You are on page 1of 2

SI MATSING AT SI PAGONG

BUOD/SINTESIS

Ang Buod Ng kwentong “Si Matsing At Si Pagong”. Isang araw, may dalawang magkaibigang
Sina matsing at pagong. Alam ni Pagong na tuso ang kaibigan katulad na lamang noong nakakita
siya ng isang puno ng saging. Ito'y hitik na hitik sa bunga at masayang masaya si Pagong. Ngunit
namataan din agad ito ni Matsing at agad nitong inunahan si Pagong at inangkin ang puno. Hindi
pumayag si Pagong sapagkat siya ang unang nakakita sa puno. Dahil tuso, nakaisip si Matsing ng
isang ideya. "Hatiin natin ang puno Pagong, sa akin ang itaas na bahagi at sayo ang ibabang
bahagi" saad ni Matsing Pumayag naman si Pagong at nakangising umalis si Matsing dala dala
ang puno na may bunga. Buong pag aakala ni Matsing ay maiisahan nya si Pagong. Lumipas ang
mga araw ay naubos na ni Matsing ang bunga at namatay ang puno ng saging. Dali dali syang
naghanap muli ng makakain. Samantala, ang ibabang bahagi ng puno ay itinanim ni Pagong at
lumipas ang mga araw ay agad din itong namunga. Nalaman ito ni Matsing na dismayado at
gutom na gutom na umalis. Totoo nga ang kasabihan na "Tuso man ang Matsing,
napaglalamangan din"
BIONOTE

Si Nuryusrina Binti Yusoff,pinanganak sa bayan jolo Sulu noong Hulyo 7,2004 siya ay nag aral
ng kanyang primarya sa Sulu International School ngunit kalaunan ay lumipat sa Canelar
Elementary School sa Zamboanga City at doon tinapos ang kaniyang primarya.Siya ay ngayon
nag aaral sa Caldwell Adventist Academy Senior High School Strand na Science Technology
Engineering Mathematics bilang ikalabing put dalawang baitang kinuha niya ang strand na stem
sa hiling na makapag tapos ng Nursing upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang sarili at pamilya.

You might also like