You are on page 1of 1

Si Pagong at si Matsing

Isang araw namasyal sa tabing ilog si Pagong at si Matsing. Nakakita sila ng puno ng saging at kanila
itong hinati sa dalawa. Kinuha ni Matsing ang taas na bahaging may dahon sa pag aakalang agad itong bubunga at sa
may kakahoyan niya ito itinanim. Samantala ang bahaging may ugat ay itinanim ni Pagong sa tabing ilog.
Inalagaan ng dalawa ang kanilang mga tanim. Pagkaraan ng ilang araw nalanta at namatay ang tanim ni
Matsing. Samantala namunga ng maraming saging ang kay Pagong. Malungkot at umiiyak na dumalaw si Matsing
kay pagong. Naawa si Pagong at hinayaan niya itong mamitas ng kanyang saging basta paghahatiaan nila ang bunga
nito.
Subalit pag-akyat ni Matsing ay kinain niya lahat ng saging na kanyang mapitas at hindi na niya binigyan
si Pagong. Sa galit ni Pagong ay nilagyan niya ng tinik ang ibabang bahagi ang puno ng saging. Nasaktan si Matsing sa
mga tinik kaya hinuli niya agad si Pagong. Naisip niya itong tadtarin ng pinong pino subalit hindi niya ito itunuloy
dahil sinabi ni Pagong na dadami daw sila pag ginawa niya ito. Naisip naman niya itong lutuin ngunit hindi rin niya
itinuloy dahil sa gaganda daw ang kutis ni Pagong. Kaya sa huli hinagis niya ito sa ilog na ikinatuwa naman ni Pagong.

Aral

 Hindi porke’t mukhang mahina ang isang tao ay maari mo na itong isahan. Darating ang araw na ang
masamang ginawa mo sa iba ay pagbabayaran mo rin.
 Huwag maging tuso.
 Iwasan ang pagiging madamot.
 Ang pagkakaibigan ay higit na mahalaga kaysa ibang bagay. Kaya pahalagahan sila dahil mahirap makahanap
ng isang tunay na kaibigan.
. Matalino man ang matsing ay napaglalalangan din.

You might also like