You are on page 1of 1

Si Pagong at si Matsing

Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Matsing at Pagong.


Alam ni Pagong na tuso at mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si
Pagong naman ay mabait at matulungin.
Isang araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan nilang hatiin ang bunga nito.
Kaya naman, pinutol nila sa dalawa ang puno.
Kinuha ni matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming bunga ng
saging. Pero, si Pagong naman ay naiwan ng ugat. Hindi rumeklamo si pagong dahil
likas siyang mapagpasensya.
Inuwi niya ang kanyang puno, tinanim, at di naglaon ay nabuhay ang kanyang puno at
namunga rin ng saging. Ngunit, si matsing naman ay muling nagutom at wala nang
makain. Pero, hindi rin makukuha ni pagong ang bunga dahil masyadon mataas.
Sinabihan naman ni matsing si pagong na tutulungan raw siyang kunin ang saging.
Ngunit, nung nasa itaas na ito, hindi niya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar
pa.
Gustong turuan ni Pagong si Matsing ng leksyon at nilagyan nito ng mga tusok ang
ilalim ng puno. Pagkababa ng Matsing, na tinik ito at nagalit kay Pagong.
Kinuha ni Matsing si Pagong at pinagalitan. Pagkatapos, tinanong niya ito kung saan
niya gustong itapon, sa lusong o sa ilog. Sinabihan siya ni Pagong na gusto niyang
bayuhin sa Lusong.
Dahil sa galit, akala ni Matsing gusto talaga ni Pagong sa lusong kaya naman na
pagisipan niyang ibato na lang ito sa ilog. Subalit, matapos siyang ibato ni Matsing, nag
pasalamat si Pagong dahil pangalawang bahay niya ang ilog.
Ang aral na makukuha sa kwentong si Matsing at Bagong ay simple lamang. Dapat,
hindi mo minamaliit ang iyong kapwa. Bukod rito, dapat ring gumawa ka ng tama dahil
balang araw, babalik rin ito sa iyo.
Karagdagan, kailangan mo ring mag-isip ng maagi para hindi ka maisahan ng mga
taong gusto gumawa ng masama sa inyo. Panghuli, ay dapat mag isip ka rin para sa
pangmatagalan, hindi lamang para sa ngayon.

You might also like