You are on page 1of 5

MODYUL 1 - Aralin 3

Gawain at Pagsasanay

KCIAH CALIS
Pangalan: _______________________________ Araw ng Pagpasa: _____________
Kurso: __________________________________
ENGLISH 1B Sabjek: ______________________
FIL2

Gawain
Panuto: Magbigay ng tatlong babasahin sa mga sumusunod na layunin ng pagbabasa.

1. Layuning Impormatib
a. Kahalagahan ng Edukasyon sa Pag-unlad ng Bansa
b. Pagpapalaganap ng Kultura: Mga Tradisyon at Pamanang Kultural
c. Ang Epekto ng Klima sa Kagubatan
2. Layuning Maaliw/Malibang
a. Pagsusuri sa Libro at Nobela: Paglilibang at Pag-aaliw sa Pamamagitan ng
Pagbasa
b. Kahalagahan ng Komedyang Pantelebisyon: Pagbigay Aliw at Kaligayahan
c. Pag-aaral ng Sining: Layunin at Kaligayahan sa Pagguhit at Pagpipinta
3. Layuning Mahikayat
a. Estratehiya sa Pagsulat
b. Pangangatuwiran at Loogikal na Pagsusuri
c. Pananaliksik

Pagsasanay
Panuto: Basahin ang isang tekstong bahagi ng kabuuuang kwento. Upang mabuo ang isang
kuwento, dugtungan ang bahagi ng kwento na blanko na kailangan may kaugnayan sa susunod
na binigay na bahagi. Lagyan ng sariling pamagat ang kwento. Huwag limitahan ang kayang
idugtong sa bahagi ng kuwento.

Sa Muling Paglubog ng Araw

Isang alaalang nilimot na ng panahon na sa isang bahagi ng isipan ay nagpapagising sa bihirang pagkakataon,
pagkakataong balikan ang malamig na kahapon. May sariling buhay ang isip. May kapangyarihan ang pag-iisip.
Iwawaglit mo man ang pangit na kahapon, ibaon, limutin at burahin, sadyang bumabalik at pumupukaw sa
damdaming matagal nang pumanaw. Ngunit ang isipan ay may tanong. Pumanaw nga ba o mahimbing lang na
nakaidlip?

Tatlong taon na ang nakalipas nang huli tayong nagkita. Tandang-tanda ko pa noon kung gaano mo kabagal
tinahak ang daan palayo sa akin. Lumingon ka bago mo tinawid ang kawayang tulay na nagdudugtong sa daang
kinaroroonan ko at bangkang sasakyan mo. Tumalikod ako bago mo pa man makita ang pagpahid ko ng aking mga
luha. Ganoon tayo naghiwalay. Ganoong sitwasyon ang naging huli nating pagkikita.

“Manuel!” sabik kong sambit sa iyong ngalan habang tinataw kita sa may dalampasigan. Ang silaw ng
paglubog ng araw ay di kayang pantayan ang ganda ng iyong kakisigan.

Bakas sa iyong mata ang pag aalala na agad ding napalitan ng kaginhawaan nang aking mata ay matagpuan ,
“Gloria, aking iniirog, inakala ko ay hindi ka na makakarating.” kasama sa pagdampi ng lamig ng hangin ay
ang pagdampi rin ng init ng iyong halik.
Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa aking muka dahilan upang ikaw ay mapangisi. ‘nakakahiya’

"Tumakas lamang ako, Manuel, dahil sa bawat paglipas ng oras na wala ka ay tila ba isang malupit
na kidlat ang dumadagan sa aking puso. Hindi ko kayang palipasin ang araw na hindi ka kasama, o
masilayan man lang ang iyong mukha aking irog, kahit sandali lang."

Ramdam ko ang paginit ng gilid ng aking mga mata, pilit na pinipigil ang mga kuhang pilit kumawala.

“Natatakot akong baka sa susunod na araw ay ang madatnan ko na lamang ay ang iyong pag alis.
Kung lalayo man sa akin ang lahat, hahayaan ko. Kung iiwan ako ng lahat, ayos lang. Pero kung ikaw,
Manuel, ang mangiiwan sa akin? …ayoko. “ tuluyang pagagos ng mga masasagang luha sa aking mukha.

Naramdaman ko ang lambing ng kanyang mga palad na bumalot sa aking baywang, rinig ko ang malalim
mong pagbuntong hininga.

Dumampi ang kanyang labi sa tuktuk ng aking ulo kasabay ay ang marahan nyang pagpunas ang aking mga
luha gamit ang kanyang mga hinlalaki at mahigpit akong niyakap.

“Katulad ng mga alon sa dalampasigang, saan man ako tangayin ng kapalaran paulit ulit akong
babalik sayo. Kahit pa sa panahong ikaw na mismo ang kusang bumitaw at iwanan ako, patuloy akong
kakapit ng mahigpit sayo, dahil ikaw ang tahanan ko.”

Malambing nya akong pinihit paharap at matamis na nginitian.

“ Gloria, kung ako’y papipiliin sa pagsikat ba ng araw o sa paglubog nito ay paulit-ulit kong pipiliin
ang patatapos ng araw kung ang kapalit ay ang makasama ka sa bawat paglubog nito.”

