You are on page 1of 3

Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing
ay tuso at palabiro. Isang araw sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno
ng saging. Nagpasya ang magkaibigan na paghatian ang puno. Kinuha ni Matsing ang parteng itaas
ng puno dahil iniisip niya na sapagkat may maraming dahon na ang bahaging kanyang nakuha ay
madali itong mamumunga. Kinuha naman ni Pagong naiwang ibabang bahaging may ugat.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang
lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na
saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng
saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di naglaon nagyaya na
si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag naman ito. Ngunit hindi
makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang aakyat sa puno at
lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong. Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala
itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan.
Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito sa
sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay
nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang sandali
nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng
saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako
siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya
itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot. Nagtanong si
Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino.
Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing
na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang
malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si
Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling
nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon
si Pagong. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong
itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng
pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.
At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko
na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na
maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang
kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Pangalan:__________________________________________Seksyon:__________________

Panuto: Ang mga pahayag sa ibaba ay bahagi ng Kuwentong Pagong at Matsing.Lagyan ng bilang 1
(pinakauna) hanggang 15 ( pinakahuli) ang patlang sa unahan ng bawat pahayag upang mabuo ang kuwento.

___ kinuha nina pagong at matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.

___ Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at Si Matsing.

___ Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero itinapon pa rin siya ni
Pagong.

___ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.

___ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kanyang saging, nakipagkasundo siya kay matsing na siya ang aakyat at
maghahati sila sa mapipitas na bunga.

___ kinuha ni matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.

___ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.

___ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.

___ Inubos ni Matsing ang lahat ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.

___ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa naman niya dahil
dadami siya at magkakaroon ng kasama.

___ Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing ilog.

___ Kinalaunan , namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.

___ Dahil natuwa na naming muli si Pagong, napagdesisyunan ni matsing na itapon na lamang si Pagong sa ilog
upang malunod.

___ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni matsing kaya natinik ito at nasaktan.

___ Hindi nalunod si pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si Matsing.

You might also like