You are on page 1of 24

Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.

Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog sa Pagong at Matsing.


Umiiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero
itinapon pa rin siya nito.
Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay Matsing na siya
ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.
Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.
Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya, ay gaganda ang kaniyang balat.
Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
Inubos ni Matsing ang ahat ng bunga kaya nagalit sa Pagong.
Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa naman
niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama.
Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing ilog.
Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lang ni
Pagong sa ilog upang malunod.
Nilagayan ni Pagong ang mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito at
nasaktan.
Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumanggoy. Naisahan niya si Matsing.
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal,
mahalagang Sangkap sa Paglikha ng mga Pahayag ang:
1. Kaugnayan- tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng
pangungusap sa paraang pasalita/pasulat:
A: Ang kalat naman dito!
B: Aayusin ko ang mga libro.
Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga
pahayag. Gayunman ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil
naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.
2. Kaisahan - tumutukoy kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip at
pagdaragdad ng mga kataga, panuring, komplemento upang pahabain ang
pangungusap.

You might also like