You are on page 1of 10

Ang Pagong at Ang

Matsing
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Sina Pagong at ang Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at


matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw
binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at hindi natagal
nagyaya na si Pagong na kainin ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na
nangangamoy na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito
hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay
Pagong humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at hindi nakakain si
Pagong ng pansit.

2
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong hindi na siya nakipagtalo


sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng
isang puno ng saging at pinaghatian nila ang puno ng saging ngunit ang
kinuha ni Matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw niyang
magpatatubo ng mga dahon kaya ang bandang ibaba ang napunta kay
Pagong ay mga ugat at umuwi ma sila upang itanim ang puno ng saging.
Umuwi ng malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating bahagi ng
saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang
madahong bahagi ng puno.

3
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito


at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing.
Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.
Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno
ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang
hitik na hitik.

4
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni


Pagong.
Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa
puno ni Pagong at pumayag naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si
Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang aakyat sa
puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong
sa alok ni Matsing.

5
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat
ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng
puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan. Galit na galit si
Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog
ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si
Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi
ito ng tulong kay Pagong.

6
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si


Matsing. Makalipas ang sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na
ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.
Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang
pagbaba. Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.

7
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong.
Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na
takot. Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na
tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong
Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at
susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na
sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman
tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si
Matsing, hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si
Pagong. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

8
Ang Pagong At Ang Matsing

▪ Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo


lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong
lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal
ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak si Pagong na
sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na
lumangoy sa dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na
napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano
masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

9
Wakas!
Jeffrey B. Tactay

10

You might also like