipon?
3.Bakit madali itong makapasok sa ating
katawan?
4.Anong dapat taglayin ng ating katawan
upang maiwasan ang sipon?
5.Ano ang pinakamahalagang dapat
taglayin ng ating katawan upang
maiwasan ang sakit?
Paglalahat: (Reflective Approach)

Bakit mahalaga
na sumunod sa
tekstong pang-
impormasyon o
procedure?
. Pagtataya
Panuto: Basahin ang impormasyom at sagutin ang sumusunod na tanong tungkol
sa impormasyon (procedure). ( Reflective Approach)
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa impormasyon
(procedure). ( Reflective Approach)

1.Anong halaman ang gamot sa kanser?


2.Ano ang gagawin sa halamang ito?
3.Sino ang sumusuporta at nananaliksik
na nagpapatunay na gamot ang sabila sa
kanser?
4.Ano pa ang ibang sakit na nagagamot
ng sabila?
5.Saan unang ipinalabas ang
impormasyong nakagagamot ng kanser
ang sabila?
Takdang Aralin:
Panuto: Magsaliksik ng babasaheng impormasyon
(procedure) Sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong.
1.Anong impormasyon ang nais
iparating ng iyong binasa?
2.Ano ang kahalagahan nito?
3.Anong paraan ang dapat sundin
upang makamit ang nais iparating na
menshae sa may-akda
DAY 4
Pag-awit:
Laro: Balik-aral: Laro: (Pass
the Ball) (Reflective Approach )
Kung sino ang tigilan ng
tugtog siya ang sasagot sa
tanong.
Bakit mahalaga na
sumunod sa
tekstong pang-
impormasyon o
procedure?
Pagganyak

Anu-ano ang dapat


tandaan sa pagsulat
ng talata?

Ipagamit ang mga


salitang
pinagtalakayan upang
makasulat ng isang
talata ang bawat mag-
aaral.
Layunin:
Nagagamit ang
mga bagong
salitang natutuhan
sa pagsulat ng
sariling
komposisyon
. Paglalahad at Pagtalakay
Pag-aralan natin ngayon ang mga mahihirap na salita. Alamin natin ang
kahulugan at pagkatapos gamitin natin ito sa pagsulat ng komposisyon.

1.iskwater -

2.yari –
3.kahirapan –
4.partikular –
Ipagamit ito sa pangungusap.
Ang Pagpapaalis sa mga Iskuwater
Ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit
laganap ang iskuwater sa bansa. Mga barong-
barong na malapit sa ilog at riles; mga bahay na
yari sa mga karton, yero, at lumang kahoy; mga
naninirahang karamiha’y walang hanapbuhay; at
mga batang kung hindi sakitin ay din a nag-aaral.
Ito ang larawan ng mga iskuwater sa bansa,
particular sa Metro Manila.Kailangan ang tulong
ng pamahalaan. Kailangan din ang tulong ng
pribadong sector, lalo’t yaong ang negosyo’y
nauukol sa pagpapabahay. Ngunit higit sa lahat,
ang kailangan ay ang tulong ng mga iskuwater na
mabago ang uri ng kanilang pamumuhay.
Tanong:

1.Ano ang pamagat ng


komposisyon?
2.Anu-ano ang dapat tandaan sa
pagsulat ng isang komposisyon:
Pangkatang Gawain: ( Collaborative Approach)

Panuto: Sumulat ng isang maikling


komposisyon mula sa mga bagong salita na
inyong natutuhan. (Gawin ito sa loob ng 5
minuto.)
Pagbibigay ng pamantayan sa
pangkatang Gawain:
Pangkat 1- Jingle - sumulat ng 1
komposisyon gamit ang natutuhang salita
Pangkat 2 – Tula
Pangkat 3 - RAP
. Isahang Pagsasanay
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salita upang makabuo ng sariling
komposisyon. ( reflective Approach )

Salot, kapit-bisig, imposible,


hinaing, kapwa trahedya, sakuna,
balik-tanaw kasawian,
pananmpalataya, pagpupunyagi,
kagalakan,
Paglalapat

Panuto: Sumulat
ng maikling
komposisyon
tungkol sa inyong
karanasan sa
nakaraang
bakasyon.
(Reflective Approach
Gawin ito sa loob ng
5 minuto.
Ano ang tinatawag na komposisyon?
Ano ang
kahalagahan ng
mga salitang
inyong
natutuhan sa
pagsulat ng
isang
komposisyon?
. Pagtataya

Panuto: Gamitin ang mga bagong


salitang natutuhan sumulat ng maikling
komposisyon tungkol sa:

1.Kahalagahan ng Kalusugan.

Gawin ito sa loob ng 3 minuto.


Gumamit ng rubriks sa pagtataya.
Takdang Aralin:

Panuto:Sumulat ng maiksing
Komposisyon tungkol sa di
makakalimutang karanasan .
DAY 5
Balik-aral:
Ano ang mga
bagay na makikita sa silid
aklatan? Anu-ano ang
mga tuntunin sa silid
aklatan?
Anu-ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ano ang tawag
dito? Saan ito makikita?
Layunin:
Nagagamit ang
Dewey
Classification
System.
F6EP-Ic-9.3
C.Paglalahad at Pagtalakay

1. Ano ang tinatawag na Klasipikasyong Dewey


Decimal?
2. Saan ginagamit ito?
3. Ano ang kahalagahan nito?
D. Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto: Ipangkat ang


magaaral.
Ipatalakay sa pangkat kung
paano ginagamit ang DCS.
Matapos ang inilaang oras,
tawagin ang
bawat pangkat upang
ibahagi ang kanilang
natapos na gawain. (10
minuto)
Anu-ano ang mga pamantayan na dapat
tandaan sa pangkatang gawain:
Panuto: Tukuyin ang bilang kung sa anong pangkat
makikita ang sumusunod na aklat.
1. Michael Angelo’s Painting
2. Computers and Phones
3. Visual Impairment
4. Adolescent Period
5. Ang Alpabentong Filipino
Ano ang
dapat
tandaan sa
paggamit ng
mga hiniram
na aklat?
Ano ang hiniram na aklat?
G.Paglalahat

Ano ang tinatawag


na Dewey
Classification
System

Saan ginagamit
ang dewey
Classification
System?
H.Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang bilang kung sa anong pangkat makikita ang
sumusunod na aklat.

Ibat-ibang uri ng Unggoy


1.

2. Barkong Titanic
3. Si Hitler at ang mga Hudyo
4. Nobelang Luha ng Buwaya
5. Ang Bagyong Ondoy
Takdang Aralin:
Magsaliksik ng ilang aklat
na inyong makikita sa silid
aralan at tukuyin kung
saang pangkat makikita ang
mga ito.
Ma’am Mildred

You might also like