You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Kaktus

Sa isang masaganang bayan, kilala ang isang pamilyang Tusbelyas dahil sa


kanilang taglay na yaman. Mahilig ang pamilyang Tusbelyas sa pangongolekta at pag-
aalaga ng mga halaman lalo na ang ina ni Kakte na si Aling Rosa. Si Kakte ay isang
spoiled at ayaw nito sa mga halamang inaalaga ng kaniyang ina. Lagi nitong
kinukunsinti ng kaniyang tatay ang mga maling gawain nito. Sa paaralan ay maraming
gusto makipagkaibigan kay Kakte dahil sa yaman taglay ng pamilya nito. Dahil sa
paghanga ng ibang estudyante kay Kakte lumaki ang kaniyang ulo. Mataas ang tingin
nniya sa kaniyang sarili at mababa ang tingin nito sa ibang tao. Nasasangkot siya sa
mga gulo sa labas ng paaralan dahil sa impluwensiya ng kaniyang mga kaibigan. Nang
nalaman ng nanay ni Kakte ang kaniyang ginagawang gulo, nadismaya ito sa
ginagawang pag-uugali ni Kakte. Nagsisi ito sa paraan nangpagpalaki nito kay Kakte.
Sinisi nito ang kaniyang sarili sa pag-uugaling mayroon si Kakte ngayon. Hinintay ni
Aling Rosa ang pag-uwi ni Kakte galing sa paaralan upang makausap niya ito.
Pagdating ni Kakte ay naabutan niya ang kaniyang ina na naghihintay sa loob ng
kanilang mansiyon. Pinagsabihan siya ng kaniyang ina na siyang ikinagalit ni Kakte. Si
Kakte ay galit na galit at napapalibutan ng tinik sa puso. Lumabas si Kakte sa kanilang
mansiyon at tumungo sa kanilang hardin upang sirain lahat ng mga halamang
inaalagaan ng kaniyang ina. Habang sinisira ni Kakte ang mga halaman ng kaniyang
ina, may biglang lumitaw na isang magandang diwata galing sa isang paso. Ito’y galit
na galit na nakatitig kay Kakte at tinanong ng diwata si Kakte kung bakit nito sinisira ang
kaniyang mga halaman. Nagulat si Kakte sa diwata ngunit binalewala lamang ni Kakte
ito at ipinagpatuloy nito ang pagsisira nang mga halaman. Hindi nagdalawang isip ang
diwata na parusahan si Kakte. Napahinto at napapikit si Kakte sa liwanag na
nanggagaling sa diwata. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nagtaka ito kung
bakit hindi niya magalaw ang kaniyang mga katawan. Nag-alala si Aling Rosa sapagkat
hindi niya nakikita si Kakte oras nang nakalipas, kaya hinanap niya ito nang hinanap sa
buong mansiyon hanggang siya ay napadpad sa kanilang hardin, ngunit laking gulat
nito na may sumira sa kaniyang mga halaman. May napansin si Aling Rosa at naagaw
nito ang kanyang pansin. Ito ay isang misteryosong halaman na kulay berde at
napapalibutan ito ng mga tinik. Naalala niya kaagad si Kakte, kaya’t ipinangalan niya
itong Kaktus.

You might also like