You are on page 1of 3

MTB

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit


si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit
at hindi nagtagal ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na
nangangamoy panis na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa
naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing
dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng pansit.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.


Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila
ang puno ng saging ngunit an kinuha ni matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw nyang mag
patubo ng mga dahon kayat ang bandang ibaba ang napunta ky pagong ay my mga ugat at umuwi na
sila upang itanim at patubuin ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang
kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang
madahong bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang
tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa
puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.


Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag
naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang
ang aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong sa alok ni
Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng
puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya
habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong.
Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang
sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa
puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba.
Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin


ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap
niya si Pagong. Nakita niya itong
naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni
Matsing si Pagong na takot na takot.
Nagtanong si Pagong kung anong
gagawin nito sa kanya, at sinabi ni
Matsing na tatadtarin siya nito ng
pinung-pino. Nag- isip ng paraan si Pagong
para maisihan ang tusong Matsing. Kaya
ang sambit nito kay Matsing na kapag
tinadtad siya nito ay dadami siya at
susugurin siya ng mga ito at kakainin.
Nag-isip nang malalim si Matsing at
naisip nito na sunugin na lamang si
Pagong, ngunit nangatwiran na naman si
Pagong na hindi naman tinatablan ng
apoy ang kanyang makapal at matibay na
bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing,
hanggang sa maisipan niyang
pumunta sa dalampasigan at doon na
lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa
si Pagong. Nagpanggap itong takot
sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya


itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang
bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan
nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil
gustung-gusto ko na lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na
napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag
naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Araling panlipunan

Bahagi ng Paaralan

Garden Palaruan

Klinika

You might also like