Mataman kong tinitigan ang iyong mga mata ‘ Sana nga Manuel, sana nga ay pagdumating ang pagkakataong
iyon ay ako padin. Sana ang paglubog padin ng araw ang pipiliin mo’ bulong ko sa aking isip.

“ At katulad din ng paglubog ng araw, ang iyong yumi ang nagbibigay ng pag-asa at kasiyahan sa
bawat pagtatapos ng araw ko." sinsero nyang sabi at mahigpit akong niyakap. ‘Kung ano man ang dumating sa
buhay natin sana ay patuloy mo sanang piliin ang tayo.’
Naglalakad ako sa dalampasigan isang hapon, naiisip ko pa rin ang kahapong akala ko’y wala nang wakas.
Ayaw ko na sanang isipin ngunit kapag ganitong wala akong ginagawa sa bahay, lagi akong dinadala ng aking
mga paa sa dalampasigang dati nating tagpuan.

Kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang mga bakas mo, bakas ng mga alaala nating kay hirap kalimutan,
mga pangakong sa iyong labi ay binitawan. Lumipas man ang maraming taon ay naging sariwa parin sa akin ang
mga alaalang ating pinagsaluhan, mga alaalang habang buhay kong iingatan.

“ Gloria?”

“Nandito ka na naman sa dalampasigan nang hindi dala ang iyong balabal, paano na lamang kung
magkasakit ka?” nangangaral ngunit malungkot na sambit ng lalaking sa akin ay tumawag.

Natagpuan ko ang kanyang mga matang puno ng pag aalala ngunit lamang ang pagmamahal doon, bakas
sa kanyang muka ang pagod at takot, takot na alam kong ako ang naging dahilan.

“ Pasensya na, nais ko lamang tingnan ang paglubog ng araw” nabugtong hininga na lamang sya at
marahang pinatong ang balabal saking likod, tahimik syang tumabi sa akin, ginawaran ko sya ng maliit na ngiti at
muling humarap sa palubog na araw. Tila yumakap ang kahel na langit sa mahinahong alon ng malawak na
karagatan. Saksi ang karagatan at ang araw sa bawat pangakong binitawan namin sa isa’t isa. Sa bawat planong
aming binuo para sa bukas.

“ Ilan ang gusto mong anak Gloria?” biglang tanong ni Manuel mula sa aking tabi habang binabalatan ang
manggang dala nya. Biglang namanhid ang aking buong muka.

“ Manuel! Bakit ba bigla bigla kang nagtatanong ng ganyan?!” nahihiya kong turan sa kanya
“Nais mo bang tumira malapit dito sa dalampasigan? Tapos dito sa dalampasigang ito, dito maglalaro
ang mga anak natin habang sabay natin silang pagmamasdan” parang hinaplos ang aking puso sa bawat
salitang lumabas sa bibig nya.

“mga anak talaga?” pilit na ngiti kong sabi


“ syempre! Gusto ko isang basketball team, kung ikaw naman ang magiging ina ng mga anak ko bakit
ko pa titipirin” marahan nyang isinubo sa akin ang mangang kanyang binalatan at ngumiti

“magtatrabaho ako ng maigi para maibigay ko sa iyo, sa inyo ng magiging anak natin ang buhay na
nararapat sa inyo” bakas sa kanyang mata ang sensiridad, inabot nya ang aking kamay at pinatakan ito ng
munting halik.

“ang mga kamay nato, pangako kong hindi mapapagod ang mga kamay na ito” mula sa pagkakahwak
sa aking kamay ay naglabas sya ng isang singsing at dahan dahan nya iyong sinuot sa aking daliri. Mula sa
pagkagulat ay marahas ko syang pinihit sa isang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang paginit ng aking mga mata
sabay ng pagbuhos ng masasaganang luha. Tila walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon.

“nais kong gumawa ng pamilya na kasama ka Gloria, nais kong makasama ka sa bawat araw na lilipas,
nais kong simulan ang araw na kasama ka hangang sa pagtatapos nito. Mahal na mahal kita Gloria.”

“Gloria?” muli akong hinila sa reyalidad ng mahinang pagtawag na iyon.

“Ayan na naman ang mga mata mong tila laging may hinahanap, pansin ko lagi ang munti mong
pagkawala sa tuwing tumititig ka sa paglubog ng araw” kalmado man ay rinig ko ang lungkot sa bawat
salitang pilit tinatago ni Anton.

Mula ng iwan ako ni Manuel ay si Anton ang naging sandigan ko. Masakit sa akin ang madinig ang
kalungkotang dala ng kanyang tinig, nais ko mang itanggi ay alam kong ako ang dahilan noon. Sa tagal naming
nagsama ni Anton ay hindi lingid sa akin ang kanyang nararamdaman sapagkat hayag nya iyong ipanapakita at
pinaparamdam. Muli ay nakita ang taong totoong nagpapahalaga sa akin, ang taong nanatili sa kabila ng aking
wasak na mundo, ang taong pilit binubuo ako.

