You are on page 1of 1

Pako

Umuulan, naka-upo ka sa bench sa tapat ng gusaling kulay dilaw, Building ng HRM students.
Hindi mo alintana ang mabibigat na patak ng ulan sa ulo mo. Baliw! rinig mong sigaw mula sa likuran
mo. Hindi mo man nilingon ang sumigaw niyon, pero kabisado mo na kung kaninong boses iyon. Sa
kaibigan mo, si Marriane.
Nasa tapat mo na siya, Nagpapaulan ka talaga ano? Gusto mo talagang magkasakit?!patuloy
na litanya nito.
Hindi mo siya pinansin, pinabayaan mo lang siyang patuloy na mag-sermon tungkol sa
katangahan mo. Ayos lang naman, sa isip mo. Hindi naman iyon totoo, iyon ang nasa isip mo. Basang-
basa na ang buong katawan mo, nilalamig ka nat wala ka pa ring paki-alam.
Maya-maya pa ay hindi mo na ramdam ang pagbuhos ng ulan sa ulo mo. Alam mong hindi pa
tumitila ang ulan dahil kita mo naman ang patuloy na pagbuhos nito. Tumingala ka at nginitian ang
kaibigan mong tapos ng magsermon. May pagka-sadista talaga itong si Marriane, na isip mo. Saka ka
lang pinayungan ng matapos kang sermonan. Ngunit gusto mo ring itanong kung bakit ka pa niya
pinapayungan e, basang basa ka na naman?
Kung hindi lang wasak ang puso mo malamang nakipagbibiruan ka pa rito. Binalik mo ang tingin mo sa
labasan ng gusaling kulay dilaw.
Hay naku! Hindi na yun darating pa, baka nga kanina pa yun nakaumuwi, Bat ba kasi ayaw
mong maniwala na tinu-time ka niya? Masokista ka din talaga ano? Gusto mo pa ng patunay, ni hindi ka
na nga sinisipot sa mga lakad niyo, Dinaig mo pa ako!
Gusto mo ng maiyak sa tinuran ni Marriane. Pero pinigilan mo ang luhang namumuo sa gilid ng
mga mata mo. Pinipiit mong magpaka-tatag. Maya-maya pa ay naaninag mo na ang bulto ng taong
kanina mo pa ina-abangan.
Sabi ko sayo e, nandyan pa siya! wika mo kay Marriane kasabay ng pagngiting malapad.
Ngumiti ka sa kanya mula sa malayo kahit hindi ka pa naman niya nakikita. Tumayo ka sa
kinauupuan mo at akmang lumapit sa taong iyon.
Ngunit natigil sa paglalakad dahil sa nasaksihan mo,
Pako halos bulong lang sa pandinig mo ang sinabing iyon ni Marriane dahil sa lakas ng ulan.
Pero mas malakas pa rin ang kabog ng dibdib mo kesa sa buhos ng ulan.
Ang luhang kanina mo pang pinipigilan ay tuluyan ng naglandas sa mukha mo kasabay ng
pagbuhos ng ulan.
Sabi na sayo di ba, tinututime ka ng girlfriend mo! Tigas talaga ng ulo mo, rinig mong turan ni
Marriane habang magkasabay niyong pinapanood ang girlfriend mong nakikipaghalikan sa lalaking ang
pagkakalam mo ay kaklase lang nito.

You might also like