Parang isang bato ang dumagan sa akin sa aking napagtanto. Sinasaktan ko ang taong totoong mahal ako
dahil lang sa sakit na hindi ko mabitawan. Handa na akong magmahal muli pero sa panahong ito susugal ako sa
tamang tao.

“Patawad, Anton. Pangako, simula ngayon mamahalin na kita ng tama, mamahalin kita sa pagmamahal
na nararapat sayo.”

Bumakas ang saya sa iyong muka sabay ng pagtulo ng iyong mga luha. Kay rami man ng salitang sinasabi ng
iyong mata ay walang namutawi sa iyong mga labi. Ramdam ko ang init ng iyong mga luha nang akin ittong
punasan.

“Patawad Anton kung ngayon ko lang napagtanto” madamdamin kong tinig. “Handa na akong harapin ang
bagong araw na kasama ka Anton, sabay nating salubumgin ang pagsikat ng araw.”

Gusto kong isipin na ako ang dahilan ng iyong pagbalik ngunit marami na ang nagbago sa akin. Hindi na ako
ang dating hinangaan mo. Hindi na ako ang dating pinaglaanan mo ng iyong pag-ibig. Hindi na rin ako ang dating
minahal ka nang husto.

“Hihintaying kita rito, Gloria” mahigpit ang pagkakahawak ni Anton sa aking kamay, pinisil ko ito upang
mapanatag ang kanyang kalooban. Marahan kong binitawan ang kanyang kamay at pumunta sa taong minsan ay
naging laman ng puso ko.

Nakatalikod sya sa akin sapagkat kita padin ang kanyang kakisigan, lumipas man ang mga taon ay mas
lalong tumingkad ang kanyang kagwapohan. Naging mag promenente din ang kanyang katawan, tila ba ay
namamalagi siya sa gym. Muli ay napangiti ako, naging mabuti ang buhay sa kanya sa mga nagdaang taon.
“Gloria!” nakangiting tawag sa akin ni Manuel na akin namang sinuklian. Sabay naming tinanaw ang
muling paglubog ng araw. Rinig ko ang munting pagtawa ni Manuel.

“Parang noon lang ay ganito din tayo” malungkot na tinig ni Manuel “ Patawad, Gloria. Kung iniwan kita
kahit na pinangako kong hindi. Patawad sa mga pangakong hindi ko natupad at hindi na matutupad. Sa
panahong iyon ay wala akong magawa kundi ang iwan ka Gloria. Kinailangan kong lumuwas ng Manila
upang maalagaan ang aking tunay na ina. Hindi ako makapaniwalang may ina pala ako Gloria, kaya
naman nang malaman ko ay mabilisan akong lumuwas. Galit man ako dahil sa pagiwan nya sa akin ay
nandoon padin sa akin ang pangungulila sa isang ina. Hindi kita makontak dahil kailangan ni ina ng
masinsinang pagaalaga, sa panahong bumuti ang kanyang katawan ay naunahan ako ng hiya Gloria, ang
kapal ng muka kong kausapin ka samantalang alam kong nasaktan kita g sobra, patawad Gloria.” ramdam
ko ang bigat ng bawat salita ni Manuel, na para bang matagal na niya itong binibitbit at kinikimkim.

Hinanap ko sa aking loob ang galit, ang pangsusumbat ngunit wala akong makapa. Ang nararamdaman ko
lng ay kapayapaan. Siguro nga ay iyon ang matagal ko nang gustong matagap mula kay Manuel, ang paliwanang.

“Matagal na kitang pinatawad, Manuel. Sa katunayan nagpapasalamat ako sayo dahil sa pagalis mo
ay nakita ko ang kagandan ng pagsikat ng araw. Ang kagandahan ng bagong umaga, naging masaya ako sa
ating pagsasama Manuel kaya salamat” nakita ko ang kaginhawaan sa mga mata ni Manuel na tila ba katulad
ko ay iyon din ang matagal na nyang hinihintay, ang marinig ang aking kapatawaran.

“Salamat, Gloria. Nais ko mang makausap ka pa ngunit alam kong may naghihintay sayo.” nakangiti
nyang sambit.

“Paalam, Manuel. Sa kabilang mundo muli ay magkita tayo. Sa muling paglubog ng araw aking irog”

“Sa muling paglubog ng araw, aking irog”

Sa malayo ay nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Anton nang ako ay kanyang masilayan. Wala na
akong sinayang at mabilis na tinawid ang aming pagitan at kinulong ang isa’t isa sa iyang mainit na yakap.

Matagal akong nabihag sa kagandahan ng paglubog ng araw, pinigil ko ang pagtatapos ng araw sa aking
buhay. Kinulong ko ang aking buhay sa mga araw na kasama ko si Manuel. Naging bilanggo ako ng paglubog ng
araw ngunit dumating si Anton. Pinakita niya sa akin ang kagandahan ng bagong bukas, sa kanyang piling
naransan ko ang pag-ibig na mapaglaya, ang pag-ibig na tama. Si Anton ang aking bagong araw.
ARALIN 1 POSTER (SOLO)

You might